Gwen Zamora on avoiding “fat” memo from GMA management: “Yo-yo nang yo-yo yung weight ko, e… so, parang hit and miss.”

Hindi totoong binubusog si Gwen Zamora ng boyfriend kaya tila dumadagdag ang timbang niya. Patotoo ni Gwen: “No nga, e. Hinahatak niya ang plate. No, he’s helping me… we’re helping each other.”


Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gwen Zamora sa kakatapos lang na Mother’s Day tribute fashion show sa Sofitel Hotel noong Linggo, May 12.

Natawa muna si Gwen bago siya sumagot nang tanungin kung ano ang pinagkakaabalahan niya ngayon.

Nabanggit ni Gwen ang regular TV show niyang Bubble Gang sa GMA-7.

“Oo, Bubble Gang,” aniya.

Bakit wala pa siyang bagong programa?

Kibit-balikat naman nitong sagot, “Malay!?”

REFORMAT. Maliban sa Party Pilipinas na mawawala na sa ere at papalitan ng bagong show, balitang magre-reformat naman ang Bubble Gang.

Kinumpirma ito ni Gwen, “Uh...uhm! Magkakaroon kami ng bagong gang… yun!”

Magiging bahagi pa rin ba siya ng show?

“Yeah! We’re still gonna have this year’s the Bubblets and the ’Bagong Gang’… unless, matanggal yung Bubblets.

“E, di wala na talaga akong trabaho,” sabay tawa niya.

“Sana di mangyari!” nangingiti niyang asam.

Possible bang matanggal ang grupo nila?

“Hindi naman, wala namang sinasabi sa amin yung management,” paglilinaw niya.

Kailangan bang magkaroon ng pagbabago sa Bubble Gang?

“On-going siya ngayon, nagte-taping na kami ngayon,” sabi niya.

“FAT” MEMO. Gaano katagal na bang walang bagong show si Gwen sa GMA-7?

“My last was…oh, wait, nagge-guesting ako sa Indio. Pero so far, two guesting days pa lang.”

Hindi ba alam ni Gwen kung ano ang nangyayari sa career niya sa Kapuso network?

Umiling muna siya, “Oo, hindi ko alam.”

Bakit hindi siya nabibigyan ng bagong show?

Napangiti uli si Gwen at nagsalita, “Mataba ako? Ewan! Malay?”

May lumalabas na balitang pinadadalhan ng network ang kanilang mga artistang tumataba o lumulusog para pagsabihang magpapayat.

Isa sa pinadalhan ay si Geoff Eigenmann.

Sumang-ayon naman si Gwen dito.

“Yeah, I think I’m part of that,” sabi ni Gwen.

Nabigyan na ba siya ng memo?

“Wala pa,” agad niyang sagot.

“E, me naman, yo-yo nang yo-yo yung weight ko, e… So, parang hit and miss.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero minsan, imi-memo ako pero payat na ako. Hindi na ako puwedeng i-memo.”

Gumagawa na ba siya ng paraan para sa problemang ito?

“Yes, I am. I started going to Gold’s [gym]. I’ve started doing spinning… I’m training Muay Thai with Ellen [Adarna].

“She’s teaching me how to jump rope—I do flying with Ellen. So, I’m super busy.

“Pero hindi pa rin ako pumapayat!” pagtataka naman niya.

“Ewan ko, it’s in my genes… Pero I’m working naman.”

Hindi ba siya nagte-take ng mga slimming pills?

“No, kasi in the long run, ako rin naman ang magsa-suffer noon.”

Paano niya nalaman na kasama siya sa “fat memo"?

“Hindi ko alam, hunch lang! Narinig ko lang” sabi niya.

Bawi niya agad, “No, naman. I think, sana next batch I have a show. After Indio daw, but I’m not sure.”

POLITICIAN BOYFRIEND. Ang boyfriend ni Gwen ay isang non-showbiz na anak ng isang kilalang political figure. Hindi kaya in love lang siya kaya siya "lumulusog"?

“E, one year na akong in love! Nagpapayat na ako.”

Frustrating ba ang nangyayari sa career niya?

“Yes, it is…in a sense, it is. Kasi I don’t know what’s gonna happen next.

“So, it’s frustrating not to know,” seryoso niyang pahayag.

Sino ba nagsabing mataba siya?

“Ako, feeling ko lang. I just…yung stomach ko lang, okey naman. Yung legs and arms ko, yun ang problema ko.”

Paano kung hindi pa siya pumayat? Anong mangyayari?

Biglang nagliwanag ang mukha ni Gwen nang may biglang naalala.

“Oh, I’m…I don’t know if I can talk about it yet. I’ll tell you na lang if it’s close—when it’s close to the due date.”

Ayon kay Gwen isa itong business na pagsasamahan nila ng kanyang kasintahan pero ayaw muna niyang sabihin ang detalye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Pag magbubukas na yun, I’ll let you know," abiso ng Filipina-French Kapuso.

Sa mga susunod na linggo o buwan, ano na ang mangyayari sa career niya?

“I’ll still workout. Sana, I‘ll have a show… yun!”

DETERMINED. Sunud-sunod naming tanong kay Gwen: Kapag pinagbabawalan siyang kumain, kumakain pa rin ba siya ng marami? Hindi ba siya nagda-diet? Hindi nagwu-work? Tinatamad?

“No, I’m not really tamad. I really workout. I’m strong! Give me weights and I can do it.

“Pero it’s really in my genes to be big.”

Binalikan naman niya kami ng sunud-sunod na tanong din.

“Did you watch the show kanina? Did you see me? Di ba, medyo malaki akong tignan? But I’m working on it... I am.”

Baka naman binubusog siya lagi ng boyfriend?

“No nga, e. Hinahatak niya ang plate,” birong sabi ni Gwen.

“No, he’s helping me…we’re helping each other.

“Kasi we both gained weight during Christmas and then we lost weight and then we gained weight again. Now we’re working on it again.”

Hindi ba siya natatakot na baka matatagalan pa bago siya bigyan ng trabaho ng GMA?

“Kaya nga I’m doing something about it and I have two more years with them. So, kailangan ko talagang magpapayat.”

CONTINUE WORKING. Biniro namin si Gwen na hindi niya kailangang magtrabaho dahil may mataas na posisyon sa isang malaking hotel sa Dubai ang daddy niya.

Paliwanag niya, “No, naman. Siyempre naman I have to take care of myself… but if I need help, sumu-support naman sila.

“Of course, they’re my parents. Pero most that I can do, I do it on my own.”

Tungkol naman sa kanyang international career, ibinalita nitong may on-going talks para sa isang project na gagawin niya abroad.

“Well, there were talks of me doing a cameo in a feature action film that they’re doing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero that’s still in the works. It will be shot in Indonesia and it will also be shown in Indonesia.

“Actually, it’s the same producers who gave me the movie The Witness," banggit niya sa joint Philippines-Indonesia production na ginawa niya nung nakaraang taon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN