Vice Ganda on refusing to reveal identity of current boyfriend: "Kapag nalaman na nila, pakikialaman na nila ang buhay niya."

Vice Ganda on why he doesn’t want to reveal the identity of his current boyfriend: “Magugulo at magugulo ang buhay niya. Isang litrato nga lang na magkamaling i-post, magugulo na ‘yan. Yun ngang mga hindi totoo, nabubulabog na ang buhay nila, paano pa kaya kung totoo?”


Kahit anong pilit ng entertainment press, hindi bumigay ang TV host-comedian na si Vice Ganda para pangalanan ang kanyang non-showbiz boyfriend.

Ayon kay Vice, mas mabuting manatiling pribado ang pagkakakilanlan ng kanyang karelasyon.

“Para mas ma-excite ang mga tao,” sabi niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Vice sa press conference para sa concert niyang I-Vice Ganda Mo ‘Ko na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa May 17.

Sabi ng It’s Showtime host, habang maiiwasang magulo ang buhay ng kanyang karelasyon hanggang hindi siya nakikilala ng publiko.

Paliwanag niya, “Kapag nalaman na nila, pakikialaman na nila ang buhay niya.

“Kung ako lang, okay lang.

“E, ‘yon, hindi naman siya showbiz, hindi siya artista, hindi naman celebrity.

“Magugulo at magugulo ang buhay niya.

“Isang litrato nga lang na magkamaling i-post, magugulo na ‘yan.

“Yun ngang mga hindi totoo, nabubulabog na ang buhay nila, paano pa kaya kung totoo?”



BASED ON EXPERIENCE. Marahil, kaya ganito ang naging desisyon ni Vice ay gusto niyang maiwasang mangyari ang nakaraang karanasan niya sa dating boyfriend.

Kuwento niya, “Parang dati mayroon akong dyowa [boyfriend] noong nagsisimula ako sa Showtime... hinding-hindi ko ‘to makakalimutan.

“Mayroon akong dyowa na matagal na, ilang taon na, nasa comedy bar pa lang ako.

"Tapos noong uminit na ang pangalan ko, nagsimula na ako sa Showtime, na-feature ako sa [programa ni] Ted Failon, so pa-interview-interview.

“Hindi ko alam na may inilabas silang mga litrato na hindi ko alam, hindi naipaalam sa akin.

“Tapos inilabas nila yung litrato ko at ng dyowa ko.

“E, noong panahon na ‘yon, fiesta sa Tondo. Pinapanood ng buong pamilya niya ang Ted Failon, at ng buong kamag-anak nanonood sila, lumabas yung picture.

“So, noong lumabas ang picture, nabulabog ang buong pamilya, nakita pa ng anak. Ang alam ng anak, ang tawag sa akin ay ’Tita Vice’…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala sa konsepto niya na ang tatay niya may dyowang bakla. Kaya noong nakita niya, tinanong niya, ‘Ano mo ba si Tita Vice?’

“‘Yon, nasira na ang buhay naming dalawa.

“Ayaw ko na mangyari ‘yon ulit. Nagkahiwalay kami dahil doon.”

Kung si Vice ang tatanungin, walang problema kung ipakikilala niya ang kanyang boyfriend.

Aniya, “Kung ako lang, siyempre masaya ako at gusto kong ipagmalaki siya at gusto ko ring ipagmalaki niya ako.

“Pero siyempre, kailangan ikunsidera mo rin yung kapakanan ng ibang tao katulad ng mga magulang, ng pamilya, di ba?

“Kapag nabulabog, wala, ka-chuck agad ‘yon!”

Nang kulitin muli siya ng press tungkol sa kanyang relasyon ngayon, nanatili pa ring tikom ang bibig ni Vice.

Biro pa niya sa huli, “E, di wala na kayong itinanong sa next presscon kapag ipinakilala ko sa inyo?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN