Mayor-elect Joseph Estrada: “Dear Manileños, I will not fail you.”

Si Joseph Estrada at ang running-mate niyang si Isko Moreno ang nanalo bilang mayor-elect at vice mayor-elect ng Maynila.


Ang pagkakaproklama ni dating Pangulo Joseph Ejercito Estrada bilang mayor ng Manila ay hudyat ng pagbabalik niya sa mundo ng pulitika.

Hapon ng Mayo 14 nang ganapin sa opisina ng Commission on Elections (Comelec) ang proklamasyon kay Erap, kasama ang kanyang running mate sa pagka-bise alkalde na si Isko Moreno.

Huling tumakbo si Estrada noong 2010 sa presidential elections at pumangalawa siya kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Matatandaan din na noong 2007 ay na-convict si Estrada sa kasong plunder at nasentensiyahan ng habang-buhay na pagkabilanggo, subalit nabigyan siya ng pardon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.



FRIENDS WITH NOYNOY. Iniulat ng GMA News Online, na sa kabila ng pag-i-endorso ni PNoy kay Lim during the campaign period, ang dating pangulo at kasalukuyang ay on “good terms,” ani presidential spokesperson Edwin Lacierda.

"They have always been in good terms. I just see no reason why Manila City Hall and Malacañang could not work together," ani Lacierda sa isang press briefing.

Sinabi pa umano ni Lacierda na ikinukonsidera raw ni PNoy si Estrada bilang “family friend.”

"Their families have remained good friends in spite of being affiliated in different political parties."



"I WILL NOT FAIL YOU." Inanunsiyo ang proklamasyon kay Estrada matapos ang pagbilang sa tinatayang 96 percent ng mga boto sa siyudad.

Sa partial at unofficial tally ng mga boto ngayon hapon, May 14, si Estrada, na nasa ilalim ng United Nationalist Alliance o UNA, ay may 288,058 votes habang si Lim ng Liberal Party (LP) ay may 257,631 votes.

Si Lim ang incumbent mayor ng Maynila, subalit nabigong masungkit ang ikatlong termino ngayong eleksiyon.

Sa kanyang speech matapos ang proklamasyon, ang pahayag ni Estrada, “Ibabalik natin ang sigla ng Maynila."

Plano umano ni Estrada na baguhin ang imahe ng Maynila bilang may pinakamataas na crime rate at unemployment rate sa bansa.

Isang araw bago pa man ang kanyang proklamasyon ay naglabas na ng statement ang kampo ni Estrada bilang mayor-elect ng Maynila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I thank the great people of Manila for putting a true son of Manila at the helm of the Philippine capital city,” ani Estrada sa nasabing statement.

“Dear Manileños, I will not fail you. I was born in Manila, and I will die working to bring back the glory and pride to Manila.”

Sinabi pa ni Estrada sa kanyang statement na doble kayod ang gagawin niya sa kanyang posisyon at nakiusap sa kanyang mga katunggali at mga residente ng Maynila na isantabi na ang pulitika at ilagay ang Maynila “back to the pedestal of being once one of the greatest cities of the world, the Paris of Asia."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN