Gerald Santos overwhelmed by Nora Aunor’s presence during his concert

Gerald on having Nora Aunor and Kuya Germs as his special guests during his recent concert: ’’Overwhelmed ako sa dami ng nanood lalo pa at nanood si Ate Guy mula umpisa hanggang end ng concert. Sobrang honored at the same time ay humbled ako sa ginawang yun ng Superstar ganun din si kuya Germs!"


Naging matagumpay ang second major concert ni Gerald Santos noong April 23 sa Music Museum kaya naman nasa cloud 9 pa rin ngayon ang singer at masayang-masaya sa naging resulta ng kaniyang palabas.

Kahit alanganing araw at kasabay pa ang concert ni Daniel Padilla sa Araneta Coleseum, hindi pa rin iniwan ang tinaguriang Prince of Ballad ng kaniyang mga tagahanga at taga-suporta.

Dumagdag pa sa kasiyahan niya ang pagpunta at panonood ng Superstar na si Nora Aunor na tinapos ang concert at nagbigay pa ng standing ovation sa kanya.

Itinuturing ni Gerald na isang napakagandang pangyayari sa buhay niya ang tagpong iyun kaya naman isa si Nora sa mga inalayan niya sa kaniyang espesyal na pagtatangahal.

’’Overwhelmed ako sa dami ng nanood lalo pa at nanood si Ate Guy mula umpisa hanggang end ng concert.

“Sobrang honor at the same time ay humbled ako sa ginawang yun ng Superstar ganun din si Kuya Germs!" bungad ni Gerald nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi sa isang recording studio sa Quezon City.

"Basta mahal ko po sila. Kung kailangan nila ako, anytime ay available po ako.’’

AWED BY THE SUPERSTAR. Bago pa man ang concert, hindi umaasa ang binatang singer na pupuntahan siya ni Nora at papanoorin nito.

Very vocal ang binata sa pagsasabing isa sa mga inspirasyon niya sa pagkanta ang beteranang aktres. Malaki ang paghanga at pagrespeto niya sa tinaguriang Superstar ng Philippine Showbiz.

Sabi nga niya, "I’ve watched her movies at grabe ang husay niyang umarte.

“Legitimate singer din po kasi si ate Guy na nag-cross over sa movies. Yun po yung path na gusto po sana namin para sa akin.

“Legit singer turned into a great [if not the greatest] Filipino actor si Ate Guy. At hangang-hanga rin ako sa pagmamahal sa kanya ng kanyang mga fans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ibig lang sabihin ay may napakaganda siyang pakikitungo sa kanyang mga fans.

“That’s something... na tumanda na at yumaman na ang mga fans niya pero solid pa rin sila kay Ate Guy. In terms ng pagkanta, nakaka-relate din ako sa kanya.

“Hindi siya belter, gaya ko, pero nag-standout siya sa lahat ng mga singers dahil galing sa puso ang kanyang pagkanta."

“Sana po matuloy yung pelikula na pagsasamahan daw namin ni Ate Guy at si Sir Ricky Lee ang magsusulat. Dun super excited ako!

“Makakatrabaho ko na rin sa wakas ang idol ko! Let’s pray na mag push through yun. I’ll pray hard,” saad niya.

CONCERT HIGHLIGHTS. Samantala, ganado pa rin sa pagkukuwento si Gerald sa katatapos niyang konsiyerto. Aniya, seventeen songs ang kinanta niya kasama ang eight medleys.

Most applauded daw yung part na kinanta niya ang mga kantang pinasikat ni Nora Aunor. Ang mga kantang ito ay ang “Handog,” “People” at “This is My Life.” Sa parte rin daw na ito ay hindi napigilan ni Nora ang umiyak.


“Nang makita ko pong umiiyak si Ate Guy habang kumakanta ako, medyo nadadala na rin po ako pero hindi po ako nagpaapekto para maayos po ang maging pagkanta ko at hindi mapahiya sa kanya.

“Gusto ko rin po yung Barry Manilow medley at yung part na kinanta ko po yung “Hanggang” na dinedicate ko po kay Kuya Germs yung song.

“Ang sarap po ng pakiramdam na nag-standing ovation ang audience pati si Ate Guy at Kuya Germs. As in, sobra po talaga ang saya ko at nararamdaman nung gabing yun," pagpapatuloy pa ni Gerald.

Pinamagatang The Prince of Ballad: Soaring High ang katatapos lang niyang concert kung saan nakipagtagisan siya ng galing sa kanyang mga special guests na sina Arnell Ignacio, ang baguhang singer na si Joel Mendoza at si Rufa Mae Quinto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pangalawa na niya ito mula sa matagumpay niyang Major Move concert noong 2011 na ginanap din sa Music Museum.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN