Ervic Vijandre hurt in campaign sortie riot; 14 supporters injured

Ervic Vijandre, who is now running for councilor in the 1st District of Taguig City, suspects that the perpetrators of the rampage were prepared for their despicable act, with the primary intention of disrupting their campaign activities


Nasugatan at nasaktan ang aktor na si Ervic Vijandre matapos magkaroon ng gulo habang nangangampanya siya sa Barangay Tuktukan, Taguig City ngayong araw, Mayo 4, Sabado.

Si Ervic ay tumatakbong konsehal sa District 1 ng Taguig, ang kanyang hometown.

Apat na tahi sa kanang bahagi ng kanyang ulo, sa bandang itaas, ang ginawa sa actor matapos siyang hampasin ng pamalo ng isang di nakilalang lalaki.

Bukod kay Ervic, tinatayang 14 pang tagasuporta niya ang nasaktan sa nasabing gulo at lahat sila ay dinala sa St. Luke’s Hospital, The Fort upang bigyang lunas ang mga sugat.

Nangyari ang gulo dakong 9:30-10:00 ng umaga, habang nagha-house-to-house sina Ervic kasama ang kanyang mga supporters.

Nakilala si Ervic nang sumali siya sa Survivor Philippines: Celebrity Edition noong 2010 sa GMA-7 at kalaunan ay naging talent din ng nasabing TV network.

Si Ervic ay dating modelo at former UAAP baseball player at basketball player sa Taguig.

Aniya, nagsimula umano silang mangampanya ng ika-7:00 ng umaga at nilibot ang 1st District ng Taguig.

Subalit nang mapadako sila sa Brgy. Tuktukan, napansin umano ni Ervic na tila may nangyayaring gulo bago pa nila lubusang mapasok ang barangay.

THE INCIDENT. Kuwento ni Ervic sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nagbabahay-bahay sila para mangampanya.

“Nag-start kami ng 7:00 AM tapos lumipat kami ng isang barangay, itong nasa likod ng munisipyo ng Taguig, tapos bigla na lang nagkakagulo,” lahad ng actor.

“Pati yung truck ko na sinasakyan ng mga supporters, sinira rin nila. Tapos yung dad ko hinila na ako, huwag na raw akong tumuloy sa isang street na ‘yon.

“Hindi ko alam. Akala ko may nanggugulo lang, gano’n.

“Pagtingin ko kung ano ang nangyayari, may mga tao na may mga hawak na kahoy. Yung iba may mga tubo, tapos umuulan ng bato. Ang senaryo parang pinauuwi nila yung mga tao. Pinapalo na nila kung saan-saan. Parang tinataboy, ‘Uwi!’ na parang gano’n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinangka raw ni Ervic puntahan ang puwesto ng truck dahil ang nagmamaneho raw niyon ay ang kanyang pinsan.

Nang makita raw niya na pabalik na ang truck, sumakay na raw si Ervic sa sasakyan, pero nagsumbong ang isa pa niyang tagasuporta.

“Nung nakasakay na ako sa sasakyan, biglang yung isang supporter ko sabi niya, ‘Si Raymond hinila ng sampung lalaki, binubugbog siya hanggang ngayon do’n.’”

Si Raymond Quimpo ay ang kaibigan ni Ervic na sumama sa actor upang tulungan siya sa pangangampanya.

Sinabihan daw ni Ervic ang mga kasamahan niya na sumakay na ng sasakyan at umalis na sila. Pinilit daw ng ama ni Ervic, na kasama sa kampanya, ang anak na umuwi na at para makaiwas sa gulo.

“Ang ginawa ko bumalik ako kasi ire-rescue ko yung kaibigan ko kasi unang-una, nandun lang siya dahil sa akin,” kuwento ni Ervic.

“Kina-campaign niya ako, tapos malalaman ko na binubugbog siya ng sampung lalaki... pinagpapalo siya do’n. Matitiis ko bang umalis?

“Kaya bumalik ako, sinama ko yung isang kaibigan ko sabi ko, ‘Tara, i-rescue natin, hilahin na natin siya.

“Hihilahin lang namin siya bigla. Yung parang ise-save lang namin siya.”

Hindi pa raw nakakalayo si Ervic para puntahan ang kaibigan ay may nagtangkang humampas na sa kanya.

“Bigla na lang may humataw sa akin sa ulo. Hindi ko na nakita. Sobrang bilis kasi [ng pangyayari].

“Bigla na lang may pumalo sa akin. Nakailag ako, e,” lahad ng actor.

“Tapos pag ilag ko, tinulak na ako ng kasama ko,” ani Ervic dahil tinangka umano ng kanyang kasama na iiwas si Ervic mula sa gustong humampas sa kanya.

Pagkatayo raw niya ay tumakbo na sila palayo at pumunta sa sasakyan.

“Alam kong tinamaan ako, pero alam ko nadaplisan lang ako. Parang di ganung ka[lakas ang] impact na maba-black out, kasi conscious pa ako, e. Nakatakbo pa ako, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE CULPRITS. Ano ba ang hitsura ng mga lalaking gustong manakit sa kanila?

“Lahat ng goons na nanggugulo puro nakatakip yung mga mukha nila. Para silang manghoholdap, tapos wala kang makikitang skin sa kanila, mata lang,” paglalarawan ni Ervic.

“Marami sila, sa bungad pa lang nakita ko na siguro more than 20. Pero may hawak na pamalo, tapos may hawak na bato. As in goons talaga sila, parang naka-ready sila para manggulo kasi may hawak silang pamalo.”

Malakas din ang hinala ni Ervic na pinaghandaan ng mga suspek ang pagdating ng kampo ng actor.

“Feeling ko prepared sila, e. Lahat sila may armas na pamalo.”

Ani Ervic, pagsakay daw nila ng sasakyan ay hindi na sila hinabol pa.

“Kasi nga ang intensiyon nga nila parang tinataboy lang yung mga tao, supporters na umuwi na… parang wag nang ituloy… parang nanakit lang sila para umuwi na kayo, parang gano’n.”

Pagdating daw sa ospital ay saka na lang sila nagkita ni Raymond at nahabag daw si Ervic sa sinapit ng kaibigan.

“Di siya makalakad nang maayos. Puro galos yung mukha niya, pati batok niya pinaghahampas siya.

“Makikita mo siya kawawang-kawawa siya. Alam mo yung kaibigan ko na ‘yon, bagong kasal siya. Buntis yung asawa niya. Sumama lang siya tapos kinaki-campaign niya ako, tapos bigla siyang naging gano’n,” panlulumo niya.

“Ang ginawa niya, hinarang niya lahat ng nanggugulo para di na makalapit sa amin.”


NO BACKING OUT. Nang matanong si Ervic kung ano ang susunod niyang plano, sinabi niya na gusto muna niyang isipin ang kapakanan ng mga kasamahang nasaktan.

May hinala ba siya kung sino ang na likod ng ginawang pagsugod sa kanila?

“Ayokong magbigay ng… mag-name names, di ba? Masama din ’yon, pero, di ko alam, basta… obviously connected to politics ang nangyari.”

Ang tiniyak ni Ervic ay tuloy ang laban niya. “Syempre mas lalo akong [nagkaroon ng lakas ng loob]. Andaming nasaktan, e, it shows lang kung ano ang pinaglalaban namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lalo kaming tutuloy, kasi sobrang daming nasaktan. Hahayaan ba naming ganito na lang ang mangyari, di ba?

“This is my first time na maka-experience ng ganong gulo na na-shock ako na parang puwede palang mangyari ito sa Taguig.”

Galit ba si Ervic sa nangyari?

“Ngayon kasi sobrang nahihiya ako sa mga taong nasaktan. Naaawa ako sa kanila. Di naman dapat sila masaktan pero dahil nga naniniwala sila sa amin, nadamay sila sa ganitong experience.”

Kinunan din si Ervic ng kanyang mensahe para sa mga taong nasa likod ng panggugulo sa kanilang campaign sortie.

“Sana naman ’wag na nilang paabutin sa ganito, di ba? Sana na lang yung peaceful na eleksiyon.

“Yun lang, e. Ganun lang naman kami, e. Di naman kami nakikipag-away para manakit, di ba?

“Okay lang sana kung ako na lang ang nasaktan, kami naman ang kandidato. Kaya lang yung mga taong walang kinalaman, nadadamay.

“Kung makikita mo ang hitsura ng mga tao ditong nasaktan, di ba? They’re not even the candidates, e.

“Kagaya ng kaibigan ko. Pinrotektahan niya ako,” pagtukoy niya kay Raymond.

Pagpapatuloy pa ni Ervic, “Wala naman kaming ginagawa [masama], bakit mambubugbog? Nagha-house-to-house lang kami, nagpapakilala lang kami, kumakaway lang kami sa tao, bigla na lang silang nagpaulan ng bato. Bigla silang mamamalo. Ano’ng klase ’yon di ba?

NEXT STEP. Ilang araw na lang at botohan na, tuloy pa ba ang pangangampanya niya matapos ng insidente?

“Hindi ko alam kung what’s next after this, pero ako at mga kasama ko [na kandidato], definitely hindi kami aatras dahil sa ginawa nila.

“Hindi kami basta natatakot, pero hindi ko alam… Kung ako ang tatanungin, gusto kong mangampanya pero gusto ko ako na lang para wala nang madamay.”

Sa panayam naming iyon kay Ervic ay sinabi niyang hindi pa alam ng kanyang mga magulang na nasa Emergency Room siya at mas mabuti raw na hindi niya ipinaalam agad upang hindi umano sila mangamba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huling katanungan, inusisa namin si Ervic kung gagawa ba sila ng hakbang, gaya ng imbestigasyon para masampahan ng kaso ang mga salarin.

“Sa akin kasi, di ko pa alam kung ano ang plano ng mga kasama ko. Definitely may legal action silang gagawin. May mga kasama naman ako na mga attorney.

“Yung kasama naming kandidato na mayor, definitely may gagawin siya. Kagaya ko, hindi siya papayag na gaganituhin lang kami. Gaganituhin ang mga tao,” pagtatapos ni Ervic.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN