Julia Montes on rekindling her feelings for Enchong Dee: “Walang kailangang ibalik kasi wala namang nawala.”

Julia on Enchong’s remark that he wants to bring back their level of closeness before: “Tingnan na lang natin kasi siyempre di naman ako, e. Kung ano ang sinabi niya, tingnan na lang natin. Wala naman kasing pinto na isasara.”


Sa past interview ni Julia Montes sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ilang buwan na ang nakakalipas, ramdam na hindi naging maganda ang kinauwian ng sinasabing espesyal na relasyon nila ng rumored boyfriend na si Enchong Dee.

Pinatibay pa ito noong hindi dumalo ang aktor sa nakaraang debut ni Julia last March kung saan inasahan nga ng iba na kahit sa kabila ng di pagkakaunawaan ng dalawa ay maaaring may partisipasyon pa rin sa nasabing okasyon.

Ngayong magkapareha sila sa seryeng Muling Buksan Ang Puso, hiningan ng komento si Julia ng PEP at Cinema News sa nakaraang photoshoot ng nasabing serye noong nakaraang Lunes sa Ninoy Parks and Wildlife.

REKINDLING FEELINGS FOR ENCHONG. Dito namin itinanong sa kanya kung maari bang dito na magsisimula ang muling pagkakalapit nila ni Enchong

“Hindi naman nawala yung friendship... gaya ng sinasabi namin wala namang nawala, wala namang naputol... so hayun.”

“Wala naman, masaya kami kasi nakatrabaho namin ang isa’t isa. Iba yung dun sa Shoutout noon, iba yung trabaho namin, iba ang gagampanan namin, ito may role kaming gagampanan. Excited lang,” panimula niyang bungad.

Tinanong din namin si Julia kung maaari raw kayang maibalik ang dating malalim na samahan nila ng aktor lalo’t nagbitaw ng salita si Enchong na uunti-untiin daw niyang mapalapit muli sa kanya?

“Hahaha, let’s see, siyempre di ko pa alam. Wala naman din kasing nawala sa friendship, yun ang lagi kong sinasabi. Walang kailangang ibalik kasi wala namang nawala.”

“Tingnan na lang natin kasi siyempre di naman ako, e. Kung ano ang sinabi niya, tingnan na lang natin. Wala naman kasing pinto na isasara,” dagdag pa niya.

Ano raw kaya ang unang reaksyon ni Julia nang ialok sa kanya ang nasabing role kung saan kapareha nga niya si Enchong?

“Masaya, kasi unlike nga, before di naman kami loveteam and dito iba rin yung role namin, iba rin yung atake ng bawat karakter sa isa’t isa. Yun ang dapat nilang abangan,” diin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FOCUS ON WORK, NOT LOVE. Bagamat sinabi ni Julia noon na pagtungtong niya ng 18 anyos ay magiging bukas na siya sa pangliligaw at pakikipagrelasyon, tila mas binibigyang pansin pa rin niya ngayon ang kanyang trabaho kaysa sa kanyang love life.

“Di naman kasi mabe-base yun sa age, siyempre nasa ano din yun. Masaya kami kasi yun nga, nabibigyan kami ng opportunity ng ABS, ng Dreamscape, ng Star Magic.

“Kumbaga, mas focused kami sa work namin at masaya kami kasi kami ang napagkatiwalaan ng ganitong opportunity,” paliwanag ng dalaga.

Para kay Julia ang kakaibang rapport at pagkakaibigan nila nila Enchong at Enrique Gil ang higit na nagpahusay ng pagganap nila sa kani-kanilang mga karakter.

“Yes, ang okay kasi sa amin nag-start kami sa Shoutout, super fun, teens tapos nag-move kami sa movies. Ano na naman ang isa’t isa, yung atake namin sa isa’t isa, ibang-iba. Bawat isa, iba-iba ang rapport at yun ang maganda kasi barkada kaming tatlo,” kuwento pa niya.

Sa ngayon ay sobrang inspirado si Julia sa proyektong ito na pinagkatiwala sa kanya ng Kapamilya network kahit pa nga nandun ang pressure lalo’t bukod sa naging mainit ang pagtanggap ng tao sa Walang Hanggan ay sobra ring tinangkilik ang tambalan nila ni Coco Martin.

“Sobrang masaya and sobrang blessed, gaya ng sinabi ko Walang Hanggan pa lang pinagkatiwalaan na ako sa role ni Katarina, sobrang big deal na sa akin... tapos heto nasundan pa ng susunod na proyekto. Sobrang happy, unexplainable na happiness, yun lang.”

“Siyempre for me yung pressure natural at normal na nararamdaman ko, kailangan kong matakot pag di ko nararamdaman ang pressure na yun.

“As of now nararamdaman ko pa rin yung pressure... heto bagong kasama, bagong story, panibagong story line yung tatakbuhin ng istorya. Ang daming pressure pero more of excited talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORKING WITH SCREEN LEGENDS. Kasama sa nasabing serye ang mga tinaguriang Reyna ng Movie Industry na sina Ms. Susan Roces at Ms. Amalia Fuentes.

Ang mabigyan ng ganitong pagkakataong makatrabaho ang nasabing local film icons ay katuparan ng isa sa mga pangarap ng isang baguhan sa industriya katulad ni Julia.

“Masaya, para siyang dream come true. Sabi ko nga masarap katrabaho ang mga veterans, hindi lang kada show, kada eksena natututo ka.

“Hindi lang eksena... off-cam may matutuhan ka sa kanila. Yun ang pinaka-excited ako at nilu-look forward ko,” masaya niyang pag-amin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN