Marjorie Barretto turns to Instagram to send message about latest controversy

Pagkatapos magbigay ng huling pananalita sa PEP kaugnay ng pagkalat sa Internet ng kanyang nude photos ay nag-post si Marjorie Barretto ng mga makahulugang payahag sa Instagram, kalakip pa ang larawan nila ng kanyang anak na si Julia Barretto.


Nanahimik na si Marjorie Barretto matapos pumutok at pinag-usapan ang diumano’y photo scandal niya na tinuldukan niya sa pamamagitan ng pagbibigay ng exclusive interview sa PEP kung saan sinabi nitong ito na ang huli niyang pagsasalita sa media tungkol sa issue.

(CLICK HERE to read related story.)

Ngayon, tila dinadaan ni Marjorie sa kanyang Instagram account (@marjbarretto) ang pagsasabing makakayanan niyang lahat ang panibagong kontrobersiya na ito sa kanya.

Last Tuesday, May 7, nag-post si Marjorie sa IG ng isang mensahe mula sa quotediary.me na nagsasabing: “A successful Woman is one who can build a firm foundation with the bricks thrown at her.”

May 1,370 likes na ito at 32 comments.

Ngayong araw, May 9, nag-post naman ang dating aktres at outgoing Caloocan City councilor ng litrato niya kasama ang anak na si Julia Barretto.

Nakasaad sa mensahe niya ang quote sa chorus ng sikat na kantang "Titanium" ni David Guetta featuring Sia:

"I’m bullet proof nothing to lose fire away fire away…Ricochet you take your aim…fire away fire away…You shoot me down BUT I WON’T FALL I AM TITANIUM.”

May 2,565 likes na ito at 54 comments kung saan may mga bumati kay Marjorie ng "Happy Mother’s Day."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN