Glydel Mercado on keeping marriage with Tonton Gutierrez intact: â��Yung tiwala namin sa isaâ��t isa ay hindi nawawala.â&iques

Bumubuo ng "compromise" ang mag-asawang Glydel Mercado at Tonton Gutierrez kapag mayroon silang problema. Kuwento ni Glydel, "Kapag may hindi kami napagkakasunduan, pinag-uusapan namin nang maayos—walang sigawan, walang sisihan."


Bagamat busy si Glydel Mercado sa kanyang afternoon TV series sa GMA-7 na Unforgettable, hindi pa rin daw siya mawawalan ng panahon para sa mga anak.

Ang mag-asawang Glydel at Tonton Gutierrez ay may dalawang anak na�sina Aneesa, 7, at Aneeka Marie, five months.

Sabi ni Glydel nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Unforgettable sa Tagaytay City, nagi-guilty siya kapag iniiwan niya ang mga anak sa mga yaya nito tuwing magte-taping.

Kuwento niya, �Si Aneesa kasi, malaki na siya. Kaya kahit iwan ko sa yaya niya, okay lang.

�Nasanay na siya na parehong nagtatrabaho ang mommy at daddy niya.

�Tsaka may mga kalaro na siya sa lugar namin kaya hindi ko siya masyadong problema.

�Lalo na at bakasyon pa, marami siyang time na maglaro with her friends or minsan nandoon siya sa mga pinsan niya.�

?

?

BORED. Naiisip din niyang dalhin ang mga bata sa taping, pero sa layo ng location ay baka mainip lang daw ang mga ito.

Saad ni Glydel, �Yung pinaka-worry ko ay si Aneeka, kasi nga baby pa at alagain pa.

�Kung puwede lang sanang dalhin ko sa taping, gagawin ko.

�Kaso, iniisip ko na baka mainitan at umiyak lang nang umiyak, baka magkasakit pa.

�Kaya tuwing aalis nga ako, hindi nawawala yung guilt ko, kasi dapat ako ang nag-aalaga sa kanya.

�Pero alam mo naman, kailangan nating magtrabaho.

�Iniisip ko na lang na lahat ng ginagawa kong trabaho ay para sa mga anak ko.

�Yun din ang laging iniisip ni Ton�yung mga pinaghihirapan naming mga oras sa trabaho, lahat iyon for our kids.�

?

?

PRIORITY. Tila alam naman ng production team at ni Direk Gina Alajar ang sitwasyon ni Glydel.

Sabi ng aktres, �Nagpapasalamat lang naman ako sa production staff ng Unforgettable, lalo na kay Direk Gina, kasi minsan maaga akong natatapos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

�Nakukunan agad lahat ng mga eksena ko kaya maaga akong nakakauwi. Kaya naaabutan ko pang gising ang mga bata at naaasikaso ko sila.�

Nagpapasalamat din si Glydel sa kanyang mister na si Tonton dahil kapag maaga rin daw itong matapos sa kanyang taping, umuuwi ito agad para maasikaso ang kanilang mga anak.

�Yun naman ang maganda kay Ton� kapag tapos na ang work niya, uuwi �yan agad� mga bata rin ang concern niya

�Hindi na siya dadaan kung saan pa or mag-goodtime pa� talagang diretso siyang uuwi.

�Tatawagan pa ako niyan para sabihin na nasa bahay na siya.

�Kaya kahit nga busy kami ni Ton, we make sure na may sapat kaming oras for our kids.

�Kapag may araw naman na pareho kaming walang taping, ipapasyal naman namin ang mga bata sa mall or manood kami ng sine or out-of-town kami.

�Walang ibang importante sa aming mag-asawa kundi ang makita ang mga anak namin na masaya at nakakasama namin on our free time,� saad niya.

?

?

FOR THEMSELVES. Kung may panahon silang mag-asawa sa kanilang mga anak, may panahon din ba sila para sa isa�t isa?

�Oo naman!� mabilis na sagot ni Glydel.

�Kami naman ni Ton, kapag may chance na mag-date kami, ginagawa namin.

�Minsan, mag-dinner date kami� punta kami sa spa� or manonood kami ng sine. Para lang kaming mga teenagers minsan.

�Pero most of the time talaga, gusto namin na kasama ang mga bata.

�Nami-miss kasi namin sila lalo na kapag may nakikita kaming mga bata.

�May usapan naman kami ni Ton na once or twice a month, magde-date kami� yung kaming dalawa lang.

�Kailangan daw kasi talaga ng mag-asawa iyon, lalo na sa tulad namin na stressed parati sa trabaho.

�Maganda yung we do things together para mas tumibay pa ang samahan namin kahit na may times na hindi kami madalas magkita dahil sa trabaho.�

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

?

?

ANNIVERSARY. Nag-celebrate sina Glydel at Tonton ng kanilang 8th wedding anniversary last March 5.

Isa sila sa mga showbiz couple na nananatiling matibay ang pagsasama at walang napagdadaanang intriga. Ano ang sikreto ng kanilang magandang samahan?

�Wala namang secret,� sabi niya.

�Kami naman ni Ton, hindi rin naman kami perfect na mag-asawa.

�May mga flaws din kami�may mga pinagdaanan din kaming mga problema bilang mag-asawa.

�Pero ang maganda naman sa aming dalawa, yung tiwala namin sa isa�t isa ay hindi nawawala.

�Tsaka, kapag may hindi kami napagkakasunduan, pinag-uusapan namin nang maayos�walang sigawan, walang sisihan.

�Talagang usap lang nang maayos hanggang sa maging okay na.

�Para sa akin kasi, nakakadagdag ng excitement sa mag-asawa yung paminsan-minsan ay may pinagtatalunan kayo.

�Hindi naman ako parating uma-agree sa mga gusto niya. Siya rin naman din ay ganoon, kaya meron kaming tinatawag na compromise.

�Pero ang importante ay bago matapos ang buong araw, kailangan bati na kayo.

�Hindi kami matutulog unless maayos na ang problema namin.

�Mahirap kasing matulog na may dala-dala kang problema, di ba? Mas masarap matulog kapag alam mong nagkaayos na kayo.�

?

?

MISSING EACH OTHER. Maganda rin daw yung paminsan-minsan ay hindi sila nagkikita ni Tonton. May excitement daw yung nami-miss nila ang isa�t isa.

Sabi ni Glydel, �Kasi may time na one whole month, halos hindi kami nagkikita ni Ton.

�Pareho kaming may mga taping that time sa magkaibang TV networks�magkaiba ang taping schedules namin, hindi kami nag-aabot sa bahay.

�Yung tipong papauwi pa lang siya, nakaalis naman na ako� tumagal nang ganoon dati.

�Kaya sobra naming na-miss ang isa�t isa. Hanggang text at tawag lang kami noon sa cellphone.

�Para nga kaming mga teenagers na nagsasabihan ng �I miss you� at �I love you� sa telepono!

�Ang baduy, di ba?� sabay tawa niya.

?

?

VACATION. Kaya noong biglang pareho silang walang naka-schedule na taping, tuwang-tuwa raw sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

�Para kaming mga bagets na natuwa dahil biglang walang pasok sa school!" sabi ni Glydel.

�Nagplano kaagad kami lakad at iniwan namin ang mga bata sa lola nila�gusto namin ni Ton na mag-spend ng buong araw together.

�Kaya nakakatulong din yung hindi kayo masyadong magkita.

�Mas mapapahalagahan ninyong dalawa ang samahan ninyo dahil alam ninyong kahit anong mangyari, you are there for one another.�


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN