Kris Aquino saddened by Vice Ganda-Nancy Binay row

Kris on Vice Ganda’s political opinion: “Alam mo kami ni Vice, may respetuhan. I think the reason we’ve stayed this close for the past four years is because Vice respects my opinion, and I respect his opinion. Kaming dalawa, we’ve stayed the best of friends dahil may tiwala kami sa isa’t isa at hindi kami nakikialam sa isa’t isa, sa mga gusto namin sa pulitika.”


Nalulungkot daw si Kris Aquino sa bangayang naganap kamakailan sa pagitan ng kaibigang si Vice Ganda at UNA senatorial candidate na si Nancy Binay.

Sa panayam sa Queen of All Media ng abs-cbn.com na lumabas ngayong araw, May 11, ayaw daw magsalita ni Kris tungkol sa isyu dahil takot daw ito kay Vice.

Natatawa niyang tugon, “Yeah nga, e... how sad. Takot ako kay Vice, kaya ayoko na magsalita, baka ako naman ang awayin niya.”

Seryosong dagdag naman ni Kris tungkol sa mga nasabi ni Vice tungkol kay Nancy, “Alam mo kami ni Vice, may respetuhan. I think the reason we’ve stayed this close for the past four years is because Vice respects my opinion, and I respect his opinion.”

“Kaming dalawa, we’ve stayed the best of friends dahil may tiwala kami sa isa’t isa at hindi kami nakikialam sa isa’t isa, sa mga gusto namin sa pulitika.”

KRIS AS MEDIATOR? Maari kaya siyang mamagitan between Vice at kay Nancy dahil close naman siya kay Mayor Junjun Binay na kapatid ng senatoriable?

Sagot ni Kris, “Ay, wag na, kasi galit na sila ano... parang feeling ko kasi, they don’t have to be close."

VICE PROMISES TO SUPPORT KRIS IN 2016. Nagpasalamat naman si Kris kay Vice sa binitawan nitong pangako na 100 percent itong tutulong sa kanya kung matutuloy ang balak nitong pagsabak sa pulitika sa 2016.

Natatatawa pang banggit ni Kris, “Thank you kay Vice dahil sabi niya na pag ako ang tatakbo, 100% ang suporta niya, so sana pati yung pondo manggaling kay Vice.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN