Divine Lee says her life is an open book: “Parang nasa Facebook, Twitter and Instagram… pati sa blog.”

Kumukuha raw ng “style” sa pag-i-interview ang TV host-model na si Divine Lee mula sa mga entertainment press. Sabi niya, “Kayo nga ang sinusundan ko at iniisip ko… ganito pala sumingit, ganito pala pumasok ng question. I guess, I am more confident now, pero hindi pa rin nawawala ang kaba.”


Kumpara noon, makikitang mas sanay na ngayon si Divine Lee na magtanong at kumausap nang diretsahan sa mga artista at celebrities.

Napapanood si Divine bilang host at reporter ng showbiz talk show ng TV5 na Ang Latest.

Siya na rin ang kinukuha ng Kapatid network na magsilbing host kapag may events, tulad sa presscon kamakailan para kay Eula Caballero at launching ng Cassandra: Warrior Angel.

Binanggit ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Divine na tila mas at ease at comfortable na siya ngayon sa pag-i-interview.

“Ay, ano, bakit ba? Na-practice na siguro,” nakangiting reaksiyon naman niya.

“Pero marami pa akong dapat matutunan. Kaya kapag nag-i-interview kayo, pinapanood ko kayo, tinitingnan ko kayo at paano ba ang strategy.

“Paano ba ang magtanong ng mahirap, di ba?”



STILL NERVOUS. Noong unang makausap ng PEP si Divine, kabado pa ito lalo na kapag kailangan niyang magtanong ng intriga sa artista. Nawala na ba ang ganoong kaba sa kanya?

“Meron pa rin,” pag-amin niya.

“I think, importante rin yun na may kaba ka and especially if you want to do good.

“At yun nga, kayo [entertainment press] nga ang sinusundan ko at iniisip ko… ganito pala sumingit, ganito pala pumasok ng question.

“I guess, I am more confident now, pero hindi pa rin nawawala ang kaba.”

Dati nang naghu-host ng mga event si Divine, pero sinabi niyang may kaibahan ang paghu-host ng event at kapag nasa talk show at nagtatanong.

“Iba talaga siya, kasi sa hosting of events, puro guide lang ang sinusunod ko.

“Ngayon, natuto akong mag-pick-up sa sinasabi ng tao… I think, yun.

“Kasi, nakukuha mo lang ‘yan in time and in practice.

“At saka, maganda rin kasi na nakikita ko both sides—yung tinatanong at ako ang nagtatanong.”



NEW CAREER. Aminado si Divine na nag-e-enjoy siya sa pinasok niyang career na ito sa TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam mo, I never thought naman na I’ll enjoy it but I’m enjoying.

“Kasi alam mo, naiisip ko, nakikita ko dati kay Victor [Basa, her boyfriend], pero masaya pala siya.

"Lalo na kapag may bagong information na sa iyo sinabi, iba pala ang excitement doon.

“So, I guess, very reporter na ako roon,” pagmamalaki niya.



FOR REAL. Bilang reporter ng Ang Latest, kailangan niyang magtanong at mang-intriga. Masasabi ba niyang naging open din siya sa buhay niya o sa mga isyu sa kanya?

Sabi ni Divine, “Alam mo, I have been very open naman with things that I can talk naman.

“Never naman ako, like, nakakuwadrang tao.

"Hello, yung buhay ko, parang nasa Facebook, Twitter and Instagram… pati sa blog!

“So, parang I’ve never been that type of person.

“I’ve always felt na I’m proud naman of my work. Wala naman akong dapat na…

“I guess, yung personal, hindi lang talaga ako masyadong type na masalita.”

Bilang reporter/host sa isang talk show, may artista na rin bang nagalit sa kanya dahil naintriga niya?

“Nagalit? Walang nagalit sa akin, pero marami ang nagsasabi sa akin na, ‘Pagsabihan mo ‘yang si Shalala.’

“Kasi, siya ang nagba-blind-item. But, you know, kaya nga blind, di ba?

“Pero kapag ganoon, sinasabi ko, ‘Ikaw ba yun?’ Parang ganoon na lang,” tawa niya.

Dagdag niya, “Siguro sa akin, meron lang, like any reporter, tinatakasan ako, ayaw magpa-interview.”



ALEX GONZAGA. Ang Latest lang daw ang show niya sa TV5 at okay kung magkakaroon siya ng iba pang show.

Sabi ni Divine, “When I entered naman TV5, hindi naman nila alam na magtutuluy-tuloy ako… nag-sub lang ako noon for Juicy.

“Mabuti na lang nagustuhan nila, na madaldal at hindi takot na mag-opinion daw.”

Sa Juicy ay nakasama ni Divine si Alex Gonzaga.

Nagkaka-text sila, pero hindi naman daw nila napag-uusapan ang naging paglipat ni Alex sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ka-text ko siya. Sabi ko, ‘Mag-dinner naman tayo.’ Kami kasi nila IC [Mendoza] ang magkakasama noon.

“So, siyempre, yung idea na nakaka-miss—hindi ko na siya makakasama sa isang bakuran.”

Nagulat ba siya nang lumipat si Alex, na itinuturing na isa sa mga prinsesa ng Kapatid network?

“Gulat? Well, parang sa industriyang ito, wala naman nang nakakagulat.

“Pero, more than anything, sa akin kasi, hindi naman mag-i-stop ang friendship kung mawala man siya sa TV5.”



GAY WEDDING. Sa lovelife naman, nababanggit na noon ni Divine na tila may mga plano na siya kung ikakasal sila ni Victor. Parang may impression nga na gusto na nilang pakasal.

Pero nang kamustahin namin siyang muli tungkol sa kasal, nagsabi ito ng, “Wedding? Naku, matagal pa yun.

"Busy pa si Vic. Meron pa siyang ginagawang show.

“So, saka na yung gay wedding ko.”

Parang noong nagkaroon siya ng show sa TV5, biglang isinantabi na niya ang plano nilang kasal?

Sabi ni Divine, “Hindi naman. Actually, gusto pa rin namin.

“Kaya lang, gusto namin bahay na muna. Yun na lang muna talaga at makaipon.”

Walang nababago sa relasyon nila lalo na’t pareho na talaga silang nasa showbiz?

“Wala… in fact, galing lang kaming bakasyon, nag-U.S. kami. Two and a half weeks lang, pinilit lang talaga, although for work yun.

“And what’s nice talaga sa relationship namin, ang tagal na naming magkaibigan, so sanay na sanay kami sa ganyan.

“Everytime na may chance, ina-avail talaga namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN