Marjorie Barretto: "I tell my children everything. I don’t keep anything from them whether its good or bad."

Ito ang mensahe ni Marjorie Barretto sa kanyang mga anak: “My life has been an open book to them—to my kids. Like I said, I told them everything, so kung ano’ng mga pagkakamaling nagawa ko along the way, yun na lang ang huwag ninyong tularan. Yung mga nakikita mong magandang nagawa ko, e, di sundan ninyo, yung mga nakita ninyong hindi tama huwag niyo na lang gayahin, they will be spared a lot of pain.”


Bilang bahagi ng Mother’s Day presentation ng Rated K ng ABS-CBN, nagpaunlak ang mag-inang Marjorie at Julia Barretto ng isang exclusive interview sa host ng show na si Korina Sanchez.

Ipinalabas ang taped interview nila kahapon, May 12.

Sa unang bahagi ng panayam ay pinag-usapan ng tatlo ang tungkol kay Julia—ang ikaapat na Barretto na pumasok sa showbiz.

Biro pa ni Korina, si Julia yata ang pinakamaganda among the four.

Tanong ni Korina kay Julia: Feeling mo ba talaga you’re taking the place of your aunties as the next queen or princess or diva?

Sagot ng young Kapamilya star, “Wala akong plans to replace them because they will always have a special place in the business.

"So for me, I wanna have my own place naman, I wanna make a name for myself.”

Tungkol naman sa pagkakaroon ng loveteam para kay Julia, sabi ng kanyang ina na si Marjorie, "That’s part of the business."

Pero pabirong wish ni Julia, sana daw ay "somebody cute" ang maging ka-loveteam niya.

INTRIGUES IN 2007. Kakambal na raw ng mga Barretto ang mga intriga.

Noong 2007, naging malaking balita ang paghihiwalay ni Marjorie at ng komedyanteng si Dennis Padilla pagkatapos ng halos sampung taong pagsasama.

Biniyayaan sila ng tatlong anak—sina Julia, Claudia, at Leon.

Bago kay Dennis, nagkaroon na ng anak si Marjorie sa naunang karelasyon nitong si Kier Legaspi at nagbunga ito ng isa ring babae—si Danielle "Dani" Barretto.

Noong taon ding yun ay pumasok si Marjorie sa pulitika bilang konsehala ng Caloocan at pinalad naman itong nahalal.

Tanong ni Korina: Naka-stress ba sa mother na sabay-sabay naging teenager ang mga anak?

Ani Marjorie, “It’s very stressful because especially mga babae sila. Julia’s needs, ang dami niyang needs. Iba yung requirements nung ibang anak ko. It’s very stressful.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong una kang pumasok sa pulitika, ano ba talaga ang gusto mo sanang gawin?

Sagot ni Marjorie, “Na-enjoy ko ang legislative work, ha. I really enjoyed the work.

"It’s the politics that siguro hindi ko kaya. Like what I told you earlier, it can be cruel.

"And I don’t think my children deserve that right now, that their starting their life and their career.

"I think the last thing they need is a headache coming from me.”

THE ONGOING FAMILY SQUABBLE. Kasunod na sumentro sa usapan nina Korina at Marjorie ang patuloy pa ring gusot sa loob ng pamilya Barretto.

Matatandaang nagsimula sa photo-sharing website na Instagram (IG) ang gulo nang magkaroon ng patutsadahan sina Gretchen at Marjorie laban sa isang IG basher.

Lumaki na ito nang maglabas ng open letter ang ina nilang si Inday Barretto at tinawag si Gretchen na "liar" kasabay ng pagtatanggol kay Claudine.

Kasunod na sumagot si Jayjay Barretto at idinepensa naman nito si Gretchen.

Sunod namang sumagot si Gia Barretto-Reyes at dito ay kinontra lahat ng mga sinabi ni Jayjay at hinamon si Gretchen na lumayo na sa kanilang buhay.

Nanatiling tahimik sa gulong ito si Marjorie kahit na ang pinag-ugatan ay ang kanyang anak na si Julia, na diumano ay ayaw ni Claudine na pumasok sa Star Magic.

Paglilinaw ni Korina kay Marjorie: “What do you have to say about what happened? Medyo tahimik na pero wala pang naririnig ang publiko sa ’yo?”

Seryosong tugon nito, “It’s hard kasi mag-comment Korina because... how do you fight with your mother? Right, di ba?

“It’s hard to comment even up to now. But siguro mas pangit sa pananaw ng tao than what is really happening inside.

"Pero ako, I don’t know if I am ready to talk about it yet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero alam ko sa sarili ko alam ko ang katotohaan, I know who was telling the truth and that what matters.”

Is it right to say that the family is split right in the middle? Two siblings against two other siblings with the mother, ganun ba yun?

Malungkot na tugon ni Marjorie, “Actually that wasn’t suppose to end up that way, siguro kong hindi involved yung media hindi na nagka split, e.

“Marami kami, Korina, you know that right? Pito kaming magkakapatid, hindi lang naman kami tatlo lang.

"I know that in time, maybe someday, makikita namin ano ba talaga ang gusto namin ma-achieve as a family dito... ano ba gusto naming maayos dito.

“But right now, I am enjoying the space.”

"I DON’T KEEP ANYTHING FROM MY CHILDREN." Tanong ni Korina: Ano ang secret mo kung papaano mo ipinaliwanag sa mga anak mo yung mga nangyayaring ganyan?

Saad ni Marjorie, “I tell my children everything. I don’t keep anything from them whether its good or bad.

"Basta alam nila lahat, they get the truth from me. That’s what’s important.”

Sa lahat daw ng ito, ang mahalaga kay Marjorie ay ang kapakanan ng kanyang mga anak.

Sabi niya, “My life has been an open book to them—to my kids.

"Like I said, I told them everything, so kung ano’ng mga pagkakamaling nagawa ko along the way, yun na lang ang huwag ninyong tularan.

"Yung mga nakikita mong magandang nagawa ko e di sundan ninyo, yung mga nakita ninyong hindi tama huwag niyo na lang gayahin, they will be spared a lot of pain.”

MESSAGE TO MOMMY INDAY. Sa huling bahagi, napag-usapan na ang Mother’s Day. Ano ang mensahe ni Marjorie sa inang si Mommy Inday?

Tugon niya, “I don’t know what to say, honestly.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sometimes I don’t even know what to pray about anymore.

"I just hold a rosary or my wooden cross and I know in time, I will know, but it’s not a good time.”

Mensahe naman niya kay Julia at sa iba pa niyang mga anak bilang isang ina: “I’m behind all of my children in everything that they want to be.

"I pray for them so hard and I’m gonna be their biggest fan, their biggest supporter and their biggest protector forever.

"Nobody in this world can love them as much as I do.”

Tugon naman ni Julia, “Happy Mother’s Day. I love and you and thank you for being an inspiration to us and for being a strong mom.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN