Chynna Ortaleza on why she always wants to reinvent her villainess roles: “Para hindi ka masabihan na isa kang second rate, trying hard copy cat!”

Chynna on her Best Supporting Actress nomination at the recently-concluded 61st FAMAS Awards: “Sa totoo lang, ang gagaling ng mga makakalaban ko and I am just happy to be part of that category kahit na alam kong long-shot ang manalo ako. Hindi naman tayo umaasang manalo. Just to be nominated is already an award for me.”


Kahit hindi siya nanalo, nagpapasalamat pa rin si Chynna Ortaleza sa nakuha niyang acting nomination mula sa nakaraang 61st FAMAS Awards.

Na-nominate si Chynna sa Best Supporting Actress category para sa kanyang performance sa indie film na Migrante.

Si Jaclyn Jose ang nanalo para sa pelikulang A Secret Affair. Ang ibang nominees sa naturang kategorya ay sina Hilda Koronel (The Mistress), Kim Chiu (The Healing) at Carmina Villarroel (One More Try).

HONORED BY NOMINATION. Ikinatuwa nga ni Chynna na first acting nomination niya iyon mula sa isang kilalang award-giving body kaya labis ang pasasalamat niya.

“Sobra akong natuwa noong sabihin nga sa akin na nominated ako for Migrante sa FAMAS.

“Akala ko nga dyinu-joke lang ako. Pero noong ma-confirm ko na totoo nga, siyempre, happy ako kasi nga it’s my first ever acting nomination sa tagal ko na sa industriyang ito.

“That time na sinabi sa akin, hindi ko pa alam kung sino ang ibang nominees.

“Nalaman ko na lang na nominated din pala sila Ms. Jaclyn, Ms. Hilda, Ate Carmina at si Kim.

“Sa totoo lang, ang gagaling ng mga makakalaban ko and I am just happy to be part of that category kahit na alam kong long-shot ang manalo ako.

“Hindi naman tayo umaasang manalo. Just to be nominated is already an award for me,” ngiti pa ni Chynna nang makapanayam namin siya sa taping ng Kakambal Ni Eliana.

Well-deserved naman daw ni Jaclyn Jose ang manalo nilang Best Supporting Actress for A Secret Affair. Isa nga sa pangarap ni Chynna ay ang makatrabaho ang award-winning actress sa isang TV series.

“Isa sa hinahangaan ko ‘yang si Ms. Jaclyn. Kaya noong siya ang manalo, talagang bow ako sa husay niya,” bukambibig niyang pagpuri sa beteranang aktres.

“Dream ko ang makasama siya sa isang teleserye or movie.

“Actually, may nagawa akong indie film na kasama si Ms. Jaclyn. Kaso hindi siya naipalabas. Hindi ko alam kung ano ang naging dahilan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Marami akong mga eksena doon with Ms. Jaclyn. Sayang nga at hindi na-release yung indie film na iyon.

“Pero hindi pa naman huli ang lahat. Marami pang opportunities na makakasama ko ang isa sa hinahangaan at nirerespestong aktres ng industriyang ito.”

DREAM CO-STARS. Marami pang gustong makatrabaho si Chynna para maging kumpleto nga raw ang kanyang pagiging artista.

Kabilang na rito ay ang makatrabaho ang Superstar Nora Aunor at Star for all Seasons na si Vilma Santos.

“Lahat naman siguro ay gusto silang makasama sa pelikula or TV man lang.

“Ang suwerte nga ng mga nakatrabaho na nila. Kumbaga, maipagmamalaki na nilang they’ve already worked with the Superstar and the Star for all Seasons, di ba?

“Ako kasi, konti pa lang sa mga veteran stars natin ang nakakatrabaho ko.

“I’ve worked na with Lorna Tolentino, Dina Bonnevie, Snooky Serna, Albert Martinez, Tirso Cruz III, Cherie Gil, Gina Alajar, Bella Flores, Rita Avila, Jestoni Alarcon... sila pa lang ang mga alam kong nakakatrabaho ko.

“I want to work with more veteran stars. Habang active pa sila at active pa rin ako sa paggawa ng TV series at movies, sana nga ay mabigyan ako ng chance to work with the best tulad nga nila Ms. Nora at Ms. Vilma,” dasal niya

FAVORITE DIRECTORS. Masuwerte naman si Chynna pagdating sa mga film directors dahil nakatrabaho na niya ang mga mahuhusay, mapa-TV man o pelikula.

“But of course, isa sa paborito ko si Direk Joel Lamangan. Siya ang director ko sa Migrante.

“I also worked with him sa Menor de Edad. Sa TV, ilang beses na kaming nagkasama like Paano Ba Ang Mangarap?, Pahiram Ng Isang Ina, Adik Sa ‘Yo and Magic Palayok.

“I also worked with the likes of Maryo J. delos Reyes (Hawak Ko Ang Langit), Mac Alejandre (The Last Prince) and Lore Reyes (Sugo).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto kong makatrabaho ulit si Erik Matti. He directed me sa Mano Po 2.

“Marami pa akong gustong makatrabaho na directors like Chito Rono and Jose Javier Reyes. Gusto ko ma-experience ang makasama sila sa anumang project,” patuloy niyang kuwento.

REINVENTING HER VILLAINESS ROLES. Ngayon ay enjoy nga si Chynna sa kanyang kontrabida role bilang si Minerva sa top-rating afternoon series sa GMA-7 na Kakambal Ni Eliana.

Sa bawat kontrabida role nga na gawin ni Chynna ay sinisigurado niya na iba ito sa huli niyang ginawa.

“I always experiment naman sa mga roles na binibigay sa akin. Para siyempre, iba-iba at hindi masabi ng televiewers na nagawa ko na iyon sa huling kontrabida role ko.

“I learned that from Ms. Cherie Gil. Siya kasi gusto niya paiba-iba rin ang dating niya. Kailangan daw hanapin mo kung saan ka kumportable at saan ka magiging effective.

“Then you give it your own style—yung alam nilang ikaw lang ang makakagawa.

“Kaya maganda yung may sarili kang tatak. Yung tatak-Chynna whenever they watch me do a villainess role.

“Para hindi ka masabihan na isa kang second rate, trying hard copy cat!” sabay tawa pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN