Alden Richards on how far he has gone: "Kulang pa po, ang dami ko pa pong kailangang mapuntahan at mapatunayan."

Nagugustuhan ni Alden Richards kung saan patungo ang karakter niya bilang Jerome sa primetime series na Mundo Mo’y Akin. Sabi niya, “Mahirap po kasi yung kontrabida ka, pero kailangang maintindihan ng mga tao ang pagiging kontrabida mo. So, medyo yun po ang challenge. At hindi po siya kontrabida, parang more on a gray side.”


Sa loveteam nina Alden Richards at Louise delos Reyes sa Mundo Mo’y Akin, sino ang mag-aakala na magiging ka-love triangle nila si Lauren Young?

Pagpasok pa lang kasi ni Lauren bilang Kapuso, naging maingay na ang pagkakaugnay ng pangalan niya sa loveteam nina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose.

Pero doon naman pumasok sa eksena si Alden at na-link sa kanya si Julie Anne.

Sa gitna ng mga kaganapang ito, sina Alden at Lauren naman ang nakikitaan ngayon ng potensiyal na puwede rin palang pagtambalin. Kaya nabuo kaagad ang “Team LauDen” dahil sa Mundo Mo’y Akin.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden kung hindi ba nagiging isyu sa kanila ni Lauren ang tila "rigodon" sa kanilang apat nina Elmo at Julie Anne.

Tugon ng young actor, “Hindi po, sine-set aside po namin.

“Kapag nagtatrabaho kami, we never talk about it.

"Minsan nao-open, pero tinatawanan na lang po namin.

“Kasi, ang hirap makulong doon sa ginagawang isyu sa inyo.

“Kapag inisip po naming lahat, ang daming against—ako kay Julie, si Lauren kay Elmo.”



CONFUSION. Kinumusta rin namin kay Alden si Julie Anne na for a time ay may mga nag-isip talaga na nililigawan niya.

“Okay po kami. Nagkikita po kami sa Party P [Party Pilpinas] tuwing Sunday,” sabi niya.

Sino sa dalawang Kapuso stars ang may posibilidad na magkagusto siya o manligaw siya kung mabibigyan ng pagkakataon—si Lauren o si Julie Anne?

Natatawang sagot niya, “Hindi ko po alam, e. Mahirap po kasi, lahat may pros and cons.

“Lahat po sila okay, so ang hirap pong pumili… hindi ko po alam.

“At saka, sa totoo lang po, wala po talaga doon ang focus ko.

“Alam po naman ng lahat kung gaano ako ka-devoted sa trabaho ko.

“Ngayon po, medyo yung expenses, siyempre kapag medyo lumalaki ang suweldo mo, medyo lumalaki rin ang gastos mo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



PRAISES. Nangiti naman at halatang natuwa si Alden nang banggitin namin sa kanya na ilang Kapuso stars na ang nakakausap ng PEP na humahanga sa kanya, hindi lang dahil sa kanyang hitsura kundi maging sa kanyang pag-uugali.

Kabilang na rito si Jolina Magdangal, na gumaganap na nanay niya sa Mundo Mo’y Akin, na sinabing mabait si Alden. Ang child star namang si Jillian Ward ay gustong makapareha si Alden paglaki nito.

Nakangiting sabi naman ni Alden, “Opo, nabasa ko nga po yun.”

Ano ang reaksiyon niya na positibo ang dating niya sa karamihan?

“Masaya po ako kasi, ako naman po, nagpapakatotoo lang po talaga ako.”

May pressure din ba na kaakibat ang mga ganoong papuri o puna, lalo nga’t iniisip ng ilan na maaaring magbago rin siya pagtagal-tagal?

Sagot ni Alden, “Ay, hindi po. Siguro po sa akin, yung two years, medyo matagal na rin po sa akin.

“At saka, kapag ugali mo po kasi yun, hindi mo inaarte, natural lang sa iyo.

"Siguro po, yun na po akong talaga.

“Kaya thank you po sa lahat ng nakakatrabaho ko.

“Mas nakakababa po ng loob kapag nabibigyan ako ng ganoong compliment.”



AWKWARD. May kuwento naman si Alden noong unang niyang malaman na si Jolina ang gaganap na nanay niya sa Mundo Mo’y Akin.

Aniya, “Noong una ko pong nalaman, medyo nag-alala rin ako na baka ma-awkward po siya sa akin.

“Kasi nga, parang ang bata pa niya for a mother role.

“Kaya lang, ginawa po namin yung first sequence, ang sarap po ng feeling na siya ang mother-image ko rito sa soap.

“Parang naging comfortable po ako agad sa kanya. Kahit off-cam po, nagkukuwentuhan kami… inaalagaan ko po ang aso niya, si Fufu

“Parang bagong image po ng motherhood ang naipo-portray ni Ate Jolens dito sa Mundo Mo’y Akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

OFFBEAT. Ang karakter naman daw ni Alden sa teleserye ay may pagka-gray pa talaga ngunit hindi naman talaga kontrabida.

Pero excited si Alden kapag napunta na sa ganoon ang karakter niya.

Aniya, “Medyo exciting po kasi sa akin dahil hindi naman underdog ang character ko. Medyo bago po sa akin ito.”

Pinaalala naman namin sa kanya na nakagawa na rin siya ng offbeat na karakter sa The Road (2011).

Sabi naman niya na natatawa, “Ang difference, siguro po kasi, yun, medyo ako po yun, medyo praning-praning noong bata ako.

“Ito [Mundo Mo’y Akin] naman kasi, it’s more on kung paano mo ipo-project ang character ni Jerome…

“Na ipapamukha mo sa kanya kung ano lang ang dapat sa kanya… na hindi naman niya deserve ang maliit-maliitin.

“Mahirap po kasi yung kontrabida ka, pero kailangang maintindihan ng mga tao ang pagiging kontrabida mo.

“So, medyo yun po ang challenge. At hindi po siya kontrabida, parang more on a gray side.”

Kung ikukumpara siya sa ibang Kapuso stars na mas nauna pa sa kanya, masasabing malayo na ang narating ni Alden. Lalo na’t pinagkakatiwalaan na siya na magbida sa mga primetime series.

Pero nahihiyang sabi ni Alden, “Kulang pa po, ang dami ko pa pong kailangang mapuntahan at mapatunayan.

“Ito pong nangyari sa akin ngayon, zero pa po ito, wala pa po, kailangan ko pa pong pagsikapan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN