Vice Ganda says his statement about Nancy Binay is "a mere mention of a fact"

Sagot ni Vice Ganda sa pahayag ni Nancy Binay tungkol sa kanyang political background: “Ang sinasabi niyang baka hindi ko na-appreciate na nagsilbi siya sa kanyang nanay or sa kanyang tatay, paano ko maa-appreciate kung nagsilbi man siya sa kanyang nanay or tatay, ang nakinabang noon, yung nanay at tatay niya dahil doon siya nagsilbi.”


Patuloy pa ring ipinagdidiinan ni Vice Ganda na hindi siya impressed o bilib sa track record ng senatoriable na si Nancy Binay.

Sa ulat ng abs-cbnnews.com kahapon, May 9, ipinaliwanag ni Vice kung bakit hindi niya na-appreciate ang pagtatrabaho ni Nancy noon bilang personal assistant ng kanyang mga magulang.

Saad niya, “Ang sinasabi niyang baka hindi ko na-appreciate na nagsilbi siya sa kanyang nanay or sa kanyang tatay, paano ko maa-appreciate kung nagsilbi man siya sa kanyang nanay or tatay, ang nakinabang noon, yung nanay at tatay niya dahil doon siya nagsilbi.”

Si Nancy ay anak ni Vice President Jejomar Binay at dating Makati Mayor Elenita Binay.

Dagdag pa ni Vice, wala pa namang napatunayang nakapagsilbi na si Nancy sa mamamayang Pilipino para makuha nito ang kanyang boto.

“Wala pa naman siyang pinagsisilbihan sa mga Pilipino.”

Idiniin din ni Vice na nirerespeto niya ang karapatan nitong tumakbo sa halalan.

“May karapatan naman talaga si Nancy Binay na tumakbo bilang senador."

Pero dagdag niya, "May karapatan din naman akong ihayag ang damdamin ko dahil mayroon po tayong Freedom of Expression na nakahayag sa Article 3, Section 4 of the 1987 Revised Constitution of the Philippines.”

Ayon pa sa komedyante, ang kanyang mga sinabi ay hindi patutsada laban kay Nancy kundi "a mere mention of a fact."

Sinabi pa ni Vice na siniseryoso talaga niya ang eleksyon dahil ito lang ang panahon na ang mga tao ay makakapamili ng gusto nilang maging lider at mamuno sa gobyerno.

Aniya, “Kasi mayroon akong malaking obligasyon, e.

"Hindi ko na nga sinasabi sa buong mundo o sa Pilipinas, pero ako nagbabayad ako ng buwis kaya kailangan ko din naman pangalagaan kung saan mapupunta ang buwis na ibinabayad ko.”

Dagdag pa ni Vice, “Mayroon akong mga pamangking maliliit. Hindi ko isasaalang-alang ang mga pamangkin kong maliliit sa mga buwitre or sa mga taong maaaring mang-abuso sa mga pamangkin kong maliliit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya inaayos ko ang pagboto ko, inaalagaan ko ang pagboto ko.

"Sa pamamaraang alam ko, hinihikayat ko ang mga taong bumoto nang tama.”

Matatandaang nag-ugat ang isyung ito sa presscon ni Vice para sa kanyang concert early this week, kung saan tinanong siya kung may plano ba siyang pumalaot sa public service.

Sagot niya, "Gusto ko president ako agad.

“Yung wala kang background, pero mataas agad, parang yung mga pulitiko lang ngayon. Walang background, pero senador agad."

Sa hirit na tanong kung may pinapatungkulan ba siya sa statement niyang ito, tugon ni Vice: “Sila Nancy Binay, sino pa ba?"

(CLICK HERE to read related story.)

Sa panayam naman ng media kay Nancy kahapon, sinabi nito na nirerespeto niya ang opinyon ni Vice dahil karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng malayang pamamahayag.

Pero dagdag ni Nancy, “At the end of the day, he has just one vote, di ba?

“Kaya nga patuloy lang po yung pangangampanya natin para manligaw pa tayo ng mga ibang taong puwede pa pong bumoto sa akin.”

(CLICK HERE to read related story.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN