Sam Concepcion on how Daniel-Kathryn fans might react if ever he gets paired anew with Kathryn Bernardo: “Siyempre magre-react, solid yung mga fans, di ba?”

For his dream role, Sam wishes for an offbeat role that’s dark, eccentric and maybe bordering on the verge of psychotic and "mental"


Hindi man nanalo si Sam Concepcion sa nakaraang 10thGolden Screen Awards ng ENPRESS, itinuturing pa rin niyang malaking karangalan na maging nominado kasama ng mga magagaling at kinikilalang aktor ng bansa.
“Mahirap i-imagine na mananalo ako dahil siyempre, yung mga kasama kong nominees, sila Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Aga Muhlach, John Lapus, hindi ba?
“So, these are some names, some of the veterans in the industry, kaya just coming in here tonight, I feel very honored.
“Na-nominate lang ako kasama sila, sa totoo lang, parang iba na yung feeling ko,” nakangiting saad ni Sam sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong April 27 sa Teatrino Greenhills, San Juan City.
Isa sa nominado si Sam sa Best Performance by an Actor in a Lead Role-Musical or Comedy para sa pelikulang I Do Bidoo Bidoo.
Ang mga kapwa niya nominado sa nasabing kategorya ay sina Aga Muhlach (Of All The Things), Archie Alemania (Slumber Party), Gary Valenciano (I Do Bidoo Bidoo), John Lapus (Moron 5 and the Crying Lady), at Ogie Alcasid (I Do Bidoo Bidoo).
Si Aga ang nagwagi sa naturang parangal.
LOOKING FOR OFFBEAT ROLE. Umaasa naman ang actor/singer na may darating pang ibang pagkakataon upang muli niyang maipakita ang kakayahan sa pag-arte.
“Oo, siyempre, I’m open to projects that are mga ganyan, di ba? That will challenge me as an actor, I’m looking to work with material na ganoon.
“Siyempre, kasi usually, yung mga love team, yung romantic comedy… Okay naman ’yon, pero gusto ko rin siyempre yung kakaiba.
“Definitely, gusto kong gumawa rin naman ng mga project na drama. I’m all for learning and experience,” seryosong pahayag ng binata.
Saad pa ni Sam, “I think, I barely tapped into my own potential, kasi alam mo ’yon, kasi marami pa akong matutunan, marami pa akong ma-e-experience.
“Gusto kong gumawa ng mga project that is out of my comfort zone, for me to grow as an artist.”
Ano sa tingin mo ang role na magiging interesting para sa iyo?
“Siguro yung something na medyo eccentric. Yung may pagka-offbeat na weird, na medyo alanganin, na medyo dark. Hindi naman iyong psychopath, pero alam mo yung ganun? Yung medyo may pagka-mental?” nakatawang banggit pa niya.
“Siguro yung mga ganoong klaseng role siguro, I would like to explore on,” pahabol pa niya.
Ano pa ang dapat abangan sa kanya sa TV?
“Sa TV? Siyempre ay ASAP pa rin.
“Ngayon, I’m concentrating sa album ko, under Universal Records.
“Na-shoot na namin yung video, pati yung album cover. Ibang-iba ito at baka hindi niyo ako makilala sa itsura, dahil we’re doing something new.
“Abangan nila, kasi, Universal is really pushing this album, kasi bago, e—bago yung sound, bagong ako, bago yung packaging, kumbaga.
“They’re releasing it in Indonesia, so, next month na siguro ang release nito.”
LOVE TEAM. Okay din ba sa iyong magkaroon ng ka-love team kagaya ng ibang young stars?
“Oo naman, oo naman… siyempre naman. We all know na that’s what gets people interested, that’s what people watch on TV, di ba?
“Pero siyempre, it really depends on what they give me, siyempre. Pero if given a love team, of course, why not?”
Sino kayang young star ang gusto mong makapareha?
“Well, I was paired na with, kami ni Julia [Montes] sa Way Back Home at kay Kathryn [Bernardo] sa Shake Rattle & Roll. So, actually silang dalawa, kasi comfortable ako being around them, e. So, kung makakasama ko sila in a serye, I would enjoy that.”
Hindi kaya mag-react ang mga fans ni Daniel Padilla?
“Oo nga, e, siyempre ay magre-react dahil solid yung mga fans, di ba? Pero ano lang naman iyan, e, work is work, di ba? Trabaho lang naman,” nakangiting pagtatapos ni Sam.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN