Julie Anne San Jose on her forthcoming first major concert: “Through the songs na aawitin ko para sa kanila, they will find out more about me.”

Julie Anne on the JuliElmo loveteam: “Nandiyan pa rin naman po ang JuliElmo. Nandiyan pa rin ang mga sumusuporta sa amin mula sa simula ng team-up namin. We might not have a TV show now, pero dito sa concert ay muli nilang kaming mapapanood doing what we do best which is performing. ”


Excited and at the same time ay kinakabahan si Julie Anne San Jose para sa kanyang first solo concert na gaganapin sa Music Museum on May 11 titled It’s My Time.

Birthday concert nga rin ito ni Julie Anne dahil sa May 17, she will be turning 19-years old. Kaya very personal daw ang gagawin niyang concert para sa kanyang mga fans.

“Matagal din po ang preparations ko para sa concert na ito.

“Marami po akong sinakripisyo para lang nakatutok ako sa malaking event na ito sa buhay ko.

“In this concert, marami pa silang malalaman tungkol sa akin... things na sa gabi lang na iyon nila malalaman.

“Through the songs na aawitin ko para sa kanila, they will find out more about me,” ngiti pa ni Julie Anne nang makapanayam namin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa GMA Annex Building sa rehearsal nito para sa Party Pilipinas.

CONCERT HIGHLIGHTS. Nag-reveal nga si Julie Anne na ilan sa mga numbers na gagawin niya sa kanyang concert ay galing sa kanyang mga paboritong local and international singers.

“Isa po sa mga naimbitahan ko sa concert ay si Ms. Regine Velasquez-Alcasid.

“She is one of my idols talaga and I will be singing her hit songs. Sana nga po makarating siya because the last I heard ay one month siyang magpapahinga from singing.

“I’m praying na maging okay si Ate Regine. Kung tungkol naman sa health niya ang rason nang hindi niya pagpunta, okey lang po iyon—maiintindihan po namin iyon.

“I will be singing other OPM songs with my other guests na sina Frencheska Farr, Abra and Elmo Magalona.

“Marami kaming nagawang duets ni Elmo sa Party Pilipinas at uulitin namin ’yon, pero this time in a different way. I-expect din po nila ang ipapakitang husay ni Elmo sa pag-rap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I will also be doing other songs from other favourites like sina Nicki Minaj, Rihanna, Taylor Swift, Christina Aguilera, Mariah Carey at marami pa.

“So, expect something different po sa magiging concert ko,” diin niya.

Matapos maging triple platinum ang kanyang self-titled debut album, binansagan na si Julie Anne bilang Asia’s Pop Sweetheart.

Sa nakaraang MYX Music Awards ay napanalunan ni Julie Anne ang dalawang awards: Best Celebrity VJ at Best Mellow Video for “I’ll Be There,” na carrier single ng kanyang debut album.

“Unang-una po, salamat sa mga sumuporta sa debut album natin. Hindi ko po ini-expect na aabot po iyon sa triple platinum.

“Overwhelming po ang CD sales pati na rin po ang downloads sa iTunes. Kaya masayang-masaya po kami sa kinalabasan ng album.

“Kaya I will also be performing some of my songs from the album as well.

“Regarding naman pos a title na Asia’s Pop Sweetheart, natuwa naman po ako dahil may nagbansag na sa akin ng ganyan title.

“If they feel that I deserve the title, sino naman po ako para tanggihan ‘yan, ‘di ba?

“It’s a title that I will forever be proud of,” ngiti pa ni Julie Anne.

LONG BREAK FROM ACTING. Matagal ding hindi napanood si Julie Anne sa mga teleserye ng Kapuso network. Huli siyang napanood sa Together Forever kunsaan nagtambal sila ni Elmo Magalona.

Kahit sa movies ay tumigil din muna si Julie Anne. Hindi na nga nasundan ang team-up movie nila ni Elmo na Just One Summer.

“Mas nag-concentrate po kasi ako sa music,” paliwanag niya.

“That time ay tinatapos ko po yung album ko. I want to give it my 100% full attention kaya I decided na hindi na muna ako gagawa ng TV series or movies.

“May mga guestings naman akong ginawa, pero walang regular series.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I was supposed to do a TV series last year after Together Forever. Pero nag-beg off po ako kasi mas gusto ko pong tumutok sa promotion ng album ko.

“Naging worth it naman po ang mga sakripisyo ko because the album did very well—more than what we expected pa.”

LOVE TEAM STILL INTACT. Marami ang nakapansin na biglang nawala ang JuliElmo loveteam, lalo na noong hindi masyadong kumita ang first team-up movie nila at nang ma-link si Elmo kay Lauren Young.

Nawala na nga ba ang init ng JuliElmo?

“Nandiyan pa rin naman po ang JuliElmo,” mabilis na sagot ni Julie Anne.

“Nandiyan pa rin ang mga sumusuporta sa amin mula sa simula ng team-up namin.

“We might not have a TV show now, pero dito sa concert ay muli nilang kaming mapapanood doing what we do best which is performing.

“Kaya huwag ito ma-miss ng mga JuliElmo fans dahil ibang-iba ang magiging performance namin dito ni Elmo—mas bongga pa sa ginagawa namin before sa Party Pilipinas.

Kailan naman kaya magkakaroon ng concert si Julie Anne sa mga big venues tulad ng Smart Araneta Coliseum or The Arena?

Kakayanin na kaya niya?

“Naku po, huwag po muna sa gano’ng kalaking venue! Baka himatayin na ako!” tawa pa niya.

“Tamang-tama lang ang Music Museum for now.

“Pero siyempre, dream ko rin po na makapag-perform sa gano’ng kalalaking venues.

“Sa ngayon, dream pa lang muna siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN