Kristoffer Martin on the possibility of falling for co-star Kim Rodriguez: “Ewan ko. Ayaw kong magsalita ng patapos.”

Kristoffer on getting competitive with his Kapuso tweenstars: “Hindi ko makita yung kaibahan ko sa ibang artista, sa ibang tweenstars ng GMA. Wala sa sarili ko yung ipagyayabang ko dahil ganito ako, ikaw ganyan... na may acting trophy na ako, ikaw wala. Hindi ko makita ang sarili ko na ganun.”


Matapos niyang manalo bilang Best Supporting Actor sa nakaraang 10th Golden Screen Awards, mas lalo pa raw na ginanahan si Kristoffer Martin na paghusayin ang kanyang pag-arte to eventually become of the better actors in local showbiz.

Nang makausap ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) a few days after the awards night, in high spirits pa rin siyang nagkukuwento tungkol dito.

Sabi niya, “Sobrang saya ko talaga. Hindi ko yun ini-expect kasi sa totoo lang, few days before noon, nagtatanong na ako kung ano ang chance ko.

“Siyempre, first time ko na makakatanggap kung sakaling panalo nga ako. Andun yung first-time jitters.

“Kaya nung ako nga ang manalo, di ko napigilan ang emosyon ko, I’m more inspired now more than ever.”

GOOD FEEDBACK. Nakadagdag pa sa inspiration niya ang magandang feedback ng fantasy-drama na Kakambal ni Eliana ng Kapuso network kung saan leading man siya ni Kim Rodriguez.

Ani Kristoffer na halata ang sobrang kasiyahan sa mukha, “Ang lakas nga raw nung pilot episode. Feeling namin ay nanalo kami dahil sa sobrang ganda ng pagtanggap ng tao.

“Lahat kami dito halos bago. Si Kim, bago. Kaya, grateful kami na kinakagat kami ng tao.

“Siguro ay nasa amin na rin yan, sa production. Talagang blessing ito, e. Talagang suwertihan lang talaga.”

Ano sa tingin niya ay ang meron sa chemistry nila ni Kim na patok sa televiewers?

Paliwanag niya, “Siguro kami ni Kim, we have different auras. Pero, nagma-match pa din. Like, magka-kulay daw kami pareho.

“Yung acting din, yung tinginan ng mga mata, Siguro yun.”

May point na halos hirap silang timplahin ang isa’t isa habang umaarte silang dalawa ni Kim. Naroon daw kasi yung pagka-ilang sa isa’t isa.

Pag-amin ng young actor, “A, oo. Lalo na yung first day namin.

“Lalo na si Kim na parang hindi pa kumikibo at trabaho lang siya ng husto, merong ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero, yung sa second day ng taping namin, nawala. Naging kumportable na kami sa isa’t isa.

“Right now, mas naging close na kami nina Enzo [Pineda], Lexi [Fernandez], Tita Jean [Garcia] — lahat kami na nasa cast.

“We bonded na talaga.”

Uso raw ngayon ang rivalry sa Kapuso young actors dahil halos magkakasing-edad lang sila at magkakapanabayang pumasok sa showbiz.

Saad niya, “I think that’s one factor na aangat ka. Pero, hindi mo naman dapat isipin na yung mga kasabay mo ay bababa. Hindi, e.

“Yung competition, friendly competition yun. Kasi ganun naman dito sa industriya natin, di ba?”

Ano naman ang kaibahan niya from among the rest? Yung tipong magiging factor para mas umangat siya kaysa sa iba.

Somehow ay lamang na siya dahil sa kanyang tropeo bilang Best Supporting Actor.

“Hindi, e. Di ko makita ang sarili ko… hindi ko makita yung pagkakaiba ko sa kanila,” mapagkumbaba niyang pahayag.

“Hindi ko makita yung kaibahan ko sa ibang artista, sa ibang tweenstars ng GMA.

“Ewan ko.

“Wala sa sarili ko yung ipagyayabang ko dahil ganito ako, ikaw ganyan... na may acting trophy na ako, ikaw wala.

“Hindi ko makita ang sarili ko na ganun.”

ATTRACTED TO KIM? Talking about Kim, hindi ba siya nagkakaroon ng physical attraction dito which could lead to something else?

Tanggi ng eighteen-year old tween actor, “Hindi pa naman kasi right now alam niyo naman na committed ako kay Joyce [Ching].

“Ewan ko. Ayaw kong magsalita ng patapos.

“Pero now, I’m happy with my relationship. Two na rin kami, e.”

Paniniwala ni Kristoffer na walang dapat maramdamang insecurity si Joyce sa pagtatambal nila ni Kim.

Pagdidiin niya, “Kami kasi, isine-set aside namin ang personal life sa trabaho namin.

“Ganun naman kami from the start.

“Sinabi namin sa sarili namin na kung ano ang mauuna... trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ilabas mo ako sa trabaho, yun, ganun tayo.”

Dugtong pa niya, “Sa amin kasi ni Joyce, usapan namin na once na may maramdaman ka para sa iba, sabihin mo kaagad.

“So far, sa trabaho namin, magkakaiba-iba talaga yung magiging ka-love teams namin, hindi mo rin maiiwasan ang selos.

“At the end of the day, work yun, e. “

Wala pa naman daw matinding pinag-awayan silang dalawa.

“Actually, tampuhan lang,” sabi niya. “So far, yung pinag-awayan namin walang malala.

“Konting problema lang. Maliit na bagay na hindi namin gusto.

“Ganun.”

There’s no point nga raw na makalimutan niya ang pagmamahal niya kay Joyce dahil lamang naging leading man siya ng isang babaeng equally as beautiful ng kanyang girlfriend.

“Wala, e. Wala,” pag-a-assure niya. “Hindi ko pa nakikita ang sarili ko sa ganung stage, e.

“Hindi pa naman kami nagsama ni Kim ng ganun katagal.

“Ang tingin ko talaga sa kanya ay kaibigan. Maaasahan anytime.”

Aminado naman siyang na-excite din siya everytime na may taping silang dalawa.

“Nae-excite ako kasi ibang tao siya,” wika ng dating Walang Tulugan mainstay, “Ibang emosyon ang maipapakita mo sa kanya.

“Pero, katulad nga ng sinabi ko, bilang kaibigan lang.

“Masaya lang ako kasi may nadagdag na naman sa lista ng mga bagong kaibigan ko.”

OPEN TO ADULT ROLES. Open din daw sa pagdating sa mga pagbabago sa tinatahak ng kanyang career.

One of these days nga raw ay alam niyang gagawa siya ng adult roles na bahagi ng pag-evolve ng career ng isang artista.

Aniya, “Open ako diyan. Alam ko na maraming possibilities ang puwedeng mangyari sa career ko.

“Alam ko na... pero siyempre, hindi ako gagawa ng isang bagay na alam kong ikababagsak ko.

“Yung sexy-sexy, siguro, pagtanggal lang ng top ko.

“Parang si Richard Gutierrez. O, si Dindong Dantes.

“Sa akin kasi, go with the flow. Kasi, naniniwala ako na hindi mangyayari ang isang bagay kung hindi destined.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi na dapat kontrahin kung ano ang mangyayari at huwag nang pilitin ang hindi puwede.”

Tagahanga pala siya ng dalawang main actors ng GMA-7?

“A, oo, the best sila,” pagmamalaki niya. “Andun kasi sa kanila yung passion sa trabaho.

“At saka, hindi nila iniisip na artista talaga sila.

“Aside from pagiging artista nila, meron pa silang puwedeng gawin. Malawak ang kakayahan nila.

“Pareho silang magaling mag-host,” pagwawakas niyang papuri kina Richard at Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN