Iglesia ni Cristo to endorse 7 senatoriables from Team PNoy and 5 from UNA, sources say

Kabilang umano sa mga ieendorso ng INC ay sina (L-R) Bam Aquino at Sonny Angara ng Liberal Party at sina Richard Gordon at Gringo Honasan. Ang INC ay nagsasagawa ng bloc voting o pagboto ng mga miyembro ng religious group sa kandidatong itinataguyod ng kanilang mga pinuno.


Lumabas na ang diumano’y mga senatorial candidates na itataguyod ng maimpluwensiyang religious group na Iglesia Ni Cristo (INC).

Inaabangan ng karamihan ang listahang ito ng grupo dahil tinatayang tatlo hanggang apat na milyong botante ng INC ang gumagawa ng bloc voting o pagboto ayon sa pag-endorso ng kanilang mga pinuno.

Ayon sa report ng ABS-CBN News noong May 6, sinabi nitong mula sa kanilang mga sources, ihahayag na raw ng grupo ngayong linggong ito ang kanilang napiling senatoriables. Pito raw dito ay mula sa Team PNoy ng Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino at lima naman mula sa United Nationalist Alliance (UNA) na pinangungunahan nina Vice President Jejomar Binay, at kinabibilangan nina former President Joseph Estrada at Senate President Juan Ponce Enrile.

Mula sa Team PNoy, kabilang daw sa pito sina Sonny Angara, Bam Aquino, Alan Peter Cayetano, Grace Poe, Loren Legarda, Antonio Trillanes, at Cynthia Villar.

Kabilang naman sa lima mula sa UNA sina JV Ejercito, Richard Gordon, Nancy Binay, Gringo Honasan, at Jack Enrile.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN