Joey Reyes on Sharon Cuneta: "Ang bilis manghusga ng napakaraming tao na ikondena siya na laos, mataba… wala namang tao na namayagpag forever, hindi ba?"

Hindi lamang daw hamon para kay Joey Reyes ang susunod niyang proyekto sa TV5, bilang headwriter, kundi pati na sa magiging bida ng proyekto na si Sharon Cuneta. Sabi ng direktor, “I think ang challenge na ito ay hindi lang para sa akin, kundi para kay Sharon din na mag-evolve din… ilagay ang sarili niya sa merkado… to be competitive in the market.”


Pinaghahandaang mabuti ngayon ni ang writer-director na si Jose Reyes ang isang malaking proyekto niya sa TV5 na pagbibidahan ng Megastar na si Sharon Cuneta.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Joey sa taping ng Ang Latest sa Studio B ng TV5 para alamin ang iba pang detalye ng project.

Bungad na kuwento niya, “Ako ang magiging headwriter ng telenovela ni Sharon Cuneta.

“Ni-request ako ng TV5 na mag-headwrite at pumayag ako dahil si Sharon iyon at, higit sa lahat, dahil ang direktor doon ay si Joel Lamangan.”

Ayon kay Direk Joey, kakaiba sa mga nagawa na ni Sharon ang next project niyang ito sa Kapatid network.

“Hindi siya heavy drama. As a matter of fact, hindi siya even drama—it’s a dramedy. It’s a drama-comedy.

"At dito ang makikita ay Sharon na masa.

"Ang karakter niya rito is masang-masa—ina siya, asawa siya, pero masa.”

Ni-require bang magpapayat si Sharon dito?

Sabi niya, “Actually, hindi kailangan sa role, e, hindi kailangan.

“Hindi glamorosa ang role… ang role ay role ng pangkaraniwang tao na nakikita mo sa inyong paligid.

“May negosyo siya… kakanin. Active siya sa komunidad, may mga barkada siyang mga babae.

“Ang maganda nito, social satire, hindi lamang pangkaraniwang telenovela kundi…

“Naalala ninyo iyong Abangan Ang Susunod Na Kabanata?” pagtukoy niya sa defunct sitcom ng ABS-CBN.

Galing ba kay Direk Joey o sa mga bossing ng TV5 ang concept ng show ni Sharon?

“Hindi sa amin… galing sa mga boss. Inayos namin ni Joel na mas angkop sa panlasa namin,” paglilinaw ni Direk Joey.



HEALTH REASONS. Para kay Direk Joey, mas mabuti ba kung unti-unting magpapapayat ang Megastar?

“For health, reasons of health,” nakangiting sagot niya.

“More than… kasi, di ba? Iyan ang maganda, maganda. Ano pa ba ang kailangang patunayan mo?

“If you are 40 years old, hindi mo na kailangang patunayan ang ganda mo, dahil the fact is tumagal ka ng 40 years old means… you know?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s for health reasons… if ever I want her to lose weight, it’s for health reasons.

“Lalo na ako, health buff ako, ‘no? Kaya nga gym ako nang gym, e.

“Ang… more sa concern ko is sa kanyang health.

“Dahil alam naman natin na habang nagkakaedad ka, mas lalo mong kailangan pangalagaan ang iyong sarili at mas susceptible ka sa sakit kung overweight ka, e.”



EVOLUTION. Sa estado ng career ngayon ni Sharon, masasabi ba ni Direk Joey na isang challenge para sa Megastar ang project na ito?

Sagot ng writer-director, “Mahal ko yun, mahal ko yun—parang anak-anakan ko yun for decades, ‘no?

“And I think, kung mayroon mang dumarating na mga pagsubok o pag-iiba sa kanyang career, dapat ay tingnan bilang challenge, di ba?

“Kasi, ang bilis manghusga ng napakaraming tao na ikondena siya na laos, mataba… you know that sort of stuff?

“Nangyayari naman sa bawat fate ng bawa’t tao na nag-iiba ang estado mo, lalo na sa ating industriya.

“Wala namang tao na namayagpag forever, hindi ba?

"Kailangan mag-iba ka, kailangan mag-evolve ka.

“And I think, ang challenge na ito ay hindi lang para sa akin, kundi para kay Sharon din na mag-evolve din.

“At again, ilagay ang sarili niya sa merkado… to be competitive in the market.

“So, tamang-tama ang timpla nitong proyektong iniisip namin para sa kanya.”

Sa tingin ba ni Direk Joey, best vehicle para sa kay Sharon ang show na gagawin nila?

“Well, mahirap na sabihin na it’s the best vehicle. It’s just... isa sa mga possible vehicles for her.

“Dahil si Sharon Cuneta, she can do so much more.

“Now, I hope, the challenge is pag nabasa niya ang isusulat ninyong ito, the challenge is hindi naman sa akin, e, kundi sa kanya.

“Iyong sa kanya ay yung ma-challenge siya, na bumalik siya… ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I mean, tingnan mo ang ang isang Nora Aunor, niyanig ulit ang pelikula noong lumabas sa Thy Womb, di ba?

"Si Vilma [Santos] mayroon siya, yung Ekstra, hindi ba?

“Si Sharon has to prove her worth, e.

"Madali kasing husgahan siya dahil sa weight niya, dahil madaling humusga sa nakikita sa kanya.

“Now, iyong problema niya sa weight, siya lang makaka-solve nun, e.

“Ganoon din ako noong araw, e, ang taba-taba ko, e, hindi ba?

“Kahit naman sabihin nilang ‘Ang ‘taba-taba mo!’ Hangga’t hindi mo sinasabi sa sarili mo na ‘Magpapapayat ako,’ hindi ka papayat.

“At saka dapat, hindi ‘yan obligasyon na sasabihan ka ng tao… kailangan ay gustuhin mo.”



BASHERS. Ano ang nararamdaman ni Direk Joey kapag nakakabasa siya ng pangba-bash kay Sharon sa social media?

Tugon niya, “That’s why I stopped following her sa Twitter—I told her that.

“At saka hindi na yata siya nagtu-tweet ngayon, e, but I stopped [following her] because I couldn’t stand it.

“Alam mo naman kasi, may psychology ‘yang bashers, e. Pag pinatulan mo ‘yan, mas dadami ‘yan.

“Ako sa Twitter, may mga basher ako, iba-block mo sila, hindi ba?

“Kung minsan naman, may mga taong walang magawa sa buhay, walang pinakamadali sa mundo kundi mamintas, e.

“Para sa akin, lalo na kung malapit sa akin yung tao at saka nakikita ko na kinukuyog, tapos sumasagot pa siya, masakit, e.

“Minsan sinabihan ko na siya, e… sinabihan ko na siya na itigil na niya, e, hindi mo naman mapagsasabihan yun—matanda na siya, ‘no!

“I mean, there are so much better things for her to do than that, di ba?

“Alam ko, nakaka-adik ang Twitter. Ako, adik ako ng Twitter, pero isipin ninyo, ilang gulo ang nangyari ngayon dahil sa Twitter!?

“Isipin ninyo at bilangin ninyo kung ilang kontrobersiya ngayon ang nagmula sa Twitter, whether it is the Barrettos, hindi ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang dami-daming galing sa Twitter! So, dapat hindi ba ay hinay-hinay lang?

“Si Martin [Nievera], hindi ba?

"Yung kung minsan kasi, yung napaka-emotional mo, gusto mong ilabas yung damdamin mo, itu-tweet mo.

“E, yun pala, before you know it, nagsimula ka na ng napakalaking sunog.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN