Daniel Padilla on "hottest-teen-star" tag: “Basta pangit pakinggan, huwag na lang.”

Malaki raw dahilan ng tagumpay ngayon ni Daniel Padilla ang kanyang ina na si Karla Estrada. Sabi ng young actor, "Noong wala pa ako sa mundong ito, yung nanay ko, may dala ng lahat ng pasakit dati. Siguro, tapos na ho yung panahon na yun. Nakita naman ng Diyos kung ano ang ginawa ni Mama, kung paano kami itinaguyod.”


Sa panayam ni Gretchen Barretto kay Daniel Padilla sa The Buzz kahapon, May 12, ay tinawag ng aktres ang Kapamilya young actor bilang "hottest teen star."

Ito ay dahil daw sa nagawang punuin ni Daniel ang Smart Araneta Coliseum sa kauna-unahan niyang concert noong April 30.

Pero napansin ni Gretchen na tila hindi kumportable si Daniel sa bansag na ito.

Paliwanag ng young actor, “Basta pangit pakinggan, huwag na lang.”

Sabi naman ng aktres, pangit pakinggan kung si Daniel mismo ang magsasabi pero kung galing daw sa ibang tao ay okay lang.

MUTUAL UNDERSTANDING. Bigla naman naalala ni Gretchen na inamin na raw ng ina ni Kathryn Bernardo, si Mommy Min, sa interview nito sa Kris TV ang totoong estado ng relasyon ng anak at ni Daniel.

May mutual understanding na nga ba sila ni Kathryn?

Sagot ni Daniel, “Matagal ko nang sinabi yun, yung M.U., oho... yun lang, yun lang muna.”

Kailan ba puwedeng maging sila na talaga ni Kathryn?

“Hindi, matagal pa. Matagal na matagal pa.”

Sinasabi ba ni Daniel na wala siya panahon sa pag-ibig?

“Hindi, hindi naman. Lahat tayo may panahon sa pag-ibig. Kahit na gaano kasikip, ang pag-ibig, malaki ang space niyan.

“Pero hindi pa ho puwede. Isa na yung bata pa at mas marami pa ho kaming dapat unahin.”

SUCCESSFUL CONCERT. Ano ang pakiramdam ni Daniel na naging matagumpay ang kanyang concert?

“Ilang beses na ho akong nagpasalamat. Siyempre, yung lahat ng taong nagpunta...

"Siyempre, number one ang Diyos at ang nagtitiwala ho sa akin, yun ang dapat pasalamatan.

“Simula pa lang ho, e, pinupursigi na nila ako at siyempre ako, ibinabalik ko ang tiwala sa kanila.”

Tila lahat ng mga ginagawang proyekto ni Daniel ay nagiging tagumpay—ang teleserye nilang Princess And I, ang pagna-number one ng album at kanta niyang "Nasa ’Yo Na Ang Lahat." Bukod dito ay magkakaroon din siya ng bagong primetime series sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naiisip ba ni Daniel na parang panaginip lang ang lahat?

Pero mabilis na sagot ni Daniel kay Gretchen, “Yung teleserye naman natin, number one dahil sa ‘yo.”

Dugtong niya, “Sa tingin ko, lahat ng nangyayari may dahilan.

"Noong wala pa ako sa mundong ito, yung nanay ko, may dala ng lahat ng pasakit dati.

“Siguro, tapos na ho yung panahon na yun. Nakita naman ng Diyos kung ano ang ginawa ni Mama, kung paano kami itinaguyod.”

Si Daniel ay anak ng aktres na si Karla Estrada sa aktor na si Rommel Padilla.

Ayon kay Daniel, very close sila ng kanyang ina.

“Kami ni Mama, oo naman, very, very close. Sino ba naman ang hindi dapat maging close sa nanay?

“Kung hindi man close, dapat mahal mo naman siyempre ang nanay mo, di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN