Shaina Magdayao on rumored suitors: “Nagpapasalamat ako dahil naa-appreciate nila ako.”

Inamin ni Shaina Magdayao na na-depress siya sa mga pinagdaanan niya noong isang taon. Sabi niya, “Oo naman, pinagdadaanan nating lahat yun. Alam nating lahat yun. Pero, kasabay noon, marami tayong natutunan.”


Hindi kaila sa karamihan ang mga pinagdaanan ni Shaina Magdayao noong nakaraang taon.

Pero sa lahat ng iyon, pinili na lamang ni Shaina na manahimik kaysa isiwalat kung ano ang pinagdadaanan niya o totoong nangyari.

Sabi ng young actress sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga sa The Buzz kahapon, May 5, “Sobrang suwerte lang ako dahil solid ang suportang natatanggap ko sa mga kaibigan ko at pamilya ko.”

Sino ang naging shoulder to cry on niya noong panahong iyon?

“My family,” tugon niya.

Hindi naman itinanggi ni Shaina na na-depress siyang talaga pagkatapos ng mga nangyari.

Aniya, “Oo naman, pinagdadaanan nating lahat yun.

“Alam nating lahat yun. Pero kasabay noon, marami tayong natutunan.

“Pero ganoon man, thankful ako.

"Challenging man ang mga nangyari ng 2012, naging maganda naman.”



SUITORS. Kasabay ng mga proyektong ginagawa niya ay may tatlong lalaki ang nali-link kay Shaina ngayon—sina Piolo Pascual, Sam Milby, at ang direktor na si Lino Cayetano.

Natawa si Shaina nang tanungin ito tungkol sa bali-balita: “Parang mas maganda na sa kanila manggaling. Ano ba yun?”

Ine-entertain ba niya ang diumano’y panliligaw ng mga ito sa kanya?

Sagot ni Shaina, “Ay, opo naman. Nagpapasalamat ako dahil naa-appreciate nila ako.”

Ang pinakamaingay na pangalan na nauugnay sa kanya ay si Piolo Pascual. May usap-usapan pa na diumano’y madalas siyang mamataan sa condo ni Piolo.

Sabi ni Shaina tungkol dito, “Ay, ‘eto nga po at puro trabaho na ako.

“Pero noong wala pa akong masyadong trabaho, magkasama kami palagi—we run, nagba-badminton.”



EX-BOYFRIEND. Diretsahan namang kinamusta si Shaina tungkol sa ex-boyfriend niyang si John Lloyd Cruz.

“We see each other once. Pero hindi pa kami…” bitin niyang sagot.

Nagbabatian naman daw sila.

Sila ba ni Angelica Panganiban, ang girlfriend ngayon ni John Lloyd, ay nagkita na?

“Hindi pa kami… honestly, hindi pa,” sagot ni Shaina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN