Kris Aquino defers plan to run for a national position; plans to run as Tarlac governor in 2016 instead

Sa paghahanda niya sa pagtakbo in the near future, sinabi ni Kris Aquino na ang kaibigang si Sen. Chiz Escudero ang kanyang magiging mentor sa pagiging public servant.


Ang pagka-gobernador na ng Tarlac ang posisyong maaaring takbuhan ni Kris Aquino sa 2016.

Nauna nang sinabi kahapon ng Queen of All Media na sa isang local position na ito tatakbo, perhaps ‘in a big city.’

Pero sa ulat ngayong araw, May 4, ng Philippine Daily Inquirer, maaaring sa kanyang probinsiya na tatakbo si Kris dahil hindi daw niya kayang tibagin ang mga Binay sa Makati.


Pahayag pa niya, “Mahirap tibagin ang mga Binay.”

“And they [the Binays] have been doing a good job in running the city.”

Kaya daw maaring sa pinanggalingang lalawigan ng kanyang mga magulang na lamang tatakbo si Kris.

Pahayag niya, “The incumbent [Tarlac] governor Vic Yap is now running for his last term. He said he would give it to me [to run for].”

CHIZ AS MENTOR. Dahil dito, pinaplano na ni Kris na mag-aral ng post-graduate course para maging handa sa pagiging public servant.

At ang kanyang magiging mentor daw ay si Chiz Escudero na ikinakampanya niya nitong mga nakaraang araw sa General Santos, Davao, Cebu at Leyte.

Aniya, “Chiz would be the one to do my assignments.”

Seryosong banggit pa nito, “I want to have credentials.”

Sinabi pa ni Kris na hindi muna raw niya itutuloy ang kanyang planong pagtakbo sa national level dahil wala pa raw siyang track record ng pagse-serbisyo sa bayan.

At ayaw daw niyang tatakbo lang siya sa kreditong anak ng bayaning si Benigno ‘Ninoy’ Aquino, Jr. at former President Corazon Aquino, at kapatid ng kasalukuyang pangulong si President Noynoy Aquino.

Dagdag pa ni Kris, “Gusto ko may maiambag naman para sa bayan.”

Samantala, matapos niyang naging very vocal sa mga kandidatong susuportahan niya sa election, pinagsabihan na daw si Kris ng kanyang mga kapatid na huwag nang magsalita pa tungkol dito.

Saad niya, “P-Noy and my sister Pinky texted me… They asked me to stop discussing [this issue].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang sa isang press conference sa Davao, tinanong si Kris kung boboto ba siya ng straight sa senatorial line-up ng Team PNoy ng Liberal Party na sinagot naman niyang, “I won’t answer that na lang kasi I don’t have to lie.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN