Charice’s mother and grandmother express disappointment over her new look

Apektado raw ang lola ni Charice na si Mrs. Tess Relucia sa mga tattoo ng international singer. Pakiusap niya sa apo, “Huwag mo naman, anak, dumihan ang sarili mo—ang katawan mo. Noong maliit ka, halos hindi kita padapuan sa lamok. Noong lumaki ka, halos wala kang peklat.”


Maikli ang buhok at pormang-lalaki ang makikitang mga larawan ni Charice na kumakalat sa social networking sites na diumano’y siya mismo ang nag-post.

Kung noon ay may kumukuwestiyon na sa kanyang seksuwalidad, ngayon ay marami ang nagkokomento na tila ipinapakita na raw ni Charice ang kanyang tunay na pagkatao dahil sa mga larawang kumakalat.

Sinubukang iugnay ng The Buzz ang mga "pagbabagong-anyo" na ito ni Charice sa reaksiyon ng mismong pamilya ng Pinay international singing sensation.

Isang patunay raw nito ay ang Facebook post ng ina ni Charice na si Racquel Pempengco noong kalagitnaan ng Marso:

“Isa lang naman ang pangarap ko sa inyo, ang makita bago ako mamatay na nasa ayos kayo.

“Bakit hindi niyo ko maintindihan Ming at Asiong Carl…??? Mahal na mahal ko naman kayo. Sana maramdaman niyo yun.”



MORE POSTINGS. Bukod dito, may galit si Racquel nang mag-post siya patungkol sa mga taong nakapaligid daw kay Charice ngayon na tinawag niyang "kanser" na unti-unti raw sumisira sa katinuan ng anak.

Sabi ni Racquel sa kanyang Facebook account:

“Kung nakikita mo ang anak mo na naghihirap, nalilihis ng landas, apektado pa rin tayo.

“Kahit na aliwin pa rin natin ang sarili natin maiisip at maiisip pa rin natin kasi karugtong ng buhay nila ang buhay natin.”



SEXUALITY. Mas naging mainit pa ang usapin sa seksuwalidad ni Charice nang kumalat ang larawan na may kasama siyang babae—na kalaunan ay kinilalang si Sharmaine Marie Lagitao.

Pero napag-alaman ng The Buzz na kasalukuyang may boyfriend si Sharmaine Marie na nagngangalang Nicolo Tenorio.

Si Nicolo ay pamangkin ng isa sa mga ninong ni Charice na si Bum Tenorio Jr., isang broadsheet columnist.

Nagbigay ng paliwanag si Bum tungkol sa larawan nina Charice at Sharmaine sa pamamagitan ng kanyang Twitter account:

“And for the record ’the girl’ the tabloids link to Charice today is actually the girlfriend of my nephew. All is like LOL Haha.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Idinagdag pa ni Bum na malapit si Sharmaine kay Charice dahil kapatid nito ang kauna-unahang best friend ni Charice na si Nikka, na pumanaw noong 2007.

Binibigyan din daw ni Charice na libreng voice lessons si Nikko kapalit ng pagmamaneho ni Nikko sa ilang lakad ni Charice.

Update pa ni Bum: “To those who ask, Charice is very happy and content with her life now.

“She knows June will be a happier month for her in L.A. Wish I could spill.

“Charice said she remains grateful to her bashers. Tulog-tulog din pag may time. She said to those who bash her even in wee hours.

“Charice told me in the car that her Twitter account was hacked for a few days. Now, she’s back to lurking. Lovers and bashers make her smile.”



TATTOOS. Ibinalita rin ni Bum ang pagpapalagay ni Charice ng mga bagong tattoo sa kanyang katawan:

“Cha has added some more ink in her body like ’I cry because it hurts,’ and ’Let’s start with forever.’ Again, I wish I could spill.”

Pero bago pa ito, nag-post si Bum ng picture kunsaan kasama ni Charice ang kanyang ina at kapatid, at may sketch pa ng mata na ibinigay ni Charice sa kanyang ina noong April 18.

Yun nga lang, tila taliwas ang mga naging pahayag ni Bum sa mga pahayag ng maternal grandmother ni Charice na si Tess Relucia.

Lumalabas sa mga pahayag ni Lola Tess sa taped interview na hindi ito masaya o hindi ito aprubado sa mga nakikitang pagbabago sa anyo ng kanyang apo.

Ayon kay Lola Tess, “Lahat ‘yan, anak, nauunawaan ko dahil mahal ka sa akin.

“Pero huwag mo naman anak dumihan ang sarili mo, ang katawan mo.

"Noong maliit ka, halos hindi kita padapuan sa lamok.

“Noong lumaki ka, halos wala kang peklat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinagot din ni Lola Tess ang tungkol sa isyu ng pagkukuwestiyon sa seksuwalidad ng apo.

Aniya, “Sana ang lahat ng Chasters ng aking apo, e, ituro ninyo ang lahat ng tama sa aking apo kung mahal ninyo siya.

“Tinatanong ako, ‘Nanay, bakit po ganoon ang itsura ng apo ninyo ngayon?’”

Ano ang pakiramdam niya kapag natatanong tungkol sa apo ng mga ganoong bagay?

“Aba, e, gusto kong umiyak, masakit… gumuguhit… nahihiya rin ako.

“Hindi ko pinagmamakahiya ang pagkatao ng anak ko, ng apo ko.

“Ang nahihiya ako, doon sa bakit nagkaganyan siya? Ibalik niya lang ang dati.”



LOLA’S CONCERN. Hindi rin daw inasahan ni Lola Tess na magkakaroon silang muli ng problema ng kanyang apo dahil naging maayos pa raw ang huli nilang pagkikita nito lang April.

Ayon kay Lola Tess, “Mahal ka ng mommy mo, Charice. Masakit sa aming lahat ang hitsura mo ngayon, anak.

“Gusto kong maayos ang pamilya natin. Ang mommy mo, anak, iba na, down to earth na siya.

“Naaawa na ako sa kanya… huwag mo nang sirain ang pamilya natin.

“Pamilya pa rin, bunso.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN