Nancy Binay: “Walang-wala talaga sa isip ko ang pumasok sa politics.”

Nag-react si Nancy Ninay sa pagkaka-link ng kapatid na si Junjun Binay kay Kris Aquino: “Pagdating kasi sa lovelife ng mga kapatid ko, ayaw kong makialam, e.”


Ilang araw na lang ay matatapos na ang campaign period para sa mga kandidato, kaya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang United Nationalist Alliance (UNA) senatorial candidate na si Nancy Binay, kinumusta namin ang pakiramdam niya.

Bungad na sagot ng anak ni Vice President Jejomar Binay, “Heto, malungkot na masaya. For the past four months, yung mga kasama ko sa campaign by Saturday ay may kanya-kanya na kaming pupuntahan.

“Masaya in the sense na makakasama ko na ang mga anak ko. Yung bunso ko, four years [old] lang at twins pa sila at yung panganay ko 12 [years old], at ngayon, may time na ako sa kanila kasi magsa-summer break na rin.

“So, mixed emotions ako.”

Naapektuhan ba ang relasyon niya sa kanyang mga anak sa sobrang pagka-busy niya sa paglilibot sa buong bansa?

“I think with this campaign, naapektuhan talaga ang time ko with my kids,” ani Nancy, “pero kapag masyadong matagal ang time na hindi kami magkikita, I bring my kids with me sa campaign.

“Sanay naman sila, e. Sila yung mga tagatapon ko ng shirt at kung anu-ano.

“Meron din naman silang complain pero part ito ng learning lesson nila.

“In fact, kapag hindi ko sila kasama, sila yung nagpi-perform dun sa brother ko sa Makati.”



TOP 3 IN SURVEY. Sa latest survey, number three si Nancy. Ano ang opinyon niya tungkol dito?

Saad niya, “Ako, confident ako na marami sa kasama ko ang papasok.

“Sa akin, ayokong isipin na… ang mindset ko ngayon ay hindi pa rin ako pasok. Kaya, tuluy-tuloy pa rin ako sa campaign.

“Ang sabi sa akin ng Daddy ko e running scare all the time, e.

“Pero, yeah, I feel very much flattered and honored na nasa ganung ratings ako, pero, bottomline pa rin ay yung votes sa May 13.”

Tulad sa ibang senatorial candidates, isa siya sa masugid na sinusuportahan ni Mother Lily Monteverde.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabilis niyang pahayag na nakangiti pa, “Siyempre, I’m so happy na sinusuportahan ako ng icon sa show business, di ba?

“Yun nga ang nakakatuwa kasi ngayon lang kami magmi-meet ni Mother Lily.

“So, in spite of the fact na hindi naman kami personally magkakilala, she still supports me.

“Sila talaga ng Daddy ko ang magkaibigan.

“Siguro nga dahil na rin kay Daddy kaya ganun ang suporta niya sa akin.”

Samantala, tinatawag si Nancy na isang accidental and reluctant politician.

“Walang-wala talaga sa isip ko ang pumasok sa politics,” mariin niyang sabi. “Actually, I am involved in the sense that I worked behind the scenes.

“Hindi ako frontliner, ako yung nasa likod ng family members ko who is into public service.

“So, parang… kumbaga sa showbiz, hindi ako yung artista, ako lang yung parang assistant director or PA. Yun ang role ko.

“Tapos nung nag-back out nga si Joey de Venecia, ako na yung pinalit nila. Kinausap nila ang lahat.”

Kaya nga isa ang family Binay na sinasabing kumakalinga sa sistema ng political dynasty.

Paliwanag niya, “Kasi para sa akin, yung dynasty ay at the end of the day, ang voters pa rin ang magde-decide e if they want another Binay in the government.

“Kung paulit-ulit na apelyido ang binuboto nila, siguro dahil na-satisfied sila. Kasi, kahit lahat naman mag-run for positions kung ayaw ng mga tao, wala naman kaming magagawa.”

Sa pahayag naman ni Vice Ganda na kahit ang mga walang karanasan ay puwedeng tumakbo agad sa mataas na posisyon sa pamahalaan, sinabi ni Nancy na nirerespeto niya ang opinion ng sikat na komedyante.

“Ako, I respect his opinion.

“Ganun naman talaga, di ba? I can’t win anybody,” ani Nancy.



NOT ENDORSED BY KRIS AQUINO. Pinag-usapan namin si Kris Aquino.

Marami ang nagtataka kung bakit hindi siya inindorso ni Kris Aquino, na kilalang kaibigan ng pamilya Binay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya, “Hindi naman kami close na close kasi mas close siya sa isang sister ko.

“Yung hindi niya pag-endorse sa akin? Tingnan na muna natin.

“Ayokong mag-comment about that kasi hindi pa naman tapos ang campaign.”

Biniro namin si Nancy kung si Kris na nga ba at si Makati Mayor Junjun Binay.

Natawa si Nancy, “Pagdating kasi sa lovelife ng mga kapatid ko, ayaw kong makialam, e.

“So, I don’t know what’s going on.”



BINAY FOR PRESIDENT IN 2016? Naghahanda na rin ba sila sa pagtakbo ng kanyang ama bilang Presidente ng Pilipinas sa susunod na presidential elections?

“Para kasi sa akin, malayo pa ang 2016, e,” tugon ng senatorial candidate. “Right now, ang focus muna namin ay itong sa 2013.

“Siya naman, tuluy-tuloy ang trabaho bilang Bise Presidente.”

Dugtong pa ni Nancy, “Alam mo naman kami, whatever ang maging desisyon niya ay susuportahan na lang namin.

“Pero, malayo pa talaga para pag-usapan yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN