Loren Legarda: “Running for higher office is not in my agenda.”

Ang sobrang nagpapakilig daw sa senatorial candidate ay pag sinasabihan siyang kahawig niya si Lea Salonga.


Naitanong kay Senator Loren Legarda kung ano ang payo niya sa mga bagong tumatakbong Senador ngayong 2013 elections.

“Just present your platform, present yourself and what you can do for the people.

“Iyon yung ginawa ko nung una kong termino, iyon ang ginagawa ko hanggang ngayon. Magpakatotoo, ipakita mo kung papano mo maaagapan ang ten percent na pinakamahirap na Filipino na hindi pa nakakaramdam ng pag-asenso ng buhay.

“So, ano ang maipaglilingkod mo sa pinakamahirap na Pilipino, what can you do for the people?

“Simple, ganun lang,” umpisang pahayag ni Senator Loren sa presscon na inihanda para sa kanya ni Mother Lily Monteverde sa Imperial Palace Suites, Tomas Morato, Quezon City noong Biyernes, April 26.



LAST TERM. At dahil huling termino na niya kapag siya ay muling nahalal, ano ang susunod niyang hakbang? Tatakbo ba siya sa mas mataas na puwesto sa gobyerno?

“I have been asked that several times, and I will answer it again: ito ang aking pangatlo at huling termino sa Senado at hindi ako tatakbo for higher office sa 2016 bilang presidente o bise-presidente. Tatapusin ko ang aking termino sa Senado.

“Ginawa akong number one sa Senado ng dalawang beses, at ngayon ay babasehan mo sa survey ay ganun na naman… na landslide, number one, na panalo.

“Na-appreciate ko iyon sa taumbayan, tatapusin ko ang lahat ng aking batas na gustong gawin para sa kanila.

“At dalawa sa importanteng batas na iyan ay yung ating Universal Health Care na ngayong taon ay magkakaroon na ang twenty five million na Filipinos ng Philhealth.

“Yung pinakamahirap na mga Pilipino ay magkakaroon na ng health care coverage under Philhealth.

“At yung pangalawa, yung Pantawid Tuition Program na 3.8 million poorest families will have one college scholarship, per family.

“Iyan ang tingin ko na isa sa pinakamahalagang prayoridad na dapat gawin dahil ang pagbibigay po ng edukasyon sa isang mahirap na pamilya ay nagbibigay ng pag-asa sa kanyang mga magulang at sa kanyang sariling kinabukasan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya maski sampu ang anak, kung bibigyan po natin ng isang college scholarship ay malaking bagay sa isang mahirap na pamilya.

“Iyon ang gusto kong tapusin sa termino.

“Running for higher office is not in my agenda,” madiin niyang pahayag.



ZERO LOVE LIFE. Ang kanyang love life o personal life, nang tanungin dati ay ikinumpara niya sa isang cellphone na walang signal.

“Kung noon no signal, ngayon, Coke zero,” ang natatawa pang sinabi ng number one Senatorial candidate.

Sa tanong kung wala na siyang balak mag-asawa pa…

“My hands are full with my two growing sons, and all my extended family. Ang aking 78-year old nanay na Ilokana na may limang kapatid na hanggang 94 years old, ako pa rin ang nag aalaga, na nasa Paoay [Ilocos Sur].

“Maniwala po kayo o hindi, nahulog sa kama ang kanyang kapatid na 94 years old! Problema ko pa rin po yun, ako pa rin po ang nagpasagip sa ambulansiya, nahulog sa kama, sa barangay nila sa Paoay.

“Hindi alam ng mga apo niya ang gagawin, ako pa po. Tatlong araw daw pinabayaan sa hapag ng kanilang bahay doon dahil sabi raw po para hindi mahulog ulit sa kama.

“Ang nanay ko po ay nagalit sa kanyang mga apo, naiiyak ang nanay ko, umuwi ng Ilocos, ako po ang nag-asikaso sa lahat hanggang sa gumaling, yung 94 [anyos] po ngayon, nakakalakad na ulit,” ang natatawang kuwento pa ni Senator Loren.

“So, marami po akong extended family, ang pamilya ng aking nanay, si nanay ang pinakabata, 79 at may 94 nga, marami pa sila.

“Pati mga pamangkin at apo ni nanay, ako pa rin po. Ang kasambahay namin, single mother, single parent, biyuda na po… tatlo ang anak na may mga asawa, may mga anak na rin po, ako pa rin po.

“Yung aking cook, balo na may apat na anak, ako pa rin po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, marami pa.

“Maliban diyan may isang bansa akong inaalagaan.

“Sa karami-rami po ng dapat gawin, so my hands are full,” dagdag niyang kuwento.



LEA SALONGA LOOK-ALIKE. Marami ang nagsasabi na may pagkakahawig ang hitsura nila ni Lea Salonga.

“Actually kilig na kilig ako pag sinasabing kamukha ko; either kamukha ko siya or kamukha niya ako, whichever way.

“Bata pa ako sinasabi na iyan ng mga tao. Sa first term ko pa lang, 1998, sinasabi na, e, nakikilig naman ako. E, 30 years old ako noon. Ngayon 53, kamukha ko pa rin siya.”

Pero hindi raw niya kayang kumanta tulad ni Lea.

“Ay kanta? Ay, baka bumalik ang [bagyong] Ondoy!

“Actually, nung aking previous campaigns, nung 2004 nung kami ni FPJ, pagdating ko sa Basilan, sabi ko, ‘Akala ko pa naman nakilala ninyo ako.’

“Dahil pinagkaguluhan ako doon, sabi ng isang bata, ‘Nanay, ayan si Lea Salonga!’

“Tapos tawanan ang mga tao, sabi ng nanay, ‘Hindi ‘yan si Lea Salonga, iyan si…’, ewan ko kung sino yung sinabing artista.

“Tapos may isang mama ang sabi, ‘Hindi, siya si Loren Legarda!’

“I mean she’s [Lea] one beautiful, great lady, a brilliant Filipina whom I greatly admire.

“Alam ba ninyo nung nanood kami ng anak kong si Lance ng Les Miserables, ako’y parang fan, nag-antay sa stage door sa New York, I think after 2007.

“Nasa New York kami, matinee, nag-antay ako sa stage door, nakapila ako kasama ng ibang mga tao para magpa-autograph kay Lea.

“Nagulat siya na may senador na nandun.

“I really admire Lea. Nag-antay ako dun, I really admire Lea.

“At ilang beses ko ng nainterbyu si Lea nung ako’y nasa telebisyon.

“Yung Annie napanood ko yun at tuwang tuwa ako sa kanya,” ani Legarda na ang tinutukoy ay ang sikat na Broadway musical na ginampanan ni Lea noong 1980 noong 9-anyos pa lang siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And when I was working in PTV4, in 1985, may show si Lea sa PTV4. Nakikita ko siya sa studio, may taping ako ng Business Talks in 1985, siya nasa kabilang studio may TV show siya noon, she was a child.”



FRIENDSHIP WITH MOTHER LILY. Madalas siyang ipinape-presscon ni Mother Lily Monteverde tuwing eleksiyon, at ang naibalik niya kay Mother…

“Ang aming magandang pagsasamahan at ang aming lifelong friendship.”

Ayaw sagutin ni Senator Loren kung may itinulong siya nang naospital si Mother Lily kamakailan, although ayon mismo sa Regal matriarch ay meron.

Sinabi ni Senator Loren na…

“Friendships are not quantifiable by material things. That’s the way I look at it and Mother is by far more blessed than me materially.

“And I think what I can do for Mother is help her in the many things… siguro hindi na kailangang sabihin what I’ve done for Mother.”

Parang ina raw ang turing niya kay Mother Lilly.



PLANS FOR THE SHOWBIZ INDUSTRY. Bilang senador, ang magagawa raw niya para sa entertainment industry ay…

“Kung ano po ang mga magandang insentibo para mapalawak at mapalago ang industriya at matulungan ang marami.

“First, tourism is growing. Yung dating two million tourists ngayon five million na. In 2016, it will be 10 million tourists before President Aquino bows out.

“I think part of the tourism, we have cultural tourism, environmental tourism, heritage tourism and tourism in general.

“And I think the entertainment industry can be part of the tourism industry. Let’s encourage the Filipino producers to produce more because with more tourists coming in, they see Philippine culture in the eyes of the Filipino filmmaker and that will generate jobs.

“If the tourism industry will generate jobs for the labor sector I believe that sabay ng paglago ng turismo ay sabay din ng paglago ng industriya ng entertainment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In terms of law-making and legislation, I would want you, the entertainment press, to file a resolution or a petition to tell me what I can do in terms of incentivising more filmmakers to be encouraged to get into production of Filipino films.

“Or tax incentives or other non-tax incentives, whichever way and I will make that one of the first measures that I will file.”

Maituturing na ang involvement ni Senator Loren sa filmmaking ay ang instructional video na Ligtas na tungkol sa mga paghahanda at pag-iwas sa mga epekto ng climate change, at nauna na rito ay ang Buhos na isang documentary naman tungkol sa climate change, both directed by director Brillante Mendoza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN