KC Concepcion learns from mom Sharon Cuneta: “Ayaw na niyang maging dependent kami o maging dependent kami masyado sa lalaki.”

Ikinuwento ni KC Concepcion ang pakikipaglaban niya noon sa kanyang weight problem. Saad niya, “Payat ako before seven years old. By the time na magna-nine [years old] na ako, yun... Umiyak ako nang umiyak, kasi first time ko na makita na malaki ang tiyan ko.”


Ibinihagi ni KC Concepcion sa Kris TV kamakailan ang ilan sa mga natutunan niya sa inang si Sharon Cuneta.

Nag-co-host kasi si KC sa programa ni Kris Aquino kung saan napag-usapan nila ang values sa buhay na kanila pang isinasagawa.

Isa raw sa ipinamanang values ng Megastar kay KC ay kung paano pahalagaan ang mga salaping kinikita niya sa show business.

Saad ni KC, “I work hard... nagtatrabaho na rin ako.

“I’m earning constantly and consistently at may time nga na regularly ay may pumapasok na pera.

“Kailangan mo rin mag-isip kung saan mo dadalhin ito.

“May mga ways na kasi ngayon kung paano siya lalago at dadami pa yung money mo—depende talaga kung saan mo ilalagay.

“So, basta hindi lang siya savings na natutulog sa bank.

“Sa akin kasi, I’ve learned from my mom, talagang tinutukan niya ako dito na merong condo units.

“I won’t go into details, pero I’ve learned naman to invest sa land."

Dugtong pa niya, “Now sa lupa, I’ve learned also na depende talaga sa location ang kukunin mo... kasi merong pataas at pababa.

“Ang condo naman ay may perk din. Kahit gaano kaliit o kalaki ‘yan, basta nandoon na yung building na yun, pasok-labas na lang ang mga tao kapag pina-rent mo.

“Or, kung gusto mong ikaw ang tumira, nandoon na yun... hindi ka na magpapatayo pa.”



INDEPENDENCE. Natutunan din ni KC kung paano mabuhay at tumanda independently na hindi iasa sa magiging future husband niya ang kanyang personal needs.

“Ako kasi talaga, I really wanna learn to invest my money, para no matter what...

"Yun nga sabi ni Mom, ’When you grow up...’ ayaw na niyang maging dependent kami o maging dependent kami masyado sa lalaki.

“Tulad nga raw yung nangyari sa kanya na noong lumaki na siya ay hindi na siya humingi ng kahit isang kusing sa mga lolo’t lola ko [Pablo and Elaine Cuneta].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi pa niya, ‘Work hard, dream big.’”



STARTED YOUNG. Maging ang tungkol sa weight problem ni KC noon ay naging bahagi ang kanyang ina para labanan ito, despite the fact na ngayon ay meron ding sariling problem sa timbang ang Megastar.

Kuwento ng 28-year-old actress/TV host, “Personal na ito, pero ikukuwento ko.

“Ako, nine years old, pinag-diet ako ng mom ko... nine years old ay talagang may kinausap silang doctor.

“Kasi, seven years old ako noong lumipat ako sa lola ko, medyo nawala yung control ko sa food. Payat ako before seven years old.

"By the time na magna-nine [years old] na ako, yun, nararamdaman ko na na malaki na ako, umiiyak talaga ako noon.

“Umiyak ako nang umiyak, kasi first time ko na makita na malaki ang tiyan ko.

“Ayun, pinag-diet na talaga ako and my mom consulted nga a doctor for it.

“When I turned twelve, sinabi nila na ang dapat lang ay maging active ako.

“Kaya noong lumipat ako sa Boston, it’s realization talaga na kailangang maglakad ako at kailangang gumagalaw lagi.”



KRIS’S CONCERN. Bigla namang sumingit si Kris and talked about the weight regimen of her sons Josh and Bimby.

Sabi niya, “Ang perfect example talaga diyan ay si Josh.

“Ipinakita na niya talaga sa akin ang picture na ang ka-workout buddy niya ay si Gerald Anderson.

“Sabay silang nag-e-exercise sa gym. Ang taray ni Ge [palayaw ni Gerald] kasi ang fit niya talaga.

“Nabasa ko talaga sa picture na isinulat niya na, ‘Josh is my inspiration ‘coz he lost 120 pounds talaga.’

“Tapos, super-proud ako kay Bimby kasi at six [years old]... kasi dati, nagdedede pa at night, pero now we’re throwing all na.

“We tried fresh milk pero ayaw talaga—true to his endorsement.

“So, ang fresh milk, we put about three scoops from his milk, hinahalo pa niya, kasi iba raw ang lasa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



RUNS IN THE FAMILY. Maging ang mga kapatid daw ni KC na sina Ramiel at Frankie ay kinakitaan niya ng problema sa eating habits.

Ayon kay KC, “Si Ramiel, na isang cute na eight years old, sobra ding matakaw sa pagkain.

“Siya talaga, meron siyang emotional feeling pagdating sa food.

“Love niya talagang kumain na minsang pina-describe ko sa kanya kung ano yung tiyan ng bangus, talagang sarap na sarap siya.

“While si Frankie naman ay walang ganang kumain.

“Ako, ang nakikita ko sa kanila, kumakain sila hindi dahil sa gusto nila kundi dahil masarap lang.

“Kaya nga, minsan, I have to stop them.”



MOTHER CELINE DION. Maging ang balita tungkol sa pagsusuot ng anak ni Celine Dion na si Nelson ng high-heeled shoes ay kanilang napag-usapan.

Sa Holywood nga raw ay malaking isyu ito dahil pinangdududahan tuloy ang kasarian ng international diva.

Sabi ni KC, “Ang heels daw kasi noong unang panahon were designed for butchers.

“Lalaki talaga ang nagsusuot, kasi ayaw nilang madumihan ang pants nila after nilang katayin ang mga animals.

“Ako, wala na akong masasabi diyan, kasi kung saan ka nga masaya, di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN