Celebrity-politicians: who’s “in” and who’s “out” in the partial, unofficial tally of votes

Sinu-sino sa mga artistang tumatakbo ang may tsansang magwagi sa nalalapit na pagtatapos ng bilangan ng boto?


Halos patapos na ang bilangan ng boto para sa mga local candidates. Sino kaya sa mga artistang tumakbo ang kasalukuyang nangunguna sa bilangan?


BATANGAS: Ayon sa Comelec transparency server, partial and unofficial results na nakatala sa kanilang website, nagbabadyang landslide victory ang resulta ng election sa Batangas para sa Star for All Seasons at re-eleksiyonista sa pagka-gobernador na si Vilma Santos. Nakakuha ng 649,123 votes si Ate Vi kumpara sa kanyang katunggali na si Marcos Mandanas Sr. na nakakuha lamang ng halos 42,000 na boto.

Halos ganoon din ang nangyari sa kapartido ni Ate Vi na si Vice Governor Mark Leviste, na sa kasalukuyan ay merong 600,000 votes.

Samantala, mukhang hindi pasok ang isa sa mga screen partners ni Vilma na si Christopher de Leon dahil natambakan ito ng bilang ng boto mula sa kalaban na si Abu Raneo with 80,333 laban sa 28,934 votes ng aktor sa second district ng Batangas.

Ang datos ay base sa 75 percent election returns sa Batangas City.



LAGUNA: Nahalal namang muli bilang gobernador ng Laguna si Governor ER Ejercito na nakakuha ng 410,007 laban sa mahigpit nitong katunggali na si Edgar San Luis na may botong 353,109.

Samantala, nangunguna naman sa bilangan sa pagka-mayor sa Pagsanjan ang misis ni Governor ER na si Maita Sanchez-Ejercito.

Nangunguna rin sa pagka-kongresista ang dating reporter ng ABS-CBN na si Sol Aragones sa third district ng nasabing lalawigan. Si Dan Fernandez naman ay nanalo via landslide victory sa congressional race sa first district.

Nasa pangalawang puwesto naman si Angelica Jones sa pagka-board member ng third district ng Laguna kung saan nakakuha na ito ng botong 60,406.

CAVITE: Mainit din ang election sa Cavite kasunod ng diumano’y pangha-harass ng Cavite PNP sa bahay nina Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. dahil daw sa report na may mga nakatagong baril sa kanilang bahay. Pero bago sumapit ang gabi ng May 13, nakuha na raw umano ang mga baril sa mga sasakyan na nasa labas ng compound ng mga Revilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huling bilangan, nakakuha na si Jolo Revilla ng botong 390,000 laban sa 228,883 botong nakuha naman ni Ronald Jay Lacson sa pagka-bise gobernador.


MANILA: Isa sa mga tinututukang resulta sa halalan ay ang labanan sa Maynila between former President Joseph Estrda at Mayor Alfredo Lim.

Hindi pa naipoproklama pero nangunguna sa botohan si Asiong Salonga (Erap) laban kay Dirty Harry (Lim) sa botong 288,058 kontra 257,631.


SAN JUAN: Lanslide victory naman ang Team UNA sa San Juan kung saan nagwagi pa rin bilang Mayor si Guia Gomez, at number 1 naman sa mga nahalal na konsehal si Janella Ejercito, anak ni Senator Jinggoy at apo ni Erap.

Wagi din ang kapatid ni Ara Mina na si Chris Mathay bilang konsehal na ka-tiket ni Janella.


QUEZON CITY: Wagi pa rin sa Quezon City si Mayor Herbert Bautista at si Vice Mayor Joy Belmonte.

Tila mananalo naman sa pagka-kongresista sa fifthdistrict ng Quezon City si Alfred Vargas na may naitalang botong 56,954, laban sa mahigpit niyang kalabang si Annie Susano na may 21,837.


VALENZUELA CITY: Samantala, sa labanan sa kongreso sa second district ng Valenzuela, mahigpit din ang labanan nina Shalani Soledad Romulo na may naitalang botong 46,975 laban kay Magi Gunigundo na may 49,384.


PARANAQUE: Sa second district naman ng Parañaque kung saan tumakbo si Joey Marquez sa pagka-congressman, medyo humahabol siya sa nangunguna sa botohang si Gus Tambunting na may boto nang 46,917. Si Joey ay may 39,381 votes.


CEBU: Natalo naman sa pagka-kongresista si Annabelle Rama sa first district ng Cebu. Nakakuha lamang ito ng 31, 217 na boto laban sa 114, 653 na boto ng katunggali nitong si Raul del Mar.


BULACAN: Sa Bulacan naman, landslide namang maituring ang nakuhang boto ni Daniel Fernando na nakakuha ng botong 696, 477 laban sa dalawa niyang kalabang na wala pang 50,000 ang nakuhang boto. Ang dating aktor ay tumatakbo bilang provincial vice-governor.

Tila malabong masungkit ng Jukebox Queen na si Imelda Papin ang pagiging kongresista sa lone district ng San Jose del Monte, Bulacan, dahil halos kalahati lang ang nakuha niyang boto sa nangungunang si Arthur Robes na may 64,688 nang boto laban sa kanyang 32,239.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


CAMARINES SUR: Mukha namang nagbunga ang pagpupunyagi ng Kapatid Star na si Aga Muhlach dahil nangunguna ito sa bilangan sa pagka-kongresista sa fourth district ng Camarines Sur kung saan nakakalaban nito si Wimpy Fuentebella. As of 8:00 a.m., nakakuha si Aga ng 45,131 laban sa katunggaling si Wimpy with 41,059 votes.

Samantala, talo naman sa fifth district ang actor na si Rez Cortez kung saan tumakbo ito sa pagka-kongresista.


SARANGGANI: Wagi naman pareho ang mag-asawang Manny at Jinky Pacquaio bilang congressman at vice-governor, respectively, sa Saranggani Province.

Unopposed si Manny sa kanyang distrito samantalang tinambakan naman ni Jinky ang katunggali sa posisyon sa botong 100,715 kumpara kay Eleanor Saguigit na may boto lamang na 23, 917.


LEYTE: Sa Ormoc naman, dikit ang laban ni Richard Gomez sa pagka-mayor laban kay Edward Codilla, na nakakuha na 32, 963 samantalang ang nakuha ni Goma ay 31,780.

Ang kanya namang asawang si Lucy Torres Gomez ay nangunguna pa rin sa bilangan sa pagka-kongresista sa fourth district ng Leyte na 93,313 laban kay Eric Codilla na may boto lamang na 69,080.

Lahat ng mga nakatalang boto dito ay as of 8:00 a.m. ngayong araw, May 14, sa partial, unofficial tally ng COMELEC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN