Senator Gringo Honasan thinks his life will not make a bankable movie


Isa si Senator Gringo Honasan sa mga napiling iendorso ng film producer na si Mother Lily Monteverde ngayong nalalapit na eleksyon.

Sa katunayan ay nagpa-presscon pa ang Regal Films matriarch noong May 7 sa Imperial Palace Suites, Quezon City, para sa seasoned senator.

Pag-amin ni Mother Lily sa entertainment press, isa ang general turned politician sa kanyang mga crush.

Isa nga raw sa patunay ng paghanga niya rito ay ang pag-produce niya ng pelikulang Kumander Gringa noong 1987, starring Roderick Paulate.

At kahit bakla ang portrayal sa kanya sa pelikulang ito, natatawa pa ring nagpasalamat si Gringo.

Aniya, nakatulong ito sa pagtaas ng kanyang popularidad.

"At that time, during the campaign period, I think I gained a lot of votes because of that movie.

"For me and my family, that movie was additional exposure," sabi ni Gringo.



HIS OWN MOVIE. Nang ma-discuss ang Kumander Gringa ay hindi na pinalampas ng press na itanong kung interesado ba si Gringo na isapelikula ang kanyang buhay.

Kung iisipin, mukhang magiging maaksyon ang pelikulang maaaring gawin sa buhay ni Gringo, dahil sa dati itong sundalo at dahil instrumental ito sa pagpapatalsik kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa puwesto.

Isa rin ito sa mga nagsagawa ng coup laban kay dating Pangulong Cory Aquino.

Ngunit pahayag ni Gringo, mukhang hindi magiging mabenta ang pelikulang hango sa kanyang buhay.

Paliwanag niya, "Ang punto ko lang ho is that I will not be competent.

"Dahil ang pinagdaanan namin, yung grupo namin, wala doon sa action, e. Yung inaasahan nating bebenta sa takilya."

Aniya, hindi mapopokus ang kuwento sa aksyon at barilan, kundi sa drama.

"Ang istorya namin, e istorya ng mabibigat na desisyon katulad ng... akalain mo e nagpaplano kami na lusubin yung Malacañang at lusubin sina former President [Marcos] para iharap sa taumbayan.

"E, siya po yung nagbigay ng ranggo ko nung kadete ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, nagdurugo po ang puso namin nun dahil lulusubin namin, e, kung mamatay po yun?

"Yun ang drama na... siguro kayo ang makapagsasabi kung paano ito ika-capture on film. Yung bigat po ng desisyon na."

INDUSTRY PROBLEMS. Itinanong din ng entertainment press kay Gringo kung may plano ito para sa movie and TV industriy.

Pahayag naman nito, alam niyang may mga isyung kailangang resolbahin sa industriyang ito ngunit kailangan munang maging organisado ang mga
miyembro nito.

"Sa tingin ko kapag nakapag-organize tayo, it will be a major force for change.

"Alam mo naman ang mga kababayan natin, they want to be relieved from their daily challenge of keeping body and soul together.

"So, napakalaki ng ginagampanan ninyo," sabi niya.

Iba-iba raw kasi ang problema ng industriya, kaya’t mabuti kung makapag-organisa ang lahat.

Paliwanag niya, "Ang kuwento sa akin ni Direk Joel [Lamangan], may sektor sa entertainment industry na nakakalimutan—yung mga cameramen, stuntmen, mga ordinary drivers.

"Ang importante ho rito e maasikaso sila, pero ang requirement dito e they must all be organized so that they can speak with one voice.

"Ang katanungan kasi palagi ng gobyerno e, ’Who speaks for you?’ Kung minsan e ang dami nang nagsasalita.

"Mag-lobby kayo, pumunta kayo, mag-rally, peaceful rally. That’s part of the democratic process.

"Once we call you for a hearing para malaman kung ano talaga ang nilalaman ng inyong advocacy, what your proposals are, then we’re expecting you to speak with one voice—performers, artists, directors, cameramen, stuntmen.

"Para we can make the appropriate laws to amend the proper laws."

At isa nga raw sa mga nais niyang tutukan ay ang pagre-regulate sa foreign films.

"Paano magko-compete ang local films kung hindi natin mare-regulate ang foreign films?

"At I don’t think they are competitive technically, but ’story-cally.’ Napakayaman ng kultura natin para... we can convert this to be marketable films and productions.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But what do I know about the industry? That’s why you need to help us out," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN