Dr. Vicki Belo finally puts closure on relationship with Hayden Kho: “There’s no future in our relationship.”

Vicki Belo on why her relationship with Hayden seems futile and pointless: “The love naman will always be there. But sometimes love is not enough to keep you going. Not that I don’t love him. And I think she still loves me.It’s just the age gap. It’s really beginning to take an effect.”


Isa sa mga pinakamakulay at pinakakontrobersiyal na kuwento ng pag-iibigan sa showbiz ay ang kina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho na nagsimula noong 2005.

Sa tinagal ng kanilang pagsasama ay maraming beses ding nababalita ang kanilang mga tampuhan, away at panandaliang paghihiwalay.

Ang pinakamatinding away at paghihiwalay nila ay noong 2010, noong nasangkot si Hayden sa isang sex scandal na naging dahilan ng pagbawi ng Professional Regulations Commission ng kanyang doctor’s license.

Pagkatapos ng ilang buwang paghihiwalay ay muling nagkasundo ang dalawa at umabot pa sa isang engagement party noong 2011 pero napunta rin sa wala. Nitong mga nakaraang buwan ay muli silang nakikita sa publiko na tila nanunumbalik ang kanilang pagka-sweet sa isa’t isa.

Bagamat hindi nila inaaming nagkabalikan na silang muli, marami ang nagtataka tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Kung babasahin muli ang mga panayam kay Hayden ay masasabi na silang dalawa na nga uli.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Phiilippine Entertainment Portal) si Vicki Belo kahapon, May 11, sa studio ng Startalk TX sa GMA-7 at dito niya inihayag ang rebelasyong ito na nagpapatunay sa totoong estado ng kanilang relasyon ni Hayden.

Bungad na kuwento ni Dra. Belo, “We were trying to see something, pero, it was meant to be. So, we decided to be just be friends.

“Oo, before, wala naman akong confirmation na nagkabalikan kami kasi parang alanganin.

“Siya [Hayden] kasi, he wants to pursue other things – showbiz career, Hayden cologne – I think it’s time na rin...

“It’s time na rin for him to get married and have kids. I told him that.

“Ako naman, how can I? I can’t have kids anymore.

“So, it’s better na lang to stay as friends.

“Right now, I don’t know... I think he’s dating. He’s going out already. He should be fine.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO FUTURE. Ano nga ba ang pinaka-dahilan ng pagtuldok nila sa kanilang relasyon?

“Basta, we decided,” mariing sinabi ng founder ng Belo Medical Group. “Siya kasi, he loves children.

“And there’s no future in our relationship.

“Ang dami na naming pinagdaanan. So, parang…

“Sometimes it’s time for you to grow apart and have different priorities in life.

“So, ganun siguro ang nangyari.”

AGE GAP. Hindi naman daw nawawala ang pag-ibig na minsang namagitan sa kanilang dalawa. Pero matindi ang dahilan para magdesisyon silang maghiwalay ng tuluyan.

Ani Vicki, “The love naman will always be there. But sometimes love is not enough to keep you going.

“Not that I don’t love him. And I think he still loves me.

“It’s just the age gap. It’s really beginning to take an effect.

“You know, before we were just having a nice time.

“Parang... he’s turning thirty-three on May 20. So, parang he should really have to get his life together.... what he wants...

“And me naman, I’m in a different place already.

“I know it’s gonna be hard.

“Yung love kasi sometimes it’s not enough to carry the relationship through.”

Sabay pabiro pa niyang inunsiyo.

“So, everybody who wants to date Hayden, he’s free.”

Talaga nga bang mutual ang decision na yun o nanggagaling lang sa kanya?

“I think it’s mutual,” wika niya. “We’ve been talking about this over the years.

“’Coz last year naman wasn’t really a…you know, we broke up.

“And we really never got back together.”

Pero ayon sa iba ay gumawa ng paraan si Hayden to win her back.

Pagkontra ng 57-year-old doctor, “We were just talking. I don’t think its a win-win-back-thing.

“Hindi naman to let go.

“Parang it’s not… I mean, what are we gonna do, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I think now he’s becoming more mature to figure things out.

“Kaya nga when people ask, ’Kayo na ba? Kayo na ba uli?’

“Hindi nga ako sumasagot kasi hindi ako sure. Siya naman, sasabihin niya na minsan kami, minsan hindi, so, ang gulo, di ba?

“Kaya ngayon, nag-decide kami na talagang hindi na kami.”

Sa anong paraan ba sila naghiwalay? Through a formal date o sa pamamagitan ng casual talk lang?

Natawa si Vicki, “Wala, walang date.

“We were just talking.

“Sabi ko, “You want children, you want a family, you want to get married. And me naman for legal reasons I can’t be married, I can’t have kids and I’m old.”

“You know, yung problems na yun it comes out once in a while.

“Yung ganun.”

MISSING HAYDEN. Aminado naman siya na nami-miss pa rin naman daw niya si Hayden.

Pag-amin niya, “Yeah, I miss him. But I think it’s time. Eight years na sana kami this May.

“The last time I saw him was last week. Pero, parang wala lang kasi bising-busy din siya,

“He’s going to do an indie film.

“I don’t know what he still wants to do with his life.

“Whatever it is, I wish him luck.

“Sinabi ko na rin sa kanya na huwag na kaming magkita kasi it’s hard if we’re still gonna see each other, di ba?”

Muli naming inalam kung malaking factor sa paghihiwalay nila ang pag-tutol ng anak niyang si Quark Henares sa relasyon nila. Mas civil kasi ang isa pa niyang anak na si Cristalle sa relasyon nila ni Hayden.

Paliwanag niya, “Not at all. Hindi naman siya na nakialam.

“My daughter naman is so sweet kasi alam naman niyang happy ako during those days.

“Actually, they were getting better na, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s not my children, e. And now naiintindihan ko na. Kasi dati, di ba, laging, ’bakit hindi puwede?’

“At lagi kong sagot, ’Why not? There can’t really be true love between an older woman and a younger man?’

“Now, I’ve realized why it can’t really be.

“Unlike kasi sa older man to a younger woman, the younger woman can always have kids. The younger woman can always adjust.

“Pero sa younger guy, he always has drive— a drive to succeed, a drive to be on his own... want to have his own family.

“All these things, hindi ko maibibigay. Ayokong maging hadlang.”

Dugtong pa niya,“For now it could be okey, pero, in the years to come, sasabihin niya na... “O, tingnan mo ang buhay ko—wala akong alam, wala akong…” Yung mga ganun.

“So, I always said naman na when we started this relationship, at the back of my mind, I said to God , I remember na, “God, if I will have him for five years, then, I’ll give him back.”

“Which means, I’ll give him back to society so he can have children and all those stuff.

“But, I was so happy that I asked for an extension.”

Sabi nga raw niya sa Diyos sa paghingi niya ng extension sa relasyon nila ni Hayden, “Sabi ko talaga sa God kasi that time twenty-eight na siya, “God, puwede ba pag thirty-two na lang siya?”

“Tapos, ang nangyari nga ay ang gulu-gulo. Sinabi ko kasi five years lang pero dun na nagsimula ang gulo.

“You know, it’s really hard not to bring also the past into the present and into the future. It’s always part of that.

“Then, yung trust is always a problem.

“Parang napagod lang kaming dalawa dahil sa dami ng issues.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STILL HOPING FOR PERMANENT PARTNER. Aminado naman ang ex-wife ng NU 107 founder na si Atom Henares na nangangarap pa rin siyang magkaroon ng permanent partner in life.

Saad niya, “Yes, I would dream. I would dream.

“I would dream to love and find somebody.

“My greatest fear to is to live alone.

“When my children get married, I want someone naman for companionship but this time, I pray about it.

“I’m not actively looking. Bahala na ang God if I see someone, di ba?”

For Hayden naman, may time ba na sinabihan niya ito kung sino ang babaeng nababagay para sa kanya in his pursuit to have a family of his own?

Nag-aalangang sagot niya, “Medyo mahirap yun. Masakit pa para sa akin.

“Pero, I would have wanted Maricar [Reyes] for him, pero di ba, she’s getting married na ’ata to Richard Poon.

“She’s a wonderful girl.

“So, whoever he finds… maraming applicants kaya walang problema.

“Malingat ka lang, marami nang kumekerengkeng sa kanya.

“Hirap pala ng feeling na ganun na older ka kasi you’re so insecure and I’m not used to being selosa.

“I’m not used to being possessive. It’s not my style.”

Dagdag pa niya, “But I can’t help it. Kasi, ang ano diyan, ang take diyan, yung ibang older women ang sasabihin, ‘Ay, mahilig siya sa older woman, so, puwede ako diyan, puwede akong pumasok.”

“Ang iba kasi, ang ibang women, they don’t learn how to respect a relationship.

“Kaya sabi ko, ’ano ba ito?’ I feel so overwhelmed by it.

“So, wala lang. Nahirapan lang ako, mahirapan din ako.”

ACHIEVEMENTS. Buong akala ng iba nila ay it’s the other way around—na mas nai-insecure ang dating doktor turned model/actor.

Dahil si Vicki Belo nga siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s hard for him din naman, di ba?” paliwanag niya. “ Kasi when I met Hayden, he was really someone.

“In UST [University of Sto. Thomas], he was a doctor. He was an international model. He was a varsity basketball player.

“He was only twenty-five.

“I mean, I have never achieved that thing when I was twenty-five.

“So, in UST, sobra siyang sikat, sobra siyang ina-admire.

“Tapos nung dinala ko siya sa buhay ko, parang naging boytoy lang ni Vicki Belo.

“It was such a big drop.

“Hindi naman ako pipitsugihin. I have my achievements. But in my crowd, ‘Oy, ang guwapo naman ng boytoy ni Vicki.’ Di ba ganun ang tingin sa kanya ng tao?

“Then, he has to keep proving to himself na he loves me to the max. Nakakapagod din, di ba?

“I think, in fairness to Hayden, he was already someone nung naging kami.

“Hindi naman siguro siya na-insecure dahil si Vicki Belo ako.”

MESSAGE TO HAYDEN. Inalam namin sa kanya ang mensahe niya sa kanyang ex-boyfriend.

“Nakangiti niyang pahayag, “I love you, Hayden. I will always love you.

“I wish the best for you.

“Thank you for the many happy years. Iiyak na ako but I don’t want to tell lies.

“I would only remember the good times.”

Naka-move on na ba siya?

Sagot niya na halata pa rin ang lungkot sa mga mata, “I’m hoping. Mahal ko pa rin pero hindi talaga nag-work.

“Nahihirapan na ako. Hindi na puwedeng ipilit yung hindi na puwede.

“Meron pa rin palang ganon.

“Kasi, kay Vicki Belo dati, ’Anything can be done. Kayang-kaya.’

“Pag marami talagang obstacle, nakakaano din.”

Bago pa natapos ang panayam na ito ay may mensahe din siya sa mga gustong pumasok sa isang relasyon.

Nakangiti niyang sabi, “Wish me luck everybody.

“For those who would like to get to a relationship like my age, don’t get somebody younger.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Enjoy, it’s wonderful.

“It’s not a guarantee that there will be no problems ahead, so don’t put all your eggs in one basket.

“Always be ready that sometime it will end.

“Cherish and treasure every moment.”

“Don’t play the field,” dugtong pa niya. “Matanda na ako to play the field.”

“Ayoko na ’atang to play the field. Dati ganun ako, e.

“Pag nade-depress ako, the first thing I do is to shop. And then, date.

“Pero ngayon, I haven’t bought one thing... haven’t got one date.

“Nagma-mature na ako finally,” pagtatapos niyang pag-amin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN