Sonny Angara is all-praises for his celebrity endorser Coco Martin

Sonny Angara on Coco Martin: “Coco has the makings of an icon.”


Walang duda na kung isa nga si Aurora Congressman Sonny Angara na papalaring makapasok sa Senado pagkatapos ng May 2013 elections, hindi na nakakapagkata na gugustuhin din nitong ituloy ang mga plano ng kanyang ama na senador, si Sen. Ed Angara.

Pareho rin sila sa kanilang mga advocacies sa edukasyon kapag nakapasok ang nakababatang Angara sa Senado.


PLANS FOR SHOWBIZ INDUSTRY. Sa press conference na ibinigay ni Mother Lily Monteverde para kay Sonny Angara, naitanong din sa kanya kung ano naman ang mga naiisip nitong batas na puwedeng gawin para mas makatulong din sa entertainment industry.

Sinagot naman ito ni Congressman Sonny na, “I think, marami pang paraan na puwedeng matulungan ang showbiz industry, like we passed a law lowering amusement tax. So, sa mga may-ari ng sinehan.

“Tapos, naiisip ko, every year, may mga film festival, I think, dapat mabigyan ng suporta ng gobyerno like Cinemalaya, Metro Manila Film Festival. Ini-sponsor ng government but it can also be bigger. Tapos, yung mga bumibiyahe sa foreign film fests, dapat suportahan. Parang ironic na dito sa ating bansa, parang lumiit ang industriya.

“Sabi ko nga, hindi lang limited sa film industry, pati sa ibang creative industry.


COCO MARTIN’S BET. Kilalang-kilala naman na ang Kapamilya actor na si Coco Martin ang isa sa masigasig na nag-e-endorso sa kanya. Pero bukod kay Coco, isa rin si Kris Aquino sa mga sumusuporta sa kanya.

Anong pakiramdam niya rito?

“Aside from Mother Lily, si Kris Aquino is also one na kilalang-kilala, top endorser, Queen of Talk, ’ika nga. Sa akin, malaking bagay for someone who’s entering a new—Senate, malaking bagay sa akin yun.”

Sa mga campaign sorties naman daw niya, si Coco raw talaga ay inaabot ng madaling-araw bilang patunay nito ng pagsuporta sa kanya.

Ayon naman kay Congressman Sonny, “Actually, apat na beses kaming nagkasama. Yung first time, mga February siguro yun, kasi, very busy ang schedule niya, e. Grabe silang mag-shooting ng Juan dela Cruz, halos araw-araw tapos, natatapos sila, past midnight na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, nakakuha kami ng four schedules so far.

“Number one, nag-university tour kami sa U-belt. Doon talaga parang nabingi ako sa mga sigawan ng mga kolehiyala doon.

“Second, noong nag-Laguna kami, sa Southern Tagalog. Third, nag-Luzon kami. We went to Pangasinan, talagang open sa public yung mga shows namin. Tuwang-tuwa ang mga tao, then yung huli, nagpunta kami sa Visayas.

“At tuwang-tuwa ang mga tao kasi, nagpunta kami sa malalayong lugar at maliliit na—para ngang pasikot-sikot na lugar. Tapos, biglang maraming tao pala.”

Dugtong pa ng Congresman, “Grabe ang reception kay Coco.

“What can I say is, siya yung nakita ko lang yun kay Fernando Poe Jr. noong 2004. Tapos kay Erap noong 1998, talagang ganoon yung mass tribulation.

“Actually, hinihila niya ako kapag kinakanta niya yung isang song. Sasabihin niya, gusto niyo bang marinig kumanta si Congressman? May ilang umo-oo kaya pinagbibigyan na rin natin, pero, hindi tayo marunong kumanta,” natatawang kuwento pa niya.

Sabi pa rin ni Congressman Sonny kay Coco, “Actually, Coco talaga has the makings of an icon. Mapagpakumbaba tapos, I think, yung dinaanan niya sa buhay, yung struggles niya, not only made him a good actor but makes him a good person. Magaling makisama sa mga tao.”

ON BEING A SENATOR’S SON. Naitanong din namin kay Congressman Sonny na sa binigay na press conference sa kanya ni Mother Lily ay dumating din ang kanyang ama, si Senator Ed, kung sa ilang buwan na pangangampanya niya, masasabi ba niyang advantage o disadvantage sa parte niya na anak na siya ng isang senador.

Tugon ng nakababatang Angara, “Sa palagay ko ho, advantage po. Maganda na ang pagtanggap sa akin. Nagpapakilala ako, Sonny Angara po. ‘Ah oo, ikaw nga.’ Yung iba, sasabihin, ‘Anak ka ba ni Ed?’

“Sa palagay ko po, big advantage sa akin at maganda kasi ang legasiya ng aking ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung mga batas, talagang kilala siya na Father of the Senior Citizen. Father of re-High School. Father of Philhealth.

“Yung tatlo pa lang na yun, e, talagang buong bansa natin, natulungan na.”

May disadvantage rin ba?

“Well, uso kasi ngayon ang anti-dynasty. So, doon kami napapasok. Siguro, yung ilang kababayan natin, naging masama ang kanilang karanasan sa mga family members kaya nilalahat na nila—na lahat ng pamilya sa pulitika, masasama.

“Hindi namin sila masisi dahil yun na ang nakabase sa kanilang karanasan. But speaking for ourselves, masasabi naman ng ating mga kababayan na marami rin tayong nagawang mabubuti.”

Sa political dynasty, ano ang stand niya rito?

“Ako, open naman tayo riyan. Kung reasonable naman ang panukalang batas, okay naman sa akin, willing naman akong sumuporta.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN