Markki Stroem confident about doing nude scenes: “As long as I look good naked, walang problema!”

Wala raw kaso sa Fil-Norwegian actor-singer na si Markki Stroem ang paghuhubad sa pelikula. Paliwanag niya, "I am confident about my body, so I see nothing wrong with doing a sex scene. Actually, mas okey pa nga ako doing the sex scene kasi apat na tao lang yung nasa room when we shot the scene. Compared naman sa isang malaking venue where everyone had a camera at kinukunan ako half-naked on stage."


Handa nang matawag na isang sex symbol ang actor/singer/model na si Markki Stroem, lalo na kapag napanood siya sa kanyang sexy at daring role sa indie film na Amor Y Muerte.

Ang Amor Y Muerte ay isa sa official entries para sa Directors’ Showcase ng Cinemalaya Independent Film Festival in July.

Gagampanan dito ng Fil-Norweigan actor ang role ng isang Spanish conquistador during the 16thcentury at magkakaroon siya ng sexual encounter sa isang babaeng indio na ginagampanan ng indie film actress na si Althea Vega.

Ang Amor Y Muerte ay mula sa direksiyon ni Cesar Evangelista.

Saad ni Markki tungkol sa kanilang pelikula, “It’s a dark and passionate film at the same time.

“It’s my first time to really get into a character na hindi ako familiar and I have to study a lot about it.

“But with the help of our director and the rest of the people in the production, malaking tulong sila para makuha ko agad yung character and do my best to really act it out.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Markki nang mag-guest siya sa talk show na Becky Nights ng Viva Channel.



27-MINUTE SEX SCENE. Ipinagmalaki nga ni Markki ang mahabang sex scene niya with Althea na umabot daw ng 27 minutes.

Sabi niya, “It’s actually the longest sex scene ever shot in Cinemalaya history.

“It’s really a long take at tuluy-tuloy lang yung roll ng camera.

“It started sa labas ng house until umabot kami sa bedroom at naghubad kaming dalawa ni Althea.

“Then ginawa na namin yung iba’t ibang positions—pumping and all.

“Yes, they will be seeing me in the nude but more on butt exposure.

“Kung may frontal nudity? Secret!” tawa niya.

“But in the movie," patuloy ni Markki, "it will be edited in a way that it’s artistically done. Hindi lang siya basta parang nag-sex lang kami ni Althea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“The lighting was good and the angles of the shots were great.”

Inamin ni Markki na medyo nahirapan siya sa pumping scene niya with Althea.

Paliwanag niya, “Yung instruction kasi sa akin was kailangan parang robotic—yung walang feelings. Basta nagpa-pump lang ako.

“Kasi my character just wants to have a baby with this native girl. Wala talagang love involved.

“Kaya yung mga first sex namin, para lang akong robot na pump lang nang pump.

“Mahirap pala yung gano’n. It’s hard not to get turned on kasi!” sabay tawa niya.

CONFIDENT ABOUT NUDITY. Noong unang malaman ni Markki na magkakaroon siya ng nude scene sa pelikula, hindi raw siya nagdalawang-isip na gawin iyon.

Twice na kasi siyang rumampa na ang naka-underwear lang sa harap ng maraming tao at hindi raw siya nahiya, kaya wala siyang hang-ups pagdating sa paghuhubad sa pelikula.

“As long as I look good naked, walang problema!” tawa pa niya.

“Naglakad na ako sa stage na naka-underwear lang. I did that for Bench and Cosmo Bachelors Bash.

"I am confident about my body, so I see nothing wrong with doing a sex scene.

“Actually, mas okey pa nga ako doing the sex scene kasi apat na tao lang yung nasa room when we shot the scene.

“Compared naman sa isang malaking venue where everyone had a camera at kinukunan ako half-naked on stage.

“That is kinda nerve-wracking, pero I survived it twice and people liked what they saw.

“Kaya sinabi ko na kaya kong gawing yung hinihingi nilang nude scene for the movie.”

SERIOUS ABOUT ACTING. Unang napansin si Markki sa indie film na Slumber Party kunsaan gumanap siya bilang isang gay designer. Doon pa lang ay gusto na niyang seryosohin ang pag-aartista.

Sabi niya, “I try to absorb a lot of things when I’m presented a role that I really like to do.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Marami nang naging offers sa akin na roles before, pero I feel na hindi iyon para sa akin. Kailangan matsa-challenge ako.

“When the role for Slumber Party came, nagustuhan ko and I have to consult a few of my gay friends on how to create my character.

“Like dito rin sa Amor Y Muerte, I have to consult lots of people and and make my own research.

“If I’m serious with acting, kailangan parati tayong handa.”

Kasama rin si Markki sa comedy film na Raketeros kunsaan bida sina Herbert Bautista, Ogie Alcasid, Dennis Padilla, Joey Marquez, at Andrew E.

STILL A SINGER. Kahit busy si Markki sa paggawa ng pelikula, hindi pa rin niya nakakalimutan ang kanyang first love, which is singing.

Unang nakilala si Markki sa talent search ng ABS-CBN na Pilipinas Got Talent Season 1.

Hindi man siya sinuwerteng manalo sa naturang contest, nagkaroon naman ng katuparan ang kanyang matagal nang pangarap na magkaroon ng sariling abum (Thousands of Pieces) at magkaroon ng sariling concert.

“I will never turn my back on singing.

“I might be busy being an actor now, pero yung pagiging singer, nandito pa rin sa puso ko.

“I am still doing shows, lalo na kapag out-of-town. I’m excited to perform parati para sa mga sumusuporta sa akin.”

Kung meron mang paboritong ka-duet si Markki, ito ay walang iba kundi si Zia Quizon.

Sabi niya, “I’m a big fan of Zia. Most especially her music.

“We did a music video together ["Steal Your Soul"] and I love working with her.

“We have remained friends until now. And if there is a chance na magkatrabaho kami ulit, walang problema sa akin.

“I will always be available when it comes to Zia.”

Wala raw lovelife si Markki. Four years ago pa raw ang huling nakarelasyon niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero once in a while daw ay may mga nade-date siya, lalo na kapag hindi siya sobrang busy.

“I’m single and ready to mingle.

“I am not looking for a serious relationship for now. I just want to meet other girls and get to know them.

“Mararamdaman mo naman kung nandiyan na ang tamang babae para sa ‘yo.

“For now, trabaho muna tayo at pagbutihan natin ito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN