Eugene Domingo replaces Kris Aquino in Jun Lana’s Mga Kuwentong Barbero

Si Eugene Domingo ang gaganap sa lead role sa pelikula ni Juna Lana na Mga Kuwentong Barbero, na nanalo sa Hong Kong Asia Film Financing Forum. Unang inalok ang role kay Kris Aquino ngunit tinanggihan niya ito dahil sa kissing scene sa kapwa babae at kailangang kalbuhin ang kanyang buhok.


Malapit nang gumiling ang mga kamera para sa pelikulang Mga Kuwentong Barbero ng scriptwriter-director na si Jun Lana.

Ang pelikulang ito ay isa sa dalawang pelikula mula sa Pilipinas na nanalo sa recently-concluded Hong Kong Asia Film Financing Forum.

Unang inialok kay Kris Aquino ang title role sa pelikula, pero tinanggihan ito ng Queen of All Media dahil ang karakter dito ni Marilou ay kailangang magpakalbo at may halikan sa kapwa-babae.

Napunta ang lead role sa pelikula kay Eugene Domingo, kung saan gagampanan niya ang papel ng isang babaeng palaban sa gitna ng diskriminasyon noon.

Masayang sabi ni Eugene sa Ang Latest ng TV5 kagabi, May 8, “Napakatapang ng pelikulang ito, at ito ay minsan lang darating, at least ang artistang katulad ko ay mabigyan at mapagkatiwalaan ng papel ni Marilou dito sa Kuwentong Barbero kaya nagpapasalamat ako na napasama ako.”

Excited naman si Eugene na makatrabaho for the first time bilang direktor si Jun Lana, na siya ring nagdirek ng Bwakaw (2012). Pero hindi naman ito ang una nilang pagsasama sa mga proyekto.

Paliwanag niya, “Matagal na taon na kaming magkakilala so may mga project siya na indirectly siya yung… he’s on top, pero hindi siya yung director na kasama ako sa project.

“Hindi na kami kailangang magtimplahan.”

I DO BIDOO BIDOO. Samantala, laking pasasalamat ni Uge (palayaw ng aktres) na nakapasok ang pelikula niyang I Do Bidoo Bidoo last February sa Far East Film Festival sa Udine, Italy.

Saad niya, “Nagustuhan naman nila yung I Do Bidoo Bidoo.

“Kumanta sila paglabas nila ng sinehan ng ‘dobidoo bidoo, bidoo bidoo.’

“Natutuwa sila na makitang napakakulay ng pamilya, na parang yung mga problema ng pamilyang Pilipino, naso-solve… kumakanta lang, naso-solve na."

Malaki rin ang pasasalamat ni Eugene sa Entertainment Press Society (Enpress) kung saan nagawaran siya ng Dekada Award sa Golden Screen Awards.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Salamat po, nakakaka-inspire para pagbutihan pa yung trabaho at tsaka kayo naman ang naglagay sa akin dito, hindi ko kayo bibiguin.

“Maraming dekada pa ‘to na pagsisilbihan ko kayo bilang artista.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN