Dani Barretto shows support for mom Marjorie: “I told her to be strong and have faith, that’s it. And this will end.”

Dani on the ongoing Barretto family feud: “Wala kaming pinapanigan kasi siyempre mahal namin sila, pamilya namin sila, wala kaming dapat panigan.”


Kasunod ng pag-amin ng kampo ni Marjorie Barretto sa pamamagitan ng kanyang mga abogado na siya nga ang nasa photos na kumalat sa internet noong hapon ng Martes, May 7, kinagabihan naman nito ay ang anak niyang si Dani (Danielle) Barretto ang dumepensa sa ina.

Si Dani ay ang panganay na anak ni Marjorie sa dati nitong karelasyong si Kier Legaspi.

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng Ang Latest ng TV5 kay Dani sa The Conservatory ng Manila Peninsula Hotel sa ginanap na launching ng Samsonite Curv Technology, sinabi nitong nakausap na daw niya ang ina at nasasaktan daw ito.

Kuwento ni Dani, “We all know it’s not true, we were devastated by it. We know the truth, so I think… we were devastated that it had to be that way but we all know the truth, so I believe that she can surpass this challenge.”

Dagdag pa ni Dani, “I have spoken to my mom and siyempre it hurts her, I told her to be strong and have faith, that’s it. And this will end.”

Kahit na umamin na ang ina, patuloy pa ring nanindigan si Dani na “fake” ang mga naturang larawan.

Aniya, “Yes, I have seen the pictures and right away I knew that they were fake. It was not my mom’s picture, my mom is always the distinct one, and everybody knows that and my mom wouldn’t do such a thing.

“And we in the family know that my mom is not capable of doing something like that.”

May hinala na ba sila kung sino ang nagpakalat ng litrato?

Saad niya, “Honestly, we have no idea yet but we’ll find out, and whoever did this, God bless you na lang.”

Aware din daw siya na lumapit na sa mga abogado ang kanyang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, “Kasi since sobra na nga yung nangyari, siyempre she has to do something about it and bahala na yung lawyers, and bahala na yung mga nakakataas na tao to fix this.”

Positibo din daw siya na mahuhuli ng mga awtoridad ang mga may kagagawan nito.

Pahayag ni Dani, “Of course, like the Twitter world, so malalaman din namin yun, nung nakita ko yun sabi ko, sino bang makagawa sa mommy ko nun, so she talked to us, all of us, and we just hug her and we said, “You know mom, we’re gonna get through this.”

NOT A MISTRESS AND NO LOVE CHILD. Nilinaw din ng mga TV reporters kay Dani ang tungkol sa di mamatay-matay na isyu na “kept-woman” diumano ng isang pulitiko ang kanyang ina. Ano kaya ang masasabi niya rito?

Mahigpit nitong pagtanggi, “You know what, they should stop that. I think sobrang old news na yan, it’s been going on for years and I think they should stop, kasi wala naman silang proof so might as well tama na, sana matapos na.”

Ano naman ang masasabi niya na sa photo-sharing website na Instagram ay may mga naglalabas din ng mga litrato diumano ng isang bata na kuha noong unang birthday celebration daw nito. Ito daw ay anak ng ina sa nasabing pulitiko.

Sagot nito, “You know what, it could have been anybody’s child anyway, it’s so easy…you can just take a picture of a kid and post it on Instagram.”

Sa tingin ba niya marami pang intriga ang ibabato sa kanyang ina?

Lahad ni Dani, “In reality, I think the worst is yet to come but we have been through a lot of things as a family but lahat yun nalampasan namin, so alam ko malalampasan din namin ’to.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BARRETTO FAMILY FEUD. Marami ang nagsasabi na dahil sa kaguluhan sa pamilya nila ngayon kaya lumabas ang mga ganitong larawan. Anong reaction niya dito?

Lahad ni Dani, “I don’t think so, I mean ang magkakapatid normal namang nag-aaway pero hindi naman ganun ka-extent, na ganun na kalala yung mangyayari, hindi naman capable yung pamilya ko na gumawa ng ganun sa isa’t isa, and that’s too much.”

Nakausap na kaya niya ang kanyang tita Claudine?

Pag-amin ni Dani, “I haven’t talked to her. I’m very close to my tita Claudine and everybody knows how close we are to her.

“And about the feud, wala naman kaming comment about that, we all love them, were very close to our tita Claudine, we’re very close to our tita Gretchen so yun.”

Patuloy pa ni Dani, “Wala kaming pinapanigan kasi siyempre mahal namin sila, pamilya namin sila, wala kaming dapat panigan.”

Sa ngayon daw, nasa likod lang sila ng kanyang mga kamag-anak sa likod ng ina.

Dugtong nito, “All I can tell to my mom is we are gonna be there for her, every step of the way, nung nag-burst ’tong isyung ito until matapos ’to, we will be there for her all the way.”

Mensahe naman niya sa mga taong nanghuhusga sa kanila, “Sa mga taong humuhusga sa amin, sana mapagod na kayo kasi andaming puwedeng gawin sa buhay na ’to, magdasal na lang kayo. God bless you all. Yun lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN