Claudine Barretto posts "happy family photos" on Instagram

Nag-post ng mga larawan ang aktres na si Claudine Barretto ng masasayang sandali ng kanilang pamilya sa Instagram. Ngunit ang kapansin-pansin ay hindi kasama sa alinman dito ang kanyang asawa na si Raymart Santiago.


Matapos niyang i-post sa Instagram ang “controversial Porsche” noong April 21, wala nang narinig mula kay Claudine Barretto kaugnay ng umiinit na alitan nila ng kapatid na si Gretchen Barretto.

(CLICK HERE to read related story.)

Dahil sa away ng dalawang aktres ay nadamay na rin ang kanilang ina na si Inday Barretto at mga kapatid na sina Joaquin at Gia.

Ngunit muling nagparamdam si Claudine Barretto sa kanyang IG account (“claubarretto”), and this time, puro pampamilyang posts ang kanyang inilagay.

May 2, Thursday, ipinost niya ang isang larawan kasama si Sabina, ang adopted daughter nila ng mister niyang si Raymart Santiago.

May caption ito na: “My Mommy so sweet like Candy.”

May 3, Friday, ay lumabas naman ang huling statement ng kanilang ina na si Inday Barretto patungkol kay Gretchen.

(CLICK HERE to read related story.)

Kinabukasan, May 4, tatlong mga larawan kasama ang ilang miyembro ng kanyang pamilya ang sunud-sunod na inilagay ni Claudine sa kanyang IG account.

Makikita sa larawan si Claudine habang yakap ng kanyang pamangkin na si Cholo Barretto. Kasama rin sa picture ang mga magulang ng aktres at isang babae.

Nakalagay sa caption ang mga salitang: “Simple Dinner with family.”

Kasunod nito ang larawan ng kanyang mga magulang kasama ang kanyang mga anak na sina Sabina at Santino at dalawang iba pa.

Nakasulat naman sa ibaba ng larawang ito ang caption na ito: “Having Sundae’s at mcdonalds thanks Mama day & Pikey.”

Isa pang larawan ang sunod niyang ipinost na may nakalagay na “Thank you Lord for today,” kung saan lahat sila ay nakangiti.

Kahapon, May 8, dalawang posts ulit ang magkasunod na inilagay ni Claudine sa kanyang Instagram account.

Kasama niya sa larawan ang kanyang inaanak na si Vito, at nakalagay sa unang post ang mga salitang, “Ninang On Duty.”

Sa huling post niya na may caption na “Ninang Clau with Vito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi binanggit kung kailan kuha ang mga larawang ito. Kapansin-pansin din na hindi kasama sa alinmang mga larawang ito ang mister ni Claudine na si Raymart Santiago.

Nakapukaw naman ng atensiyon ng marami ang post ng isang follower ni Claudine, na nasa ibaba ng huling post ng aktres sa Instagram, na tila nagsesermon sa aktres kaugnay ng alitan nilang magkakapatid.

Ayon kay @mitch_ays, “The bond & love between sisters are not defined by who’s wealthier, prettier, smarter or who helped the family mosts in time of need.

“It runs deeper than that your sisters were ur first friends-best friends before u even started making friends, ur sisters were and your supporters, cheerleaders…

“They’ll lay their lives down for you just to protect & save you!

“Blood is thicker than water….their blood runs through your veins and vice versa!

“Next to your parents they loved you first…That’s what should matter most and mean the most!!

“Not the wealth or popularity.

“You are all famous in your own rights…U’ve worked hard for it & earned it but remember without your family, your brothers & sisters u would be the person you are!

“Start talkin to your sisters, they are hurting too just like you, isn’t it time to GROW UP & start talking like the grown ups that you are- in a civilized respectful manner…

“Stop the suing/legal actions against each other!! Stop asking your parents to choose which child is better!! It’s killing them!! They love their children equally & unconditionally.”

Sa maraming comments sa IG account ni Claudine, ni isa ay walang sinagot ang aktres dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN