Xian Lim explains alleged tiff with Enchong Dee on the set of Ina, Kapatid, Anak: “It’s just really being polite to our visitors who were already there, and it seemed improper and rude to have to turn them away.&am

Xian sheds more light on the alleged "confrontation" between him and Enchong: “I think people should not exaggerate things kasi ang nangyari lang, unang-una di ako naninigaw ng tao, kung sasabihin nilang naninigaw ako okay lang, I can’t really please everyone babalik tayo dun pero di po ganun. I was just explaining myself na ipaglalaban ko ang mga taong pinaglalaban ako. The whole purpose of the situation was not to be impolite, para walang tampuhan on bo


Pumutok ang balita kamakailan na nagkaroon daw ng kumprontasyon sa pagitan nila Enchong Dee at Xian Lim sa set ng Ina, Kapatid, Anak.

Naiturong dahilan ang pagdalaw daw ng mga fans ng huli sa set ng IKA kung saan may regulasyon daw sa nasabing serye na di pinapayagan ang mga fans na pumunta sa set para tuluy-tuloy at di maistorbo ang taping.

Ayon sa lumabas na balita, nagkasagutan daw ang dalawang aktor dahil kung nakadalaw ang mga fans ni Xian ay di naman daw ito nagawa ng mga fans naman ni Enchong.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Xian, di naman nagdalawang-isip ang aktor na ikuwento ang buong pangyayari at klaruhin ang ilan sa mga lumabas na ayon sa kanya ay exaggerated at taliwas na sa katotohanan.

“With Enchong yung nangyari nga na yun.

“Ito, ikukuwento ko lang kasi ikaw ang first na nag-interview sa akin so just to make it clear,” panimulang bungad ni Xian.

“Binawalan nila [production people] ang lahat ng mga fans to go there pero ang nangyari, all of a sudden nagising na lang ako na may mga fans, may mga supporters, mga regular supporters namin. I thought it would be impolite, improper para sabihin sila na, “ay, umalis na kayo.”

“Kahit anong way ko pang sasabihin yun, off pa rin... inappropriate... kaya I decided to entertain them. I guess people got offended... people got the wrong idea na they thought na sumusuway ako sa rules and regulations.

“It’s just really being polite to our visitors who were already there, and it seemed improper and rude to have to turn them away.”

Nangyari ito bago ang kaarawan ng kaparehang si Kim Chui kung saan alam ni Xian na bukod sa effort ay alam niyang gumastos din ang mga tagahanga nila ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag na pahayag din ng aktor ay pinaglaban lang niya ang mga taong alam niyang nagmamahal at pinaglalaban sila ni Kim.

“May pakain silang tatlong litson, tatlong palabok, yun lang yun.

“Parang fiesta talaga kasi it’s Kim’s birthday, papalapit ang birthday ni Kim, sabihin natin one day before Kim’s birthday.

“Fans namin yun, parang lauriat fiesta—lechon de leche, pansit palabok. Just to make it clear and sinabi ko rin sa production na sana wag kayong magalit sa akin kasi pinaglalaban ko lang ang mga supporters ko kasi sila pinaglalaban nila ako.

“Kung magagalit kayo sa akin because you felt na I disobeyed the rule, it’s more of being polite,” giit niya.

CLEARING THE ISSUE WITH ENCHONG. Nang tanungin kung totoong nagkaroon sila ng di pagkakaunawaan ni Enchong sa nangyari, di naman ito tinago ni Xian pero nag-uusap naman silang dalawa ng aktor.

“Mayroong misunderstanding na in the set na akala nila sumusuway nga ako but I explained.

“Ang sasabihin ko lang coz I read the article, of course I read it, di naman puwedeng kunwari di ko nabasa... nabasa ko yung article.

“I think people should not exaggerate things kasi ang nangyari lang, unang-una di ako naninigaw ng tao, kung sasabihin nilang naninigaw ako okay lang, I can’t really please everyone babalik tayo dun pero di po ganun.

“I was just explaining myself na ipaglalaban ko ang mga taong pinaglalaban ako. The whole purpose of the situation was not to be impolite, para walang tampuhan on both ends.

“I’m sure the production would understand na nandun na sa itaas [yung mga fans]... okay lang sana kung di pa nila kami nakikita, nandun na sa tabi namin.

“Kami ni Enchong nag-uusap kami, imposibleng di kami mag-usap niyan. Siyempre may misunderstanding na nagaganap but it’s not the way people think.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako kasi open ako sa kanya, I’m sure he’ll be open din sa akin. Yun lang ang sasabihin ko, kung misunderstanding man, oo may misunderstanding pero napag-uusapan.

“Di yung dededmahin ko siya, di kami mag-uusap... walang ganun.

“Klaro naman sa amin after Katorse, after Reunion, after tour kami ang magka-roomate, I don’t want to say strong bond but parang we have a past to say something, di ba? IKA, we’d been doing it for about a year, di maiwasan ang tension.

RESPECT. Klinaro din ni Xian na hindi ito away sa pagitan nila ni Enchong kundi dahil nga sa mga fans nila ni Kim na bumista at naglaan ng oras at pera para sa kanila.

“Just to make it clear, yun nga tension in the set with the people visiting. Sinabi ko let’s move along, alam kong bawal pero nandiyan na sila. I’m pretty sure more than 10,000 [pesos] ang nagastos nila para sa pagkain kasi for everyone.

“Siguro I was just asking for a little bit of respect from both ways. Sabihin natin maybe things get exaggerated. Sa akin lang don’t exaggerate things not only with the writers but to people base sa hearsay,” patuloy niyang paliwanag.

Sa ganitong mga sitwasyon ay agad na gumagawa ng paraan ang production at kung minsan nga maging ang management ay nanghihimasok para maayos ang lahat.

Sa kuwento ni Xian ay di na sila umabot sa ganito dahil kahit ano ang mangyari ay alam niyang magiging bukas ang komunikasyon nila ni Enchong.

“No, either way mag-uusap at mag-uusap kami, iisa ang standby area namin kaya either way we will talk. I’m not gonna speak for everyone, but for me, I’m okay. Ako sabi ko nga I’m okay, walang problema sa akin.”

“Wala naman sa akin, wala naman akong ano with fans of Enchong, wala namang pagitan between us kasi lahat naman dun bumibisita before pero ngayon wala na,” kuwento pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Open book na bago pa man ito nangyari ay may malalim ng away sa pagitan nila Kim at Maja dahil nga sa relasyon ng huli kay Gerald Anderson. Sa nangyaring kumprotasyon sa kanila ni Enchong, paano raw kaya ilalarawan ni Enchong ang samahan nila sa set ng IKA?

“Okay lang naman, I won’t say it’s perfect , it will be off to say it’s perfect friendship. Siguro the pressure na rin and everyone wants to perform the best but everyone is okay.”

“Yes, of course. Ako when people ask me if I am a competitive person, I will tell them, ’Yeah, siyempre di nawawala yun,’ but I don’t look at other people, e... yung sarili ko iniisip ko palagi.

“Iniisip ko yung kapakanan ko, how will I improve all the time. Yun ang competition na masasabi mong I always have my game play, kumbaga kung magbibigay sila mas magbibigay ako,” saad niya.

GIFTS TO KIM. Sa nakaraang kaarawan ni Kim ay isang pares ng hikaw at isang promise ring ang niregalo ni Xian sa kapareha.

Tinanong namin siya kung ano ba ang kahulugan ng promise ring na niregalo niya para kay Kim.

“I gave her jewelry for her birthday kasi it’s hard to give something, kasi I think sa lahat ng nagregalo sa kanya, para regaluhan ang isang Kim Chui, I think she has it all.

“It’s really hard to think of special gifts. I’m really happy na natuwa naman siya dun sa gift na binigay ko.

“It was a promise ring, di ba? We’re actually working on trust, on our hands, on mine and Kim’s hands, I think that’s one of the reasons why, kasi tinatanong kami ano ba ang mayroon sa inyo?

“Laging sinasabi ko palagi comfortability kasi siyempre kung we’re not comfortable with each other makikita naman yun, e. Basically it’s saying, ’trust me, I’m always here for you.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tanggalin na natin yung work, if di na natin isali yung trabaho, in personal life, in any issues, I will always be here for her. I understand her.

“It’s something she can keep on her mind, I will always be here, don’t hesitate that I’m always gonna be here,” makabuluhan niyang pahayag.

KIM’S PHOTOS. Marami ang nagulat sa pictures na pinost ni Kim na naka-two piece bathing suit ito. Para naman kay Xian ay mas pinag-usapan para sa kanya ang close-up shot ng kapareha kaysa sa naka-two piece ito.

“Oo nakita ko na, sabi ko nga ang pinagkaguluhan yung close-up picture

“Ewan ko ha, in my own opinion mas pinagkaguluhan yung close up niya. Kung tanungin mo ako dun sabi ko nga, “wow, daring ka dun ha!”

Kinumusta namin kay Xian kung nasaan na ba ang lagay ng relasyon nila sa ngayon ni Kim at consistent pa rin ang aktor sa pagsasabing special sa kanya ang kapareha pero ang kanila pa ring mga career ang prayoridad nila.

“Sabi ko nga, paulit-ulit kong sinasabi we always prioritize work coz not everyone is given the chance lalo na sa position ko.

“Kim is already up there, but for me I have a long way to go, I want to focus and I want people to see that I have what it takes to give it to them what they want, what they wanna feel. I wanna show them na kaya ko,” paliwanag niya.

Pinarangalan kamakailan si Xian sa 61st FAMAS Awards Night ng Youth Achievement Award kasama si Janella Salvador. Memorable para kay Xian ang nasabing award dahil ito ang kauna-unahang award na natanggap niya bilang isang artista.

“Nung nakuha namin yung award ni Janella, actually I was really thankful.

“Si Janella, sabi nga niya, less than a year and she got an award.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako naman, finally, talagang pinasalamatan ko si Kuya Germs sabi ko how long din, first time and at least naramdaman ko kung paano maka-receive ng award. It was such an experience.”

Consistent ang high ratings ng Ina, Kapatid, Anak kung saan pinangako ni Xian na marami pang dapat abangan ang mga manonood sa tatakbuhin ng istorya.

“Marami pa kasing nangyayari sa story, e, marami pa lalo na sa issues ng mga pamilya marami pang mangyayari. Sa mga KimXi... sa mga fans namin ni Kim, matutuwa po kayo dahil mayroon kaming pasabog para sa inyo.

MOVIE WITH KIM. Masaya ring binalita ng aktor na isang pelikula ang ginagawa nila ni Kim na handog nila para sa mga masusugid na tagahanga ng kanilang tambalan.

“Tuluy-tuloy kaming nagsyu-shooting ngayon, Bakit Hindi ka Crush Ng Crush Mo?

“Talagang full force na, nararamdaman ko na talagang full force na. Sa lahat ng sumusuporta sa amin, heto na po yun, sana abangan nila.

“Comedy, love story... sa category na yun naglalaro dun pero sana suportahan. I would say na first lead ko. Sa Reunion lead, pero this is a bigger role tapos Direk Joyce Bernal pa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN