Joey Reyes on new breed of stars: "Hindi sapat iyong cover ka ng magazine at nara-writeup ka… hindi iyan ang sukat ng isang magaling na artista."

"Ma-realize din sana ng mga artistang namamayagpag ngayon na hindi sapat iyong cover ka ng magazine at nara-writeup ka… hindi iyan ang sukat ng isang magaling na artista… Iyan ang sukat ng isang sikat na celebrity, pero iba iyon sa magaling na artista," pahayag ni Direk Joey Reyes.


Sa patuloy na pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Direk Joey Reyes, ibinahagi niya ang kanyang pananaw sa estado ng industriya ng Pelikulang Pilipino.

Mayroong panahon na sinasabing nanghihingalo o patay na ang local movie industry. Paano ito ilalarawan ni Direk Joey ngayon?

Aniya, “It could still be better, you know?

"Sana mas marami pang tao ang mag-produce na hindi lamang iisang uri ng pelikula ang gawin nila, di ba?

“Maganda yung mga ‘yan. I’m glad that there is an Anne Curtis, di ba? Because I love Anne Curtis.

“I’m glad that there is a Vice Ganda, who really keeps the commercial movies alive.

“But there should be more, there should be more options.”

Paliwanag pa ni Direk Joey, “Alam mo ang nakakatawa niyan, ano?

“Iyong mga edukado raw ay minamaliit ang commercial [films] ng Filipino.

“E, sino pa ba ang nakakapanood ngayon ng mga pelikula kundi mga edukado?

“Hindi naman masa ang nakakapanood niyan, e. So, dapat lang, kailangan ay mas may variety.

“At sana mas marami pang producer, at sana ang mga producer ay hindi lamang yung may-ari ng mga TV stations.”

Sa palagay ba niya ay medyo bumubuti na ang lagay ng movie industry ngayon?

“Hopefully, and hopefully with the improvement of our economy, mas gaganda rin ang ating movie industry.

“Kulang pa lang ang suporta ng pamahalaan.

“Tingnan mo itong nangyari sa Cannes, ni walang perang padala yung mga tao sa Cannes.

“Hindi naman kasalanan ng FDCP [Film Development Council of the Philippines] ang nasa budget nila, hindi ba?

“Kailangan pang magpalimos para mapadala mo yung mga direktor na iyan sa Cannes Film Festival,” naiiling na wika niya.

Sa isang report ng PEP ay napag-alamang nagbigay ng malaking halaga si Governor Vilma Santos para sa mga direktor ng mga nakasamang pelikula sa Cannes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Direk Joey tungkol dito, “Kung si Vilma man yun, hindi ako nagtataka.

"Dahil kasi si Vilma ay may malasakit ‘yan dahil bahagi siya ng industriya.

“Hindi sapat na mayroong Metro Manila Film Festival, hindi ba, na nakikita na may porsiyento ang gobyerno, di ba?

“Hindi sapat na i-exempt mo ang tax. Kailangan na i-encourage mo na mas gumanda ang pelikula, hindi lamang iyong mas kumita.”



INDIE FILMS. Ang ilan sa pinakasikat na artista tulad nina Nora Aunor at Vilma Santos ay sumasabak na rin sa indie films. Ano kaya ang epekto nito sa movie industry?

Tugon ni Direk Joey, “Good!

“And sana, makita ng mga mainstream directors na ang mga artista, iyong mga tunay na artista at hindi lamang iyong mga nagpapaka-celebrities, ha?

“Iyong mga tunay na seryosong artista na naghahanap at takaw na takaw, gutom na gutom sa magagandang roles, na hindi mabigay ng …

“Ano naman kasi ang ibibigay mo kay Nora? Alangan namang ka- loveteam iyan o gawin mong nanay iyan ng ano… wala kang mahihita, e.

“Pero sa indie, may gagawa iyan, andiyan ang Ang Kuwento Ni Mabuti.

“Nabasa ko ang script ng Ekstra [first indie film ni Vilma] dahil nasa screening committee ako ng Cinemalaya.

“Talagang nayanig ako sa idea na si Vilma Santos ang lalabas sa role na ekstrang inaapi sa set na kumakain ng ano…

“‘Hanep!’ sabi ko, ‘Ang ganda nito!’

“At ma-realize din sana ng mga artistang namamayagpag ngayon na hindi sapat iyong cover ka ng magazine at nara-writeup ka… hindi iyan ang sukat ng isang magaling na artista.

“Iyan ang sukat ng isang sikat na celebrity, pero iba iyon sa magaling na artista.”



INDEPENDENT. Konektado ngayon si Direk Joey sa TV5, kaya tinanong namin siyang kung masaya ba siya rito.

Aniya, “Ako, I appreciate the work I’m given here because I’m given the freedom to work here and I’m appreciated here.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, darating naman sa punto ng career mo na hindi yung how much they pay you, but how much they appreciate you.

“And sa ngayon, I really am very thankful that they appreciate me for what I can do.”

Kasama ni Direk Joey sa showbiz talk show na Ang Latest. Kumusta na ang show?

“Masaya… alam mo, ito kasi ang pinaka-regular na show ko sa ngayon, e.

“Dalawa lang ang ginagawa kong regular, e—itong pagtuturo ko sa La Salle na once a week at saka itong Ang Latest.

“Then occasionally, nagta-Talentadong Pinoy ako.

“So ito, hindi trabaho para sa akin ito, e.

"Iyong the mere fact na nandito ako na ang saya-saya ng mga tao…

“Maganda naman ang feedback. I mean, wala naman kaming mga artistang pinoprotektahan, e.

“So, nasasabi namin ang mga gusto namin at hindi kami pumi-PR.

“Kung may pumi-PR, nagpo-promote kami ng show.

"Pero kahit naman taga-TV5 ang artista ay binabanatan namin, e.

“So, yun ang advantage namin, na wala kami sa payroll.”



ENOUGH. Ano ang unsolicited advice ni Direk Joey sa TV5 para mas lalong mapalakas pa ito?

“Isang salita lang—direksyon. Yun lang…

"Harinawa… sana lang ay magkaroon ng direksyon!” natatawang sabi niya.

Dagdag niya, “Siyempre may mga nanganganay at pag nanganganay ka, may mga pagkakamali ka.

“Pero I think, ang tatlong taong pagkakamali ay sapat na."

Masasabi ba niyang kasama sa tatlong taong pagkakamali ang sobrang laking talent fee sa ilang artistang hindi naman daw karapat-dapat?

“May nagkuwento nga… ang sabi raw, e, may ibang taga-kabilang network na natutuwa na may Channel 5… dahil binigyan daw ng retirement plan yung mga artista nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN