Loren Legarda congratulates Grace Poe for leading Senate race

Pumapangalawa lamang si Legarda kay Grace Poe pagdating sa senatorial race.


“I wish to congratulate Grace Poe for leading the senatorial count.”

Ito ang pahayag ni Senator Loren Legarda sa ipinadala niyang press statement sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) hinggil sa pangunguna ni Grace sa senatorial race.

Sa kasalukuyang bilangan ng mga boto, pumapangalawa lamang si Legarda kay Poe. Salungat ito sa resultang inilabas ng pre-election surveys, kung saan parating ang reelectionist ang nangunguna.

Ang dating brodkaster din ang naging top one senator noong 1998 at 2007 senatorial elections.

“Her impending victory as the most chosen senator is a vindication for her late father Fernando Poe Jr. and for myself, who were one team in 2004.

"Nine years later, we are surely elated with Grace’s success,” ayon sa statement ni Legarda.

"She is also a highly competent professional, and I am certain she will do well in the Senate."

Noong 2004 elections ay tumakbo sa pagka-bise presidente si Legarda, at naging running mate ni Fernando Poe Jr. na tumakbo naman sa pagka-Presidente.

Tinalo ng beteranong broadcast journalist at news anchor na si Noli de Castro si Legarda.

Tungkol pa rin sa kanyang press statement, pinasalamatan din ni Legarda ang kanyang kapartido na si Sen. Chiz Escudero na sa partial at unofficial tally of votes ngayong May 14 ng hapon ay pang-apat sa mga nangungunang senador.

Sinabi pa ni Legarda na inaanak niya si Chiz at nagsilbing spokesperson nila ni FPJ noong 2004 presidential elections.

Umaasa rin si Legarda na makakatrabaho niya si Escudero lalo pa’t malakas ang kanilang laban na manalo.

Sa huli, nagpasalamat din ang senadora dahil sa muling paghalal sa kanya ng masang Pilipino.

“My heartfelt gratitude goes to the Filipino electorate who have actively participated in this democratic exercise.

"With their outpouring of support, all I can say is that I am sincerely inspired to push ahead with the legislative programs I have presented to them, for their welfare."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN