Wilma Doesnt pregnant with ex-boyfriend’s child when she fell in love with new boyfriend: “Pero alam mo naman ako, may asim pa rin ako kahit ako ay buntis!”

Tanggap na ng pamilya ni Wilma Doesnt ang bago niyang boyfriend. Aniya: “Hindi na mag-aarte ang pamilya ko… hindi na sila dapat mag-inarte. Sa panahon ngayon, bawal na yun!”


Takaw-pansin at well-applauded ang paglabas ni Wilma Doesnt sa ginanap na Mother’s Day tribute fashion show dahil sa laki ng kanyang tiyan.

Kabilang ang ramp model turned movie-TV actress na si Wilma Doesnt sa mga nag-model para sa designers na sina Pia Gladys Perey at Mark Bumgarner sa Spiral Restaurant ng Sofitel Hotel noong Linggo, May 12.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Wilma bago siya sumalang sa show, masaya niyang ipinangalandakan na walong buwan na ang kanyang ipinagdadalantao.

Bago pa kami nakapagtanong tungkol sa kalagayan niya, mabilis na nagsalita agad ang komedyana,

“May tatay!” bulalas niya.

Ano ang nationality?

“Ahmm… Pinoy..” nangingiti niyang sagot. “Oo, Pinoy!”

Ano ang pangalan ng boyfriend na tatay ng magiging baby niya?

“Huwag na! Itago na lang natin siya sa pangalang ’Bebe Love’!” banggit pa niya sa alyas at tila term of endearment niya sa nakabuntis sa kanya.

ACQUAINTANCE. Paano sila nagkakilala ni Bebe Love?

“Diyan sa tabi-tabi...nag-inuman kami,” biro munang sabi ni Wilma.

At saka nagseryoso, “Hindi, matagal na. Common friend. Matagal na kaming magkaibigan.”

Hindi pa ba sila nagkaka-in love-an noong mga panahong iyon?

“Hindi pa kami nag-’bleep-bleep’!” patawang tukoy ni Wilma tungkol sa kanilang pagkakaroon ng sexual intimacy.

Seryosong dugtong ni Wilma, “Kasi six years na kami now, e… Di ba, may second baby ako?

“Noong nanganak ako with my second baby, he was there na.

“Noong time na yun, wala pa kami sa isa’t isa, pero kinikilig-kilig na ang puso noong buntis.

“Oo, buntis ako that time. Sinasama-samahan niya ako the whole pregnancy… nandoon siya.

“So, we started as friends, he’s a shoulder to cry on, mga ganoon.”

Hindi ba naging balakid ang pagbubuntis niya noon para magustuhan siya ng kanyang Bebe Love?

“Hindi. Pero alam mo naman ako, may asim pa rin ako kahit ako ay buntis!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, ganoon, nag-start kami doon. And then, yun na, hanggang sa... ’Ay, mahal ko na siya!’ Kasi mahal niya yung mga bagets ko.”

Nanligaw ba siya o na-develop na lang ang relasyon?

“More on na-develop na lang ‘ata?” dudang sagot niya.

CRUISE CHEF. Ano naman ang background nitong boyfriend niya?

“Sa ngayon, nakikipagsapalaran siya sa mga oras na ito, papunta siyang Italy.

“Nakikipagsapalaran siya sa ibang bansa—sa cruise ship. Chef kasi siya, e.

“Natututo rin!” tukoy naman ni Wilma sa sarili tungkol sa mga pinagdaanang failed relationships.

“Kailangang mangyaring two times para matuto!” dugtong na sabi pa niya.

Nagkaroon si Wilma ng dalawang relationships na nag-iwan ng dalawang anak na babae.

Ilang taon naman itong boyfriend niya?

“Ahmm… bilang hot mama nga ako, di ba? Ten years younger… ten years ang gap namin… I’m older!” proud na pag-amin ni Wilma.

ACCEPTED. Okey naman ba sa pamilya ng boyfriend na siya ang nakarelasyon gayong may dalawa na siyang anak?

“Okey lang naman. Kasi meron rin siyang ano…single dad din siya. So, may anak siyang boy na turning 13 years old this coming month.

“So, parang blended family ang drama namin… Sa family niya, walang problema.”

Sa family ni Wilma naman, wala ba silang tutol sa panibagong pag-ibig niya?

“Hindi na mag-aarte ang pamilya ko. Hindi na sila dapat mag-inarte. Sa panahon ngayon, bawal na yun!

“In fairness naman, both our families are okay naman sa aming dalawa—walang problema.”

Pang-matagalan na ba ito?

“Sana… huwag na lang ninyong intrigahin para ma-keep ko na talaga.

“Actually, kilala siya ng lahat. Nakita mo na yun, pero hindi ko nga lang ipinakikilala nang bonggang-bongga para hindi naman ma-expose sa kamera.”

Matangkad din ba ito gaya ng mga nakaraan niyang boyfriend?

“Mas matangkad ako… parang Maggie Wilson lang at Victor Consunji—ganoon lang ang peg," banggit pa niya sa dating beauty queen at asawa nitong real estate magnate at businessman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WEDDING PLANS. Nagpaplano na ba sila ng kasal?

“Napag-uusapan lang. Kaya lang, nakakatakot kasi yun. Ganoon ang fear ko na sa dami ko nang mistakes…

“Hindi naman mistakes…sa dami ng kagagahan ko sa buhay,” paglilinaw niya.

“Gusto ko naman doon sa marriage, commitment na yun at ayaw ko nang magkamali.”

Ibig bang sabihin, siya ang tumanggi sa kasal sa mga nauna niyang boyfriends?

“Hindi naman sa tumanggi. Parang hindi rin ako ready. Kasi lifetime commitment yun, e.

“So, ayoko namang...ano ba yun? Dalawang beses na ngang single mother, ngayon naman, ganoon uli?

“Mahirap nang ipaliwanag sa mga girls ko.”

Paano niya idi-descibe ang character ng kanyang Bebe Love?

“Bebe Love lang siya! Kilig lang siya! Parang si Laida Magtalas at Miggy Montenegro [pangalan ng mga character nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz sa It Takes A Man And A Woman] lang kami.”

“Ganoon lang ang peg...happy lang! Pero tahimik lang siya.

“Yun nga lang, pag sinabi niya sa aking ’Sit down!’ I have to sit down.

“Parang sumusunod ako sa kanya, we both listen to each other. He listens to me kasi I’m older pagdating sa ibang facts of life.

“Pero ’pag siya naman ang nagsalita na, ‘Ikaw, ang gaslaw mo, ha!’ Tigil na ako.”

LOVE AND TRUST. Hindi ba siya natatakot na dahil nasa abroad ang boyfriend, posibleng maghanap ito ng ibang babae para maibsan ang pagka-homesick nito?

“Ng mga Mexicana? Ahm...bahala siya. Basta, huwag siyang mag-uwi ng sakit, di ba?

“Ano naman tayo, matured naman tayo… Bahala siya.

“I trust him…I know...straight naman kasing lalaki yun.

“Kung hindi siya tumingin sa ibang babae, mai-stress ako!” sabi ni Wilma.

“Pero hindi naman niya siguro gagawin yun.”

Tungkol naman sa ipinagbubuntis niya, ibinalita ni Wilma na lalaki ang kasarian ng dinadala niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya excited ako!” bulalas pa niya.

THIRD CHILD. Caesarian Section ang medical procedure na gagawin kay Wilma sa panganganak niya sa susunod na buwan. Kaya last na raw itong pagbubuntis niya.

“Pangatlo na ito, e. Saka sa edad ko, ayoko na… mahirap rin, e.” aniya.

Matagal-tagal na nagpahinga si Wilma sa paglabas-labas sa mga teleserye para pangalagaan ang kanyang baby.

Sabi niya, “Mahirap rin kasi sa mga tapings, puyatan yun. Gusto kong i-treasure yung baby. Ganundin naman ako dun sa dalawa kong bagets.

“Pero ’pag mga ganitong mga fashion show, mga appearances lang, okey lang naman na lumabas.”

Pagdating sa kanyang pagbabalik-trabaho, walang maibigay na takdang panahon si Wilma.

Nangangailangan daw ng maraming panahon ang pagpapapayat niya at pag-aalaga sa kanyang bagong baby.

Sampung taong gulang na ang panganay ni Wilma na si Asyana at anim na taong gulang naman ang kasunod na si Svetlana.

“Maganda rin naman ang pagkaka-family planning ko, ‘no? Bongga yung spacing, 10 years old, 6 years old yung isa, at itong ilalabas ko.

“Kaya nga excited na yung mga girls sa bago nilang kapatid.”

FASHION SHOW LINE UP. Kasama ni Wilma na rumampa sa Mother’s Day tribute fashion show na yun ang showbiz personalities na sina Maggie Wilson kasama ang kanyang baby na si Connor, former GMA Artist Center head na si Yda Henares with her daughter na isa ring Kapuso talent na si Steff, Maritoni Fernandez and son, Maricar de Mesa, G. Tongi, at Alice Dixson.

Kasama rin ang former pageant title holders na sina Lou Bunyi (1989 Elite Look of the Year winner) kasama ang dalagita niyang anak at si Patty Betita (1991 Bb. Pilipinas-International) kasama ang binatilyo nitong anak sa senatoriable na si JV Ejercito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN