Maja Salvador "thankful" for rumored boyfriend Gerald Anderson

“Para sa akin, wala talagang tapon ang lahat ng mga projects na nagawa ko. At bawat proyekto na ginawa ko, para sa akin may mga natutuhan ako. Bawat projects na ginawa ko nun, step by step talaga hanggang sa mas nakilala mo ang sarili mo, nalaman mo kung ano ang mundo mo. Unti-unti, nalalaman mo kung paano ang industriya, kung paano ba magpahalaga sa trabaho, kung paano mamahalin ang trabaho talaga," saad ni Maja Salvador.


Marami ang nagulat at kinilig nang magbigay ng isang malaking bouquet of flowers at magbigay ng pahayag si Gerald Anderson para kay Maja Salvador sa ASAP 18 noong May 5.

Ito ay para sa pagdiriwang ng ika-sampung anibersaryo sa showbiz ng young actress.

Sinuklian naman ito ni Maja ng mensahe ng pasasalamat sa pagdating ni Gerald sa buhay niya, na tila nagkumprima sa tunay na estado ng relasyon nila.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema New kay Maja, nagbigay siya ng karagdagang pahayag sa naging mensahe niya kay Gerald.

“Of course, thankful ka pag may dumating sa buhay mo. Hindi mo naman kailangang balewalain, bigyan mo ng halaga...

"Ganun, e, give and take. Kung may dumating man sa iyo at nakakabuti siya sa buhay mo, okay naman, positive naman ang lahat...”

Aminado si Maja na masaya siya sa buhay niya ngayon.

Saad niya, “Masaya ako. Lagpas sa happiness na ine-expect ko.

"Siyempre maiisip mo yun.

"Ako, sobrang blessed and sobrang thankful ko sa mga nangyayari sa akin sa ngayon—sa projects, sa lahat talaga.

"Tama lang, e, sakto lang, lalo na ngayon, itong ika-tenth year ko, may bagong improvement sa akin ngayon, ha.

"Mabigat man itong word na ito, happy ako kasi nag-start na yung concert ko, bagong offer sa akin ito.

“First gig ko sa Ayala, tapos may Glorietta.

"Tapos ayun, magiging busy na kasi sa June, ayun na yung mag-iikot kami... Palawan, regionals.

"Abangan ninyo po, nationwide na ang Maja Unveils @ 10.

"May sa Cebu, sa Palawan, mayroon pa kami sa GenSan, sa Bacolod, sa Ayala Supermalls.”

THANKFUL. Labis-labis din ang pasasalamat ni Maja sa mga taong nagbigay ng tiwala at paniniwala sa kanya para makatagal at makabuo ng pangalan sa loob ng sampung taon na niya sa indsutriya.

“Sobrang blessed talaga ako kasi ang hirap talagang makamit nitong ten years sa show business.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa dami ng gustong mag-artista, sobrang thankful ako dahil mga fans, grabe ang suporta...

"Ang mga direktor at producers, sa Star Cinema, my Star Magic family, kasi grabe ang pag-aalaga nila.

"Of course, sa ABS-CBN famly na talagang inaalagaan ako, unti now sobrang nandito pa rin ako sa inyo.”

Ipinagpapasalamat din ni Maja ang magagandang projects na naipagkatiwala sa kanya.

“Para sa akin, wala talagang tapon ang lahat ng mga projects na nagawa ko. At bawat proyekto na ginawa ko, para sa akin may mga natutuhan ako.

"Bawat projects na ginawa ko nun, step by step talaga hanggang sa mas nakilala mo ang sarili mo, nalaman mo kung ano ang mundo mo.

"Unti-unti, nalalaman mo kung paano ang industriya, kung paano ba magpahalaga sa trabaho, kung paano mamahalin ang trabaho talaga.

"Ang opportunity na ibinigay sa iyo, hindi mo dapat balewalain yun, hindi dapat abusuhin.

"Talagang dapat pagtatrabahuhan talaga para mas maging maganda ang kinalabasan ng gagawin mo.”

Sa sampung taon niya sa industriya ay may mga magaganda at masasakit na napagdaanan ang award-winning actress.

“Kahit naman masaya, masakit, nandun [ang] pagbabago.

"Bawat taon ko dito sa industriya, may nadi-discover at may nababago ako.

"Nagbabago ako hindi lang sa akin kundi pati sa trabaho ko, kung paano ko tratuhin ang trabaho ko, yung mga tao.

"Yun lang talaga—pagpapahalaga.

“Lahat naman, kahit hindi naman intriga... Hindi naman porke’t may intriga, dun ka lang tatatag, ano yun sa every day na pagdadaanan mo sa buhay, di ibig sabihin nun puro negative lang, ha.

"Sa negative and positive, dun ka makakakuha ng lessons sa buhay.

"So it’s up to you kung paano mo i-handle at i-accept ang lahat ng mga bagay na darating at mawawala.

"Acceptance, yun lang.”

Labis-labis din ang pasasalamat ni Maja sa mga kanyang mga tagahanga na hindi raw siya iniwan sa kahit na anong laban na napagdaanan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mensahe niya, “Sa mga fans, maraming-maraming salamat sa suporta.

"Kahit anuman ang nangyayari sa akin, nandiyan kayo. Talagang madapa man ako, isa kayo sa nag-aangat sa akin kaya talagang mahal na mahal ko kayo.

"Thank you so much, sa unconditional love ninyo, maraming-maraming salamat.

"Salamat sa unconditional support ninyo sa akin, thank you.

"I’m so thankful na kayo ang naging fans, friends ko, supporters ko, salamat dahil parte kayo ng aking pamilya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN