Jake Ejercito on joining showbiz: “Ayoko pilitin, hindi naman tayo marunong umarte.”

Jake on his dad Erap, who’s currently running for Manila mayor: “My father became mayor, senator, vice president and president, and you all know how he always loved the poor. Erap may die and be resurrected but he can never repay his debt to the poor.”


Marami ang nagulat na sa isang campaign rally ni former President Joseph Ejercito Estrada, na tumatakbo bilang mayor sa Maynila, ay dumating at nagpasaya ng mga tao ang kanyang kontrobersyal na anak (from former actress Laarni Enriquez) na si Jake Ejercito.

Bigla ngang napagpistahan sa showbiz itong si Jake dahil sa kanyang romantic involvement sa aktres na si Andi Eigenmann.

Kung matatandaan ay naging kontrobersyal ang kanyang relasyon kay Andi hanggang sa nagkahiwalay sila.

Sa pagkakataong ito ay hindi ang controversy niya sa showbiz ang nais niyang asikasuhin kundi ang pagbigay niya ng suporta sa kanyang ama sa paraan na alam niya.

Sa naganap ngang campaign rally sa Tondo, Manila kamakailan, nakita nga si Jake na nakikisaya sa isang nagaganap na rap battle sa naturang distrito.

Kinatuwa ng mga maraming sumusuporta sa pagka-mayor ni Estrada ang presence ni Jake. Karamihan kasi na nandoon sa campaign rally ay first time na makita si Jake in person at hangang-hanga sa kaguwapuhan nito.

Kinumpara pa nga si Jake sa dalawa nitong nakatatandang kapatid na sina Senator Jinggoy Estrada at Congressman JV Ejercito (na tumatakbo namang senador) dahil mestizo nga siya, samantalang moreno ang dalawang kuya niya.

Nagbiro nga si Jake sa crowd na huwag silang magtaka kung bakit iba ang kulay ng balat niya sa kanyang dalawang kuya. Ito’y dahil pareho raw sa gabi ginawa sila Jinggoy at JV, samantalang sa umaga naman daw siya ginawa.

Sa kanyang maikling talumpati ay lalo pa niyang ipinagbida ang mga accomplishments at ang pagka-pro-poor ng kanyang ama.

“Napag-iiwanan na po tayo ng mga karatig-lungsod at karatig-bayan tulad ng San Juan, Caloocan at Navotas kaya po sana… sana po ihalal niyo siya.

“Subok na subok na si Erap Estrada, pinanganak siya dito sa Tondo, sa Manuguit Maternity hospital. Sumikat siya dito sa Tondo, nang ginampanan niya ang Robin Hood ng Tondo, si Asyong Salonga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“My father became mayor, senator, vice president and president, and you all know how he always loved the poor.

“Erap may die and be resurrected but he can never repay his debt to the poor,” pagmamalaki niyang saad.

BACK TO LONDON AFTER ELECTIONS. Pagkatapos nga raw ng election at kapag na-declare na ang mga opisyal na mga nanalo, babalik nga agad sa London si Jake para sa kanyang pag-aaral ng political science at business management.

Tungkol naman sa kanyang pagpasok sa showbiz, may approval na nga raw mula sa kanyang ama kung maisipan nga nito na mag-artista rin.

“That’s the first time he said that, but for now, I’ll focus on my studies. By June next year, I’ll be back. Tingnan na lang natin from there.

“Actually, when I was a kid gusto ko rin, kasi I can’t deny it, because both my parents were from showbiz.

“Pero ngayon hindi ko na masyado iniisip. I mean, andiyan na si Julian [Estrada], baka mas kaya niya. Ayoko pilitin, hindi naman tayo marunong umarte,” mapagkumbaba niyang pag-amin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN