Thea Tolentino on co-star Jeric Gonzales: “Sa ngayon, hindi pa naman talaga kami ganung ka-close sa isa’t isa. More bonding pa siguro.”

Thea on Jeric: “Caring person siya. Halimbawa, napansin niya na down ka, lalapit talaga siya at sasabihin niya na, ‘Okey ka lang ba? Wala, okey lang ’yan.’ Talagang magre-reach out siya at ili-lift niya ang spirits mo.”


Lagare ang Protégé: The Battle For the Big Artista Break female grand winner na si Thea Tolentino sa dalawang shows niya sa GMA-7—ang Teen Gen at Love and Lies.

Nang makausap ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan lang sa GMA Studios ay hindi masidlan ang kaligayahan nito.

Simulang pahayag ng Kapuso star, “I feel so blessed pati na rin si Jeric [Gonzales, ang male counterpart winner niya sa Protégé].

“Kasi, after winning nga, meron kaagad kaming Teen Gen and then while ongoing ang show ay nagulat kami pareho na kasama pala kami sa Love and Lies.

“Masaya kam dito sa huli kasi first time naming makasama sina Richard [Gutierrez], Bella [Padilla] at Michelle [Madrigal].”

Sabi pa niya, “Siyempre, nung una ay kinabahan ako na makakasama ko sila pero na-excite na rin ako kasi big project ito na inaabangan sa GMA.

“Malaki ang expectations sa amin kaya sobrang challenging ito para sa amin. Happy kami na ang mga kasama namin ay mga beterano na talaga.

“Kami rin ni Jeric ay natsa-challenged talaga kasi dapat ay makikipagsabayan kami sa kanila.”

Kaya nga raw focused silang dalawa sa kani-kanilang roles para sa primetime series na ito.

Ani Thea, “ Kaya concentrated talaga kami pareho. Lahat ng mga sinasabi ng direktor namin ay pinapakinggan namin.

“Kung anong klaseng pag-arte ang gusto nila ay ginagawa namn. Siyempre, bilang mga baguhan ay ayaw naming mapahiya.

“Yung Teen Gen, alam na naming gagawin namin pero itong sa Love and Lies, bigla na nilang sinabi na kasama kami kaya nagulat kami.”



ADVICE FROM CO-ACTORS. Hindi naman daw siya nailang sa mga ka-work niyang mahaba na ang karanasan sa pag-arte.

Saad niya, “Hindi naman kasi sila mismo ay nagbibigay sa amin ng advise.

“Kinukuwento nila yung mga naranasan nila dati.

“Lalung-lalo na si Tita Shyr Valdez, kasi siya ang nanay ko sa Love and Lies, lagi niya akong pinagsasabihan na, ‘kailangan ganito o ganyan ang acting mo.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, sinasabi pa niya na hindi naman daw dapat unahin ang lovelife kasi mahahati nga raw ang time ko at attention namin.

“So, dapat daw ay focused muna kami sa career. Mga bata pa naman daw kami,” dagdag niyang kuwento.



NO BREWING ROMANCE WITH JERIC. Sa kadalasan ng pagsasama nila ay marami ang nagsasabing magiging silang dalawa ni Jeric.

Nangiti dito si Thea, “Ay, hindi naman namin iniisip na ganun ang mangyayari.

“Ang dami ngang nagsasabi sa amin tulad ni Tita Gina [Alajar] na huwag daw nga namin munang isiipin.

“Sa ngayon,hindi pa naman talaga kami ganung ka-close sa isa’t isa. More bonding pa siguro.

“Pero, since kami lagi ang magkasama, siguro nga ay magiging close din kami.”

Paano kung ma-develop sa kanya ang guwapong young actor at tuluyan nang magparamdam sa kanya?

“Ay, hindi naman po,” mabilis niyang sabi. “Sixteen years old pa lang naman ako. Kaka-gaduate ko pa lang sa high school.

“Hindi ko muna iniisip ang mga ganyan.

“Si Jeric din, naka-focus din sa career niya. Lagi nga niyang sinasabi na marami na rin siyang pinagdaanan.

“So, wala sa isip niya ang lovelife. Saka na raw din muna.”

Dugtong pa niya, “Hindi ko rin ma-imagine na magkaka-boyfriend na ako ngayon.

“Pero, depende naman. Kasi kapag nagkagusto ka, hindi mo naman masasabing ayaw mo.

“Basta, mararamdaman mo na lang.”

But if ever, sa tingin ba niya ay okey namang maging boyfriend niya ang kanyang kapareha?

“Okey naman,” parang nahihiyang sabi pa niya. “Mabait naman si Jeric.

“At saka, caring person siya.

“Halimbawa napansin niya na down ka, lalapit talaga siya at sasabihin niya na, ‘Okey ka lang ba? Wala, okey lang ‘yan.’

“Talagang magre-reach out siya at ili-lift niya ang spirits mo.”



STILL WAITING FOR BIG BREAK. Pinansin namin na ang mga survivors ng Starstruck ay mas maganda ang career kaysa sa kanila sa Protégé.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“A, oo,” pag-amin niya. “Napansin nga namin.

“Lalo na yung unang batch ng Starstruck. Malayo na ang mga narating nila.

“Kami kasi, nagsisimula pa lang kami. Pero,unti-unti namang nagkakaroon ng projects ang mga ka-batch ko.

“Darating din yung oras for us.

“Naniniwala kami na merong pinaplano ang GMA sa amin. At naghihintay kami for the right time.”

Dagdag pa niya, “Sa ngayon gusto ko munang makasama sa drama tulad nitong Love and Lies.

“Kahit noon pa namang nag-dream akong maging artista, gusto ko talagang sa drama ako mag-concentrate.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN