Vice Ganda on why he will vote for Risa Hontiveros: "May sariling pangalan at di umaasa sa sikat na apelyido."

Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account ay inanunsiyo ni Vice Ganda na iboboto niya bilang senador si Risa Hontiveros.


Isa si Vice Ganda sa masasabing may malakas na impluwensiya ngayon sa mga manonood.

Malaking katibayan nito ang box-office hit movies niya at mataas na rating ng kanyang mga programa sa TV.

Kaya malaking bagay sa kahit sinong tumatakbo sa anumang posisyon ngayon ang makuha itong endorser.

Sa presscon ng upcoming concert niya ay naging bukas si Vice Ganda sa paninindigan niya tungkol sa pag-eendorso ng kandidato.

Isiniwalat ni Vice na may mga kandidato na nagpapa-endorso sa kanya kapalit ng malaking halaga, pero hindi niya tinanggap.

Katuwiran ng TV host-comedian, bakit niya ieendorso ang isang kandidato kung hindi naman niya ito iboboto.

(CLICK HERE to read related story.)

RISA HONTOVEROS. Ngunit apat na araw bago ang eleksyon, inanunsiyo ni Vice sa kanyang Twitter account ang isang kandidato na iboboto niya sa senatorial race.

Sabi ni Vice sa kanyang tweet kanina, May 9:

“Risa Hontiveros. Ito ang babaeng iboboto ko sa Senado. May karanasan at kakayahan sa gobyerno. Matapang dahil may ibubuga. May sariling pangalan at di umaasa sa sikat na apelyido.”

Dagdag pa ni Vice, “May matino akong trabaho. Nakaipon nako. At hinding hindi ko ibinibenta ang prinsipyo ko. Libre ang pagendorso ko s taong pinaniniwalaan ko.”

Inaasahan na may mga susunod pang tweets si Vice kung saan sasabihin niya kung sino pa ang mga iboboto niya.

NANCY BINAY. Samantala, sa presscon noon ni Vice ay lumitaw na hindi siya pabor sa mga kandidatong tumatakbo sa pagka-senador na walang background o ekperiyensiya sa pulitika.

Naging tapat din si Vice sa pagsasabing ang senatorial candidate na si Nancy Binay ang kanyang pinatutungkulan.

Kaugnay nito ni-retweet din ni Vice kanina ang naging reaksiyon ni Nancy Binay sa kanyang naging pahayag:

"Iginagalang ko ang opinyon niya about me. Siguro di niya na-appreciate iyong serbisyong ginampanan ko bilang assistant to my mother, then-mayor of Makati, and to my father as mayor and VP and chairman of [Housing and Urban Development Coordinating Council].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Expected ko na yun kasi during the 2010 election nandun siya sa kalaban ng brother ko for mayor of Makati.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN