Have LJ Reyes and Paulo Avelino split up?

LJ Reyes on being asked if she and Paulo have split up: “Ang news na yan dapat hindi na pinag-uusapan, ang dami na ring times na nasagot namin, sinasabi naman naming masaya kami, siguro it’s time na rin naman to respect din naman our privacy, di ba?”


Umiikot ngayon ang balitang hiwalay na sina LJ Reyes at Paulo Avelino.

Sa taped interview kay LJ ng StarTalk TX na ipinalabas kahapon, Sabado, May 11, ito ang naging pahayag ni LJ…

“For me, ang importante masaya ako, masaya si Aki, masaya kami... ’yon,” pagtukoy ni LJ sa anak nila ni Paulo na si Ethan Akio.

Ayon pa rin kay LJ…

“Ang news na yan dapat hindi na pinag-uusapan, ang dami na ring times na nasagot namin, sinasabi naman naming masaya kami, siguro it’s time na rin naman to respect din naman our privacy, di ba?”

Hiwalay na nga ba sila ni Paulo?

“Basta happy kami,” pag-iwas ni LJ sa naturang tanong.

“Sana maging happy tayong lahat parati.

“Let’s all be a blessing to each and everyone, to each other. Let’s all be happy and happy Mother’s Day to everyone, to all the mothers and expectant mothers.”

During the show, sinabi ng isa sa mga hosts na si Manay Lolit Solis na gusto niyang sabihin kung sino o ano ang tunay na dahilan (kung hiwalay na nga ang dalawa), na may sinabi raw sa kanya

ang co-host niyang si Ricky Lo na pangalan ng dahilan ng break-up.

Nagsalita rin si Manay Lolit na…

“Halimbawa kung yung third o fourth party, ano yun, babae, lalaki o ano?

“Kahit sino naman puwedeng maging third party, di ba?” ang sinabi pa ni Manay Lolit.

Pabiro naman itong sinagot ng isa pang host na si Joey de Leon na, “Basta maano ka sa third dahil ang third, may third sex, may third ano... iba-iba, e!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN