Lolit Solis on Marian Rivera and Martin Escudero dropping Popoy Caritativo as manager: “Ang importante ay maayos silang naghiwalay.”

Lolit Solis on the ideal relationship between manager and talent: “Walang perfect formula sa pagma-manage ng artista pero between you and yung alaga mo, dapat andun yung respeto... yung trust. Kasi parang magkakaroon ka ng discontent like hindi naman kumpleto yung trust mo, hindi naman kumpleto ang respeto mo. Parang mag-asawa yan, e. Kailangan may tiwala.”


Kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, May 11, ang opinyon ng isa sa mga top and respected showbiz managers ng bansa na si Lolit Solis—na mas kilala sa tawag na Nanay Lolit—tungkol sa relasyon ng isang manager sa kanyang mga alagang artista and vice versa.

Naging malaking isyu kasi nitong mga nakaraang araw ang tungkol sa pag-alis ni Marian Rivera at Martin Escudero sa poder ng kanilang manager na si Popoy Caritativo.

Sari-saring mga haka-haka ang namumuo sa isipan ng publiko tungkol sa tunay na dahilan ng hiwalawang ito.

Simulang pahayag ni Nay Lolit, “Karapatan nila yun. Kaya nga sabi ni Douglas [the late Douglas Quijano, isa rin sa respected talent managers sa showbiz], kaya wala nga kaming kontrata, e.

“Kung gusto nilang umalis, pabayaan mo. Bakit mo pipigilan ang isang tao na ayaw sa ’yo?

“Ngayon, ang ano ko lang... kahit anong ka-plastikan ng ibang managers na sabi nila ay balewala, nasasaktan ang mga yan.

“Parang ano yan... inaalagaan mo mula pagkabata tapos iiwanan ka... ang sakit.”

Dugtong pa niya, “E, ako? I sympathize with the manager pero care ko din naman. Pero, iniisip ko din, baka may dahilan siya kaya ayaw na niya.

“Kasi, actually kami, empleyado lang ng mga artista, di ba? Sila ang nagpapasuweldo sa amin.

“Kaya kung ganun ang mangyari, may mga araw naman na pinagsamahan kayo, maligaya kayo, naging magkaibigan naman kayo, lahat naman ay nag-e-end, e.

“Kasal nga, nag-e-end, e. Yung pang ganitong relasyon, di ba?”

RELATIONSHIP BASED ON TRUST. Bakit nga ba kapag kumakalas ang mga artista ay laging may duda sa mga manager; na parang laging tungkol sa pera ang nagiging dahilan?

Paliwanag ng haligi sa pagma-manage, “Kasi nga ang manager ay may fraction in everything.

“Tapos, bigla mong maririnig na biglang nagkahiwalay, wala ka naman ibang naiisip na ibang dahilan...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kinukuhanan mo naman ng trabaho.

“Kaya dun ko nga na-appreciate si Gabby [Concepcion], ang tagal ng pinagsamahan namin at samaan ng loob pero wala siyang binanggit tungkol doon.

“Wala siyang sinabing ang pinag-awayan namin ay sa pera.

“Kasi, ano yun... yung trust system sa inyong dalawa.

Dagdag niyang kuwento, “Si Tonton [Gutierrez], at the time medyo problematic si Tonton, ganun din.

“Sasabihin niya, ’Ikaw na ang magbayad ng ganito, Nay... ikaw na ang magtago ng pera at ng tseke.’ Ganun.

“Kaya nga magdududa ka na baka yun nga ang pinag-awayan kasi sa sobrang trust sa ’yo, yun ang nangyayari.”

Naniniwala ba siya na nasisira ang pagkakaibigan dahil sa wala nang tiwala sa isa’t isa?

“Nai-strain,” madiin niyang sabi. “Pero, hindi naman talaga nasisira.

“Minanage [managed] si Janice de Belen during nung time na sila ni Gabby. Tapos, nawala sa akin, napunta kay Douglas.

“Pag nagkikita kami, wala lang. Magkaibigan pa rin kami. Sasabihin niya, ’Nanay ko ’to... tsu tsu tsu.’ Wala, ganun talaga.

“Minsan ay sasama ang loob mo, magtatampo ka pero later ay mare-realize mo na, ’ay, siguro mas maganda nga ang magagawa ng sa kabila.’

Sabi pa niya, “Kaya nung si Yasmien Kurdi, she was trying to go back pero ang gusto lang daw niya ay pakanta-kanta. Gusto niya mag-recording.

“Sabi ko sa kanya, ’Yasmien, wala akong alam sa recording... sa pakanta-kanta, sa mga concert. Dalawa ang maire-recommend ko, either si Carlo Orosa o si Leo Dominguez.’

“Kaya sabi ko, kung gusto mo, di okay lang. Kaya lang sabi ko sa kanya, maghintay-hintay lang muna siya.

“Hindi puwede na porke’t... di ba? Bigla na lang na ano… o, di ba? Bakit?

“Kung gusto niya si Leo, e, di okay lang.”

PERFECT FORMULA FOR MANAGING? Bilang manager for so many years, may masasabi ba siyang perfect formula sa pagha-handle ng mga artista?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “Walang perfect formula sa pagma-manage ng artista pero between you and yung alaga mo, dapat andun yung respeto... yung trust.

“Kasi parang magkakaroon ka ng discontent like hindi naman kumpleto yung trust mo, hindi naman kumpleto ang respeto mo.

“Parang mag-asawa yan, e. Kailangan may tiwala.”

Indispensable ba ang isang black and white na kontrata?

“Ayokong may kontrata,” pahayag niya. “ Kasi sabi nga ni Douglas. Kung ayaw na sa iyo, di wala.

“Baka mamaya magkaroon ka pa ng breach of contract, di ba?

“Halimbawa ako, kahit naka-contract ako, kung ayaw ko na, mapipilit mo ba ako? Hindi. Kaya magkaka-demandahan pa rin.

“Bakit? Bakit kita hahabulin?”

COMMISSIONS. Napag-usapan din namin ang tungkol sa standard commission or “cut” ng manager sa kanyang hinahawakang artista.

“Wala,” ani Nay Lolit. “Ako kasi ten percent lang ako. Pero may naririnig ako na kumukuha ng fifteen percent, twenty percent, thirty...

“E, kanya-kanyang ano yan, e. Kung kaya mo ba na pumayag ang talent mo, di okay.

“Ganyan lang.”

Kaya nga raw naiintindihan niya ang naging desisyon ni Marian at Martin.

“Ang alam ko, wala namang masamang sinasabi ang dalawa laban kay Popoy,” sabi pa niya. “Siguro naman magkakaibigan pa rin naman sila.

“Ako, naiintindihan ko yung aksyon ni Marian. Kasi, sabi ko nga, desisyon niya yun at hindi naman siya basta-basta umalis sa poder ni Popoy.

“Kung sa tingin niya mas maganda ang plano sa kanya ni Tony [Tuviera, kung saan lumipat si Marian], walang problema dun.

“Ang importante ay maayos silang naghiwalay,” pagtatapos niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN