Celebrities make their votes count on May 2013 Elections

(L-R) Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Iza Calzado, and Ruffa Gutierrez were all smiles after their index fingers were marked with indelible ink.


Ilan sa mga hinahangaang artista ang nakibahagi sa pagboto ngayong araw, May 13, 2013, Lunes. Ilan din sa kanila ay nag-post ng mga litrato sa social media websites gaya ng Twitter at Instagram, bilang patunay na sila ay bumoto.

Umaga pa lang ay nag-post na si Enchong Dee ng picture habang papunta sa kanyang voting precinct sa P. Tuazon Elementary School sa Cubao, Quezon City, kasama ang kanyang nakababatang kapatid na si Isaiah Joseph.

Binanggit ni Enchong na naghintay siya ng 40 minutes para sa Comelec technician na tumingin sa PCOS machine. Noong 2010, apat na minuto lang daw ang kanyang pinaghintay.

Pasado alas diyes naman ng umaga nang bumoto si Kim Chiu sa Miriam College, sa Katipunan Ave., Quezon City. Sa post ni Kim, sinabi niya na hindi raw gumagana ang PCOS machine sa kanyang voting precinct pero sana raw ay mabilang ang kanyang mga boto.

Naging masipag din si Mariel Rodriguez sa pag-post ng mga larawan sa Instagram kasama ang mister na si Robin Padilla. Sa account niya sa socialcam.com ay nag-post din siya ng video pagkatapos bumoto, at habang pasakay sa kanilang sasakyan ni Robin, binanggit din nito ang mga senatorial candidates na binoto niya.

Maaga ring natapos sa pagboto ang mag-asawang sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid, kasama si Baby Nate.

Samantala, bumoto naman si Ruffa Gutierrez kasama ang kanyang buong pamilya sa Cebu City, kung saan tumatakbo ang kanyang inang si Annabelle Rama bilang congresswoman sa north district.

Bumoto rin ang seasoned actress na si Lorna Tolentino with son Ralph Fernandez na nag-Instagram din ng kanilang picture.

Nakiisa rin sa pagboto at nag-post ng kanilang photos sa Instagram sina Iza Calzado at Camille Prats.

Naabutan naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nakapila ang dalawang Kapamilya directors na sina Direk Laurenti Dyogi at Direk Erik Salud sa North Susana Clubhouse sa Commonwealth Ave., Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dumating din doon ang incumbent Quezon City mayor at reelectionist na si Herbert Bautista. Hindi lang daw halata pero kinakabahan pa rin daw ang actor-turned-politician kahit pa marami ang nagsasabi na malakas ang kanyang kandidatura.

Sa Orambo Elementary School naman ay naabutan namin ang veteran actress na si Luz Valdez bandang ika-3:00 ng hapon. Si Luz ay kasama ngayon sa teleseryeng Love & Lies na pinagbibidahan nina Richard Gutierrez, Michelle Madrigal at Bela Padilla. Kasama rin siya sa pelikulang gagawin nina Maricel Soriano at Eugene Domingo.

(CLICK HERE to view gallery)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN