Alyssa Alano includes having a boyfriend among things she wants to do after surviving car crash last year

Kung magkaka-boyfriend si Alyssa Alano, ayaw niya na taga-showbiz: Ang dahilan niya: “Basta ayaw ko talagang taga-showbiz—maintriga, e. Ayoko namang ka-trabaho ko, tapos, makakabanggaan ko, di ba?”


Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang TV host na si Alyssa Alano sa maituturing na second lease on life nito.

Matatandaang na-involve sa isang freak vehicular accident si Alyssa noong October 2012.

(CLICK HERE for related article.)

Ani Alyssa, “Okey naman. Medyo may trauma lang, lalo na noong nakaraang campaign."

Isa si Alyssa sa ilang artista na kinuha sa campaign sorties ng mga pulitiko nitong katatapos lang na eleksyon.

“Siyempre malalayo, kaya kinakabahan pa rin, kasi mabibilis mag-drive yung mga drivers nila.

“Ngayon, hindi pa rin ako nakakapag-drive nang mag-isa...

“Paminsan-minsan, kailangang ibalik ko yung pagda-drive ko na ako lang... [Pero] medyo hindi pa rin talaga, e.

Sabi pa niya, “Hindi na ako lumalabas ng bahay, di na rin nga ako nagda-drive.

“Meron pa rin akong gamot na iniinom, kasi medyo may masakit pa yung pelvic bone...masakit. Makirot, kasi yun talaga ang tumama.

“’Tapos yung sa loob, parang hindi pa siya totally healed. Kaya ayun, kumikirot pa lalo na kapag malamig.”

MOVING ON. Unti-unti man ang recovery niya, desidido naman si Alyssa na mag-move on mula sa sakunang muntik nang kumitil sa kanyang buhay.

Diin ng Startalk TX co-host, “Siyempre kailangan talaga, go lang nang go.

“Hindi naman puwede na hanggang doon na lang ako na nakakulong sa nangyari sa akin... kailangan mag-move on.”

May pagbabago bang naganap sa kanya?

Tugon ni Alyssa, “Naging pala-simba na talaga ako. Hindi ako lumalampas. Every Sunday. Yun.

“Sobra na ang pananalig ko sa Diyos... Siya ang bumuhay sa akin.

“Siguro kung wala Siya, wala na rin ako ngayon, di ba?

“Sa Kanya talaga ako humuhugot ng lakas, bukod pa sa pamilya ko.”

NEW BOYFRIEND? Nabanggit ni Alyssa na matindi talaga ang pasasalamat niya’t nabuhay pa siya dahil marami pa siyang gustong gawin sa kanyang buhay.

“Hay, naku! Marami!” pagbuntung-hininga pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto kong gawin yung mga hindi ko pa nagawa, tulad ng...marami... Mahirap isa-isahin, e.”

Sabay sabi sa tonong nagbibiro at natatawa, “Siguro magbu-boyfriend na ako.

“Hayun. Kaya kung may dumating, siguro ita-try ko.

“[Year] 2006 pa yung huling boyfriend ko. So, seven years na rin akong walang boyfriend.

Sa ngayon, dahil walang boyfriend, sa kanyang mga alagang aso ngayon kumukuha ng lambing si Alyssa.

“Mahilig ako sa aso. Kaya parang sila yung joy ko ngayon.

“Pero, tina-try ko din namang mag-entertain [ng manliligaw].”

Sino ba ang huling boyfriend niya at ano ang nangyari sa relasyon nila?

“Non-showbiz. At saka politician, kaya ayaw ko na,” nakangiti niyang tugon.

“Siguro, we are not meant to be. Plus, babaero. Kaya ayoko na.”

Meron naman daw umaali-aligid sa kanya.

Aniya, “Meron naman. Kaya lang, kailangang mamili, kasi nakakatakot din.

“Hindi mo alam kung may asawa kasi marami ring nagsisinungaling.

“Gusto ko, siguradung-sigurado akong walang asawa.

“Yung isa [na manliligaw], hindi pa ako sigurado, e. Hindi ko pa ganoon kakilala.”

Pero bakit nga ba inabot ng pitong taon na napagdesisyunan niyang hindi na muna mag-boyfriend?

“E, kasi nga, ang dami kong binubuhay, di ba?

“Dalawa yung pinag-aaral ko. So, hindi pa napapanahon, kasi baka bigla akong mabuntis.

“So, papaano na? Walang mangyayari sa buhay ko."

May iba raw kasi talaga siyang priorities kesa ang pag-ibig.

“Tapusin ko muna yun. Yung bahay, malapit na ring matapos. Yung kotse... hayun, wala na.

“’Tsaka makapag-aral uli at magkanegosyo.”

STILL YOUNG. Bata pa naman daw si Alyssa para lumagay sa tahimik.

“Twenty-six pa lang ako. Sa tingin ko ay hindi pa naman ako late,” pahayag niya.

“Siguro, kahit twenty-nine na...yun, puwede na siguro.

“Yung half-sister ko nga, thirty-two na, pero parang wala pa rin sa isip ang mag-asawa.

“Magbo-boyfriend na muna ako.”

Aminado siya na ayaw niyang taga-showbiz ang magiging future boyfriend niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta, ayaw ko talagang taga-showbiz—maintriga, e,” mariin niyang sabi muli.

“Ayoko namang katrabaho ko, ’tapos, makakabanggaan ko, di ba?

“Yung showbiz couples kasi na successful ang relationship, bibihira lang yun.

“Bibihira din kasi ang nagkakasundo at tumatagal... mahirap maghanap ng ganoon.”

Pero, may nanliligaw rin pala sa kanyang taga-showbiz.

“Meron,” pag-amin niya.

“Pero hindi siya ganoon kaano sa acting. Wala siya sa linyang ganoon pero showbiz.

“Ayaw kong sabihin, kasi pag sinabi ko, e, mahuhuli na kung sino. At saka, hindi ko na siya ini-entertain.

“Nag-text-text. Alam mo naman baka naghahanap lang ng mapaglilibangan.”

CAUTIOUS. Maingat daw talaga siya pagdating sa pag-ibig.

“Alam mo kung sino yung nanggu-goodtime,” paliwanag niya.

“Mararamdaman mo naman kasi kung totoo ang tao o hindi, e...

“Yung gusto lang yung... Yun na! Hindi, ayaw ko ng ganoon.

“Hindi naman ako man-hater. Karamihan ng mga barkada ko ay lalaki. Naa-attract ako sa mga machong lalaki.”

Bilang babae, napag-usapan din sa panayam na ito yung nangyari kay Majorie Barretto na may nagpakalat ng scandalous photo nito sa Internet.

Opinyon ni Alysssa, “Parang hindi tama ilabas pa yung ganoon. Kung sino man ang naglabas noon, hindi tama.

“Parang wala naman silang anak o kapatid na babae.

“Para sa akin, kahit dalaga o ina ang ginawan ng ganoon, nakakabastos.

“Sana magkaroon naman sila ng respeto sa mga kababaihan. Sana hindi mangyari sa mga kapatid o asawa nila.”

Paano kung sa kanya mangyari yun?

“Ay, mag-iingat ako. Yung iba kasi may ini-edit, di ba?” bulalas niya muli.

“’Pag nangyari yung ini-edit na ‘yan, deadma na. Hindi ako yun. Kapag ako yun, magti-take ako ng legal action.”

STATUS OF HER CAREER. Talking about her career naman, hindi ba siya nababagalan dito?

Hanggang paghu-host na lang ba sa Startalk TX ang gagawin niya?

Paliwanag niya, “Ngayon pa lang naman ako bumabawi mula nang maaksidente ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana naman, maging maayos...magtuluy-tuloy.

“May guesting naman ako. ’Tapos, kapag may guestings ako sa ibang network, bilang paggalang naman sa GMA ay nagpapaalam ako.

“Seven, going to eight years na rin ako sa Startalk. Mahal ko ang GMA.”

HEIR TO RUFA MAE QUINTO. Noon pa, siya ang sinasabing susunod sa yapak ni Rufa Mae Quinto na naging matagumpay bilang isang sexy comedienne.

“Ah, hindi naman. Siyempre, Rufa Mae Quinto na ‘yan,” aniya.

“Malaki na ang nai-contribute ni Rufa sa industry.

“Tuwang-tuwa ako kung ganoon. Pero, wag na lang kaming i-compare kasi ang layu-layo na niya sa akin.

“Gusto ko rin siyempre na maging komedyante na mas magaling o kasing-galing ni Rufa Mae.

“Depende naman kasi ‘yan kung anong trabaho ang maibabato sa akin, e.”

Pagwawakas pa niya, “Hindi pa naman talaga ako nagpa-sexy. Nag-two-piece pa lang ako... Pag me dumating, go!

“Dati kasi, pag sexy ay ayaw ko. Nanginginig ako sa love scene. Hindi ko pa kaya talaga.

“This time, go, go!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN