Enchong Dee on alleged confrontation with Xian Lim: “It’s just another case, another issue that was blown out of proportion.”

Enchong on his feelings for Julia Montes: “I don’t think mawawala yun, kumbaga naging parte siya ng buhay ko, naging parte kami ng buhay ng isa’t isa, mahirap alisin yun. Magsisinungaling ako pag sinabi kong wala na, kinalimutan ko na siya, ganun.”


Pagkatapos ng nabalitang alitan sa pagitan ng rumored lovers na Enchong Dee at Julia Montes kung saan hindi nga dumalo ang aktor sa nakaraang debut ni Julia, muling magkakasama ang dalawa sa teleseryeng Muling Buksan Ang Puso ng ABS-CBN.

Powerhouse cast ang ipinagmamalaki ng nasabing serye kung saan makakasama nila ang dalawang reyna ng Philippine movie industry na sina Ms. Susan Roces at ang nagbabalik na si Ms. Amalia Fuentes.

Aminado naman sila Julia at Enchong na excited sila sa proyektong ito na tiyak na aabangan ng mga manonood.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Enchong sa nakaraang photoshoot ng nasabing serye nung nakaraAng Lunes sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife sa Quezon City.

REKINDLING THE FEELING. Agad naming tinanong ang aktor kung ang pagsasama ba nilang ito ni Julia ay nangangahulugan lang na muli na nilang binuksan ang kanilang mga puso sa isa’t-isa?

“Siguro maraming tao ang magsasabi na saktong-sakto naman yung title pero siguro maganda lang isipin na nandito kami, siguro yun na yun.

“Kung paano kami nakikita, muli naming binuksan ang puso namin to be together, heto na yun,” makahulugan niyang pahayag.

Hiningan agad ng pahayag ang aktor kung wala ba siyang naramdamang pagkailang sa pagitan nila ng rumored girlfriend lalo na sa una nilang pagkikita at pagsasama.

“Siguro noong una pero sabi ko nga nakaka-miss din yung pagsasama namin... nakaka-miss yung ganito na halos araw-araw magkakasama na uli kami.

“Yun yung parang excited ako, looking forward ako kasi isa yun sa mga bagay na ang tagal ko personally winish [wished], na sana we can work together and now it was given to us. Why make it get away, di ba?

“Ang pinakamaganda dito pareho kaming nagbukas ng pinto para mag-usap, maging maayos ang lahat and ako sobra akong masaya doing this, starting this project knowing that everything is super okay,” pag-amin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TAKING IT SLOW. Open book naman na nagkaroon sila ng espesyal na relasyon noon. Masasabi kaya ni Enchong na maaaring ito na ang simula para maibalik ang dati nilang samahan ng young actress?

“Siguro masyadong maaga para sa ganun. Siguro ngayon masaya lang kami doing a project together. Basta unti-unti lang,” saad niya.

Nagpakatotoo rin at inamin ng aktor na hindi nawala kahit kailan ang espesyal na damdamin niya para kay Julia.

“I don’t think mawawala yun, kumbaga naging parte siya ng buhay ko, naging parte kami ng buhay ng isa’t isa, mahirap alisin yun. Magsisinungaling ako pag sinabi kong wala na, kinalimutan ko na siya, ganun,” dagdag pa niya.

Nagkasama sila dati sa Reunion at The Strangers—ang kauna-unahang serye na pagtatambalan nila.

“First time sa teleserye, first time sa drama, iba ang atake siyempre, kung saan ko sila kasama comedy, the other one is horror so parang heto ngayon parang kapaan din kami.”

“Story presentation, we had our story presentation and every now and then may slight changes but yung body alam na namin how it will flow,” kuwento ni Enchong.

Napapanood din sa seryeng Ina, Kapatid, Anak kung saan malaki ang role niya bilang si Ethan, hindi raw kaya maapektuhan ang role ni Enchong dito ngayong kasabay niyang ginagawa ang Muling Buksan ang Puso?

“I am still doing IKA, tatapusin namin kung ano ang nasa istorya,” pagklaro niya.

MISUNDERSTANDING WITH XIAN. Kunumpirma mismo ni Xian Lim na nagkaroon ng tensyon sa set ng IKA dahil sa pagdalaw ng mga fans nila ni Kim sa set ng nasabing serye.

Inamin din ni Xian na nagkaroon sila ng di pagkakaunawaan ni Enchong sa nangyari pero agad din naman itong naayos—bagay na agad namang sinang-ayunan ng huli.

“More often than not, ang kuwento sa showbiz kung hindi nadadagdagan, nababawasan and for this case nasobrahan siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako, I can say, I can answer it with a straight face na okay kami, it was just blown out of proportion.

“Nag-usap kami pero walang sigawan. Kaya sabi ko nga it’s just another case, another issue that was blown out of proportion that was totally added by a lot of word of mouth.

“Wala ring tension kasi after naming mag-usap okay na ulit. Usapang lalake yun, tapos na.

“Almost two years na kaming working together and di puwedeng masira yun dahil lang sa isang maliit na bagay,” pagtatapos niyang paliwanag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN