Gelli de Belen on relationship with sister Janice: “We are not rivals… there’s no race, there’s no competition.”

Paglalarawan ni Gelli de Belen (nasa larawan) sa kapatid na si Janice: “Itong si Janice, parang pag nai-in love talaga, nabubuhos ang lahat—lahat-lahat! Huwag naman. Pero baka naman this time, sa dami ng pinagdaanan niya, hindi na. I would just want her to find a man who will really love her—not because she is Janice de Belen—who would really, really love her for who and what she is. Kasi si Janice mabait ‘yan, e. Minsan too much!&rd


Sa showbiz, mahirap ma-achieve ang matagal na pagsasama ng mag-asawa.

Kaya naman marami ang humahanga sa kabuuang twenty years na pagsasama nina Gelli de Belen at Ariel Rivera—fifteen years dito ay bilang mag-asawa.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gelli kung ano ang sikreto at nagtatagal ang relasyon nila ni Ariel.

Sabi niya, “Yung siguro hindi kami paapekto.

"We probably don’t lead a showbiz life... is that what you can say? Iyon.

“Yung parang ang pag-aartista ay trabaho namin na mahal namin.

“Parang ikaw, mahal mo yung trabaho mo, yung nagpupunta ka sa presscon, kasi iyon ang trabaho mo, e.

“Ako, pumupunta ako sa taping, kasi iyon ang trabaho ko.

“Tapos pag-uwi, ako yung nanay, ako yung asawa... hiwalay iyon.”



KEY ROLE. Patuloy ni Gelli, “I think the key is actually him—yung lalaki.

“Of course, it goes both ways, ’no? It takes two to tango.

“Pero kasi ang lalaki, naturalmente sa kanila ang maging, ’Wait, ha!’

“I think it’s natural for men to prioritize being macho, yung ego.

“Sa babae, likas sa atin ang maging nurturing, ang maging loving, likas ‘yan sa atin, e.

“Pero sa lalaki, ano ‘yan, e... the more girls, the better, di ba?

“E, thank you Lord, I am blessed with a husband who does not think that way.

“And I think, I’ll attribute that to his family, yung talagang doon talaga naka-focus yung attention niyan, e.

“‘Ano ba ang okay sa atin? Ano ba ang okay sa mga bata? Ano ba ang gagawin natin?’

“Naka-focus siya doon, e... buti na lang.”



FAMILY FEUD. Sa showbiz, may ibang magkakapatid o magpapamilya na nag-aaway-away o nagkakaroon ng eskandalo among themselves.

Pero sa magkapatid na Gelli at Janice de Belen, hindi sila nakitaan ng ganitong klaseng samahan.

Ano ang sekreto nilang magkapatid na kahit pareho silang celebrity ay walang gulo sa pagitan nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Gelli, “Acceptance.

"Kung ano siya, di ganoon siya; kung ano ako, ganoon ako.

"Accepted niya yun, accepted ko yun.

“Kung hindi ako masaya sa ginagawa niya, sinasabi ko sa kanya.

“Tapos, sasabihin niya parang, ‘E bahala ka, ito ang gusto ko.’ Di tapos ang usapan.”



NO COMPETITION. Does she fight Janice’s battle?

Sabi ni Gelli, “Let’s say if she has her battle, siyempre if I agree with how she feels or what she did, I will, I’m there.

“Pero may limitasyon kasi. May pamilya din akong kailangan kong asikasuhin, e.”

Never silang nabalitaan na nag-away o nag-iringan o nagtarayan.

“It’s just that I attribute it to my parents, it’s my opinion. I attribute it to my parents and to us na rin, kami ni Janice.

“Parang, ‘Magkapatid tayo more than anything.’

“We are not rivals, we are not… there’s no race, there’s no competition.”

Bilang dalawa lang silang magkapatid, mahirap bang pareho silang nasa showbiz?

“Hindi! Ewan ko ba kung bakit… hindi naman. E, kasi si Janice, alam mo naman yun, parang kami rin ni Ariel.

“Yung, ‘Nag-aartista lang tayo pareho.’ Nagkataon, hiwalay sa personal.”



AFFECTED. Naapektuhan ba siya sa mga isyu tulad ng sa pagitan nina Janice at ex-husband nitong si John Estrada?

“Oo naman, oo naman. Nasasaktan ako para kay Janice kasi alam ko yung pinagdadaanan niya.

“Nakikita ko, e... yung hirap din niya. Mabuti na lang may trabaho siya, di ba?

“Pero I have nothing… labas ako diyan. Okay kami ni John, pero siyempre… it doesn’t necessarily mean na hindi kami okay.

“Si John, parang nasa punto kami na pag buwisit ako sa ginawa niya, di sasabihin ko.

“Or, kung hindi ko man sabihin, nakita niyang imbiyerna ako sa kanya, hindi ko siya pinansin o alam na niya yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang yung ganoon lang, hindi ko na kailangang ikuwento, di ba? Parang ganoon.

“Pag okay naman kami, e, di okay kami... Ganoon.”



WISH FOR SISTER JANICE. Wala bang lovelife si Janice ngayon?

“Wala, e,” kumpirma ni Gelli.

Gusto ba ni Gelli na magkaroon na ulit ng karelasyon si Janice?

“Eventually, pero kung magkakaroon siya, gusto ko yung lalaki, yung talagang mamahalin siya.

“Na, well, of course, it also depends on her.

“Itong si Janice, parang pag nai-in love talaga, nabubuhos ang lahat—lahat-lahat! Huwag naman.

“Pero baka naman this time, sa dami ng pinagdaanan niya, hindi na.

“I would just want her to find a man who will really love her—not because she is Janice de Belen—who would really, really love her for who and what she is.

“Kasi si Janice mabait ‘yan, e. Minsan too much!” at tumawa si Gelli.

Kaya minsan ay naaapi?

“Hindi naman. Kasi you will also… sa iyo din naman nanggagaling, e.

“Sa iyo din naman manggagaling kung paano ka tatratuhin ng ibang tao, e.

“If you give your hand, will you allow him to take your arm? Nasa sa iyo din yun.

“Or, yung... di ba? Parang, hindi naman sa lalagyan mo ng limit kasi pag nilagyan mo ng limit, may wall ka. Kasalanan mo pa rin yun.

“Basta kailangan, kilalanin mo lang yung sarili mo, kung ano ang kakayahan mo at kung sino ka—don’t let a man define you.”

So Ariel does not define Gelli?

“No, he does not, and he should not. My kids do not define me.

“I am a mom, I am a wife, I am me, first and foremost.”



KIDDIE SHOW. Si Gelli ang host ng latest kiddie gag-variety show ng TV5, ang Tropang Kulit, na mapapanood tuwing Sabado, 7 p.m., simula sa May 11.

Ang Tropang Kulit ay binubuo ng Top 11 kids, na ang edad ay nasa pagitan ng five to 10—sina Ixle Kyle Banzon, Julie Charlotte Cadeville, Peter Angelo Echaluce, Josh Clement Eugenio, Jonicka Cyleen Movido, Mariella Frances Grace Ortiz, Chloe Dominique Reyes, at John Carlo Tan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama rin ang magkakapatid na sina Jason, Jhiani, at Jhurel Zimmerman.

Completing the thirty-five kids ay ang 24 “Ajeje” kids na nakapasa rin sa audition.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN