Maja Salvador to Gerald Anderson: “Thank you, dumating ka sa buhay ko.”

Gerald Anderson’s message to Maja during the celebration of her 10th anniversary in showbiz in ASAP 18: “Happy anniversary sa ‘yo. Deserved mo lahat ng blessings na mayroon ka, lahat ng fans mo. Napakabait mo sa pamilya mo, sa akin, kaya deserved mo lahat iyan. And I’ll always be here for you... to protect you, kaya huwag ka mag-alala.”


Tilian nang tilian ang audience nang umakyat na ng stage si Gerald Anderson matapos ang dance production number ni Maja Salvador kaninang tanghali, May 5, sa ASAP 18, kung saan nag-celebrate si Maja ng kanyang 10th anniversary sa showbiz.

Nagbiro pa si Gerald sa napapabalitang girlfriend nito na kasing-taas ng dalaga ang ibinigay niyang bouquet.

Mensahe niya kay Maja, “Happy anniversary sa ‘yo. Deserved mo lahat ng blessings na mayroon ka... lahat ng fans mo. Napakabait mo sa pamilya mo, sa akin, kaya deserved mo lahat iyan.”

“And I’ll always be here for you... to protect you, kaya huwag ka mag-alala.”

Magkasunod na thank you ang sagot dito ni Maja, kasunod ang nakabibinging tilian sa studio.

Awat ni Maja sa audience, “Magti-thank you muna ako.”

Dito na inisa-isa ni Maja na pasalamatan ang lahat ng kanyang endorsements, mga taong malapit sa kanya, pati na rin ang kanyang mga kasamahan sa lahat ng shows.

Sunod nito ay nag-imbita na ito sa kanyang dance concerts sa mga shows niya sa iba’t ibang probinsiya.

Sa huli, hiningan si Maja ni Piolo Pascual, co-host nila sa ASAP kung ano ang masasabi niya sa menshae ni Gerald.

Nag-tilian ulit ang studio audience. Sabi ni Maja, “Thank you.”

“Thank you, dumating ka sa buhay ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN