Daniel Matsunaga sympathizes with ex-girlfriend Heart Evangelista: "I know that she’s having a really hard time..."

Tipid man ang mga salita ni Daniel Matsunaga tungkol sa pinagdadaanang problema ng ex-girlfriend niyang si Heart Evangelista ay halata pa rin ang concern niya para rito.


Tatahi-tahimik lang si Daniel Matsunaga sa isang sulok ng The Conservatory ng Manila Peninsula Hotel last Tuesday, May 7, sa ginanap na launching ng Samsonite Curv Technology.

Umiiwas man, napilit pa rin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Brazilian-Japanese model-actor na magbigay kahit maiksing komento tungkol sa gusot ngayon ng ex-girlfriend niya si Heart Evangelista sa pamilya nito.

Tutol kasi ang mga magulang ni Heart sa relasyon ng aktres sa nobyo nitong si Senator Chiz Escudero.

Aniya, “I have nothing to say, it’s really hard…

“I know that she’s having a really hard time, di ba?

"And she loves Chiz and probably they have to do something about it, maybe talk or something or find in a way to fix things, di ba?

“Kasi it’s family, e, and it’s really hard.

“For me, if it’s my family, di ba, I would talk to them.”

Noong sila pa ba ni Heart ay nakilala at nakasama niya ang mga magulang nito?

Sabi ni Daniel, “Oh, yes, many times. I was with them many times.

“We had a relationship for one year and six months so, you know, I always had dinner with them and everything, so walang problema.”

Naramdaman ba niya noon na hindi siya gusto ng mga parents nito?

Sagot ng Kapatid star, “No, no… we’re fine. We were okay naman.”

Sa ngayon daw ay ini-enjoy ni Daniel ang kanyang pagiging single.

Sabi niya, “Masaya pag single, enjoying my life, and enjoying… trabaho ko. Very busy and very blessed.”

Malapit na raw simulan ang bago niyang show sa TV5, pero hindi pa siya maaring magbigay ng detalye tungkol dito.

Pero bago niya simulan ang bagong proyekto, magbabakasyon muna siya ng isang buwan sa Brazil.

Ani Daniel, “Pupunta ako ng Brazil in June, bakasyon lang, just to visit my parents.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN